SHOULD I LEAVE MY PARTNER?

Mga sis ano po ba dapat kong gawin. I'm 37th week pregnant at ilang beses kong nahuli yung partner ko na nambabae at nagsisinungaling pero pinatawad ko sya kasi mahal ko sya at the same time may anak kami. Ang sabi nya magbabago na sya pero pag aalis sya kasama ng friends nya may mga kasamang babae tas magbubura ng chat tapos sasabihin saakin na ayaw nya lang daw ako ma stress pero alam kong kalokohan yun. Nag away kami at ayaw nyang mag pa control lalo na kung ginusto nya. Sa tingin nyo ba it's time na iwan ko na sya? Natatakot akong magkaron ng broken family yung anak ko pero ako kung wala kaming anak I'm ready na iwan sya sa dami ng masasakit na nagawa nya..

37 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Leave... Hanggang kelan ganyan sitwasyon mo? Hanggang kelan ka ma sstress? Mga ganyan small ang chances na mag bago lalu na may anak kayo.. Dapat 1st month pa lang ng tummy mo nagtino na sya.. Ok lang broken family kesa naman stress ka araw araw.. Ikaw lang mahihirapan... But still, taga bigay lang kame ng payo, in the end of the day ikaw pa rin ang masusunod dba? Maging wais.. Gamitin ang utak, wag puro puso para di maging marupok... Aanhin ang pag mamahal kung miserable ka naman...

Magbasa pa

I think your child will understand once na malaki na sya kung bakit kayo naghiwalay ng tatay niya. Its better to cut ties hangga't maaga pa kesa sa hintayin mong may mangyareng masama sayo or sainyo ng baby mo. Its better to have an incomplete family than to have an abusive partner na hndi din nman masusuportahan emotional needs mo at nang magiging baby niyo. Kaya mo yan mumsh, you are stronger than what you think. You have your baby whom will love you unconditionally. God bless

Magbasa pa
5y ago

i agree! Mama ko nakipaghiwalay sa papa ko grade4 palang ako at baby pa kapatid ko. inintindi namen kung bakit kaylangan nyang hiwalayan si papa. nakipaghiwalay na sya kesa naman paulit ulit nalang magloko. pero hindi nya pinagbawalan makita pa kami ni papa. ngayon okay na okay sila may kinakasama si papa at may anak na sila. pero hinahabol habol parin nya si mama hanggang ngayon.

napaka dali lang sabihin na iwanan kasi manloloko at manloloko uli, totoo naman kapag nagawa na ng isang beses magagawa uli. Pero, alam mo yon mas malaki padin hope mo na titino. Give him another chance, pero yung chance na hindi kana attached sakanya para kung umulit hindi kana masasaktan. Kung hindj na uulit pasalamat ka. Hahaha. Pag pray mo mommy. Mahirap palakihin ang anak ng walang ama. Mag tatanong at mag tatanong. Hehe. Pag pray mo pray pray pray

Magbasa pa

para sakin... qng dina healthy yung sainyung magaswa bigyan mo space sarili mo lumayo ka muna.. kasiaapektuhan dn nmn yung mga bata pag ang magulang dna dn masaya s isat isa..., rmdm dn ng ank yun.. mg focus k muna s ank m.. hayaan m sya.. pkita m, anu yung mwawala sknya.. at iparamdm mong d sya kawalan.

Magbasa pa

Mommy, for me ha, you should leave na/ i-let go na. Kung mahal kaniya talaga una pa lang hindi siya magchecheat. Hindi mo siya deserve. Once a cheater, always a cheater. Mag focus ka kay baby, and malay mo someday dumating yung talagang magmamahal sa iniyo ni baby, yung hindi ka sasaktan.

gusto mo ba lumaki ang anak mo na kasama nga yan ama niya pero walang magandang impluwensya na idudulot . makasarili mang isipin . pero alm ko darating ang panahon maiintindahn ka ng anak mo . tatanda ka ng maaga sa kakaisip sa walang hiya mong asawa

Pag maraming ulit na mamsh wag na. Ok lang ang broken family may peace of mind ka naman. Kaysa magkasama ku niloloko ka naman at to think buntis ka consideration naman sana ng partner mo sayo. Hay kakagigil ang ganyan.

Kung paulit-ulit nalang ginagawa sis iwan mo na siya sustento nalang sa bata ang ibigay niya. Masyado ng toxic yung ganyan at makakasama din para sayo. Ayaw mo ng broken family para sa bata pero siya hindi iniisip yun

Sis, maaga pa. Magtira ka naman para sa sarili mo. Iwanan mo na ang manloloko na yan. Hindi nya deserve ang pagpapatawad mo. Alam ko mahirap pero uulit at uulit yan. Maawa ka sa sarili mo.

Same situation tayo moms, ako ginawa ko pinalayas ko, pumunta na sya aa gusto nya. Wag na syang babalik ulit, basta nasakin ung baby ko. Same taung buntis. Ganun din partner ko