SHOULD I LEAVE MY PARTNER?

Mga sis ano po ba dapat kong gawin. I'm 37th week pregnant at ilang beses kong nahuli yung partner ko na nambabae at nagsisinungaling pero pinatawad ko sya kasi mahal ko sya at the same time may anak kami. Ang sabi nya magbabago na sya pero pag aalis sya kasama ng friends nya may mga kasamang babae tas magbubura ng chat tapos sasabihin saakin na ayaw nya lang daw ako ma stress pero alam kong kalokohan yun. Nag away kami at ayaw nyang mag pa control lalo na kung ginusto nya. Sa tingin nyo ba it's time na iwan ko na sya? Natatakot akong magkaron ng broken family yung anak ko pero ako kung wala kaming anak I'm ready na iwan sya sa dami ng masasakit na nagawa nya..

37 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kung ilang beses na kayo nagaway dahil sa pambababae niya, at di pa din nagbabago at paulit ulit pa ding ginagawa. Siguro mommy, bigyan mo ng ultimatum or kung kakayanin mo, hiwalayan mo na. Kung hindi niya kayang magbago para sainyo, walang kwentang lalaki yan. Uulit ulitin niya lang yan, lalo siguro pakiramdam niya, kaht anong gawin niya tatanggapin at tatanggapin mo siya. Ipakita mong, kaya niyong wala siya. Mahirap yang ganyan, masyado ka lang mastress kung siya mismo parang ayaw niya ng matinong pamilya.

Magbasa pa
5y ago

yes sis salamatttt