Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mommy blog and Promoting parents as a first teacher!
Johnson's Powder Prickly heat
Bumili ako ng Johnson's Baby powder yesterday and we saw the new product/scent. Gulat ako pag uwi ko, kakaiba yung amoy. Medyo parang gamot. May nakatry na ba sainyo nito?
3 year old reading journey
Hi I just want to share our reading journey po ng anak ko: I'm a preschool teacher pero housewife right now, so ang pinagtutuunan ko ng pansin is yung anak ko lang. Kaya naisip ko na i-expose na sa pag aaral si baby. (Note: hindi ako naniniwala na kapag ang bata, maaga nag-aral ay maaga din magsasawa. Hindi po yun totoo. Mas nakita ko na ang batang natuto mag aral sa magulang nila, mas active sila sa school ksi nakakarelate sila sa tinuturo ng guro). Anyway nag umpisa talaga ako sa ibat ibang pangalan lang muna ng flags since nakita ko nung 1year old siya, madali siya makatanda ng flags kaya tinuruan ko siya kahit ako mismo di ko kabisado lahat. Nakabisado niya po ang 4 na flags after a week...tyaga lang kasi may short attention span lang sila. Gamit flash cards... hanggang sa naging 50 flags pag dating ng 2years old. 😅😄 Ngayong 3 years old na siya inintroduce ko na po ang ABC's sakanya. Mas maganda po pala na sana phonics muna bago pangalan ng letra. Ang phonics po ay tunog ng mga titik. Hindi ko po siya pwinersa ng isang araw lang. Ginawa ko po paunti unti at araw-araw tunog lang ang itinuro ko hanggang sa makabisado niya. Inabot din siguro po ako ng 2weeks sa ABC phonics lang. Pero siyempre po may ibang activitiea hindi lang lagi Phonics. Pwede rin kyo mag incorporate ng ibang subjects like math na counting numbers, arts like painting and science na body parts. Ganun po. Pagkatapos nun, balik na tayo sa phonics hehe sinubukan ko na po sa cvc at sa mga families (-at family at -ap family) mga halimbawa ay CAT, FAT,SAT,RAT. Sa pagtuturo po gumamit lang ako ng phonics para mabasa bawat salita. Sa ngayon continuous pa din kami sa pagbabasa kaya sana nakainspire ako. Sana po makatulong sa mga mommies na di alam ano pwede ituro. I-Encourage ko kayo na turuan niyo sila sa bahay and wag puro gadgets para po maiprove ang memory niya while lockdown. Hindi po kaylangan ng sobrang talino na magulang. Ang kaylangan po nila, is gagabay at manghihikayat na masaya rin po mag aral. Thank you! And God bless
Memogro Multivitamins
Hi Momshie meron na po ba nakatry ng vitamins na toh? Legit po ba and totoong FDA approve?
Toddler Asthma
Hi ask ko lng po sino dito may asthma na Toddler po? I need to ask something reagrding Baby inhaler? Pinabibili kasi ako ng "baby haler" (posted photo for reference) kaso po yung sa mercury masyado po bulkyand super mahal. Pwede po kya yung sa shoppee na nakita ko? Need ko po advice niyo tnx!
Review of the JOY baby bottle cleaner
I asked last time if okay po yung JOY baby bottle cleaner. And kwento ko review ko...Sana maka-help some moms like me na bottle-feed ang baby! So almost a week na din and so far maganda siya. Parang sa commercial p din ng Joy na isang patak lang ang need? Dahil sobrang bula niya. Sa amoy naman, mabango siya may mild sweet scent na parang cologne pero pag nahugasan mo na yung bottle, wala naman naiiwang amoy. Natatanggal niya yung amoy ng bottle. Marami din namang iba pang brand ng bottle cleaner but I guess mag stay na ko sa Joy kasi matipid and konti lang need tanggal agad yung dulas! Again, I Hope maka-help! ❤️❤️❤️
Pahelp naman po?
Sino na nakatry po sainyo neto? Okay po ba? Super okay naman po ako sa Babyflo bottle cleaner? Pero gusto ko i-try and is it safe po? Hehe thanks!
Diarrhea serye
I have a 2-year old son po na lagi nag da-diarrhea wayback 6mos pa lang siya. Nakatira po kasi kami sa ibang bansa and dun ko siya pinanganak. Sabi nila baka dahil di sanay sikmura sa Pinas. Since pabalik balik po kami ng Pilipinas to Japan, Japan to Pilipinas...struggle ko na lagi nalang liquid yung poops niya pag umuuwi kami dito pero sa Japan hindi naman. Everytime na may konting kainin lang siya mapala-restaurants man o bahay nagdiarrhea siya agad. (Maniwala kayo sakin Wilkins ang tubig ni Baby and umabot na ko sa point na nagbabaon na kami ng pagkain pag nalabas kami sobrang grabe ingat ko kay baby wag lang makakain ng makkapagtrigger ng tyan niya). Nung nag 7mos si baby na-diagnose din siya ng Amoebiasis which is sabi ng Pedia niya malaking factor yung nakakainom siya ng tubig na pinanliligo namin galing gripo. Sa sobrang lungkot namin suki na kami sa mga Medicine pang diarrhea and labas pasok na din kmi ng hospital dahil nadi-dehydrate na si baby kaka-poop. Trust me, E-zinc at Erceflora yung naging supplement namin...matigil lang yung sakit niyang yun. Nakakaubos din kmi ng mga pang anti-rash na gamot para sa mga singit-singit niya na grabe na ang pagkapula dahil sa pag dumi. And ayun na nga, sa gatas palit palit din kami dahil baka factor din yun kaya masama tyan lagi ng anak ko. Until one time, yung mama ko nirecommend niya akona palitan yung Milk ni baby yung Promil Organic to Promil Gold to NAN optipro napunta din sa NAN na png sensitive(di naman po kami everyweek nagpapalit...mga every 3mos po nagtatry kmi ng hiyang sya)... And lahat yun hindi nakatulong. Sa isip ko dati pag mahal yung gatas baka mas makatulong kay baby. Until one day, nirecommend sa'kin yung gatas na Nido 1-3... grabe first time ko nakitang parang mga clay na bilog poops ni baby ko. Which is a sign na matigas poops niya and buo na. Grabe saya namin. Mura na yung milk niya, tapos bihira na din siya nagpoop. Feeling ko dahil na rin may Probiotics yung Nido. Ako lang ba yung tao na nagiging masaya na buo-buo poops ng anak? 1 year and 1/2 din kami nag suffer and nag sunog ng pera dahil sa diarrhea niya. Ngayon, may E-zinc pa din kami na pinapavitamins na samin ng Pedia niya and bumabawi na para tumaba naman si Baby. Yun nga lang ang side effect ni baby sa Nido, grabe hyper! Hehehe Ayun the end. Salamat kay Nido 1-3. Note: di po to sposor! Sana makatulong sa ibang nanay na may kagaya kong sitwasyon. ❤️