Ginawang Kabet

Pwede bang kasuhan ang tatay ng anak ko dahil ginawa nya akong kabet? Hindi nya sinabi sa akin na may asawat anak na sya at kasal pa pero hiwalay na daw sila 2018 pa, may 2 silang anak na babae. May 2 anak na lalake din sya sa unang babae at isa sa pangatlong babae. Nagsinungaling sya sakin at ang reason nya ayaw nyang iwan ko sya pero noong nagkabunga na may choice pa naman daw ako maghanap ng iba. Ang unfair lang kase minahal ko naman sya pero bakit ganito ginawa nya sa akin. #Lahat naman daw yun ay seryoso pero sya ang iniiwan. Nung nag 7months yung baby ko saka ko lang nalaman lahat lahat na niloloko pala nya ako. At my parents expecting na maikakasal kami pero hindi. Hindi nila alam ang about dito. At hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi. Hindi ko na po alam gagawin ko sobrang nakakastress na.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

you need to consult a lawyer sa ganyan or may alam sa batas. kasi Kasal sya ee pwede bumaligtad ang sitwasyon jan ikaw ang makasuhan ng pinakasalan kapag di ka humiwalay sa sustento dun may laban ka.

Hindi ko lang po sure about sa ginawa nya kayong kabet pero if hindi sya nagbibigay ng sustento sa anak nyo, pwede nyo po sya kasuhan.