Suhol

Mga mamsh manghihingi lang sana ako ng advice about my relationship with my husband. Napansin ko po na tuwing mag-aaway kami ng husband ko ay bigla nalang nya kong bibigyan ng pera para kumalma ako. Nung una parang magic na nawawala ang galit ko kasi may pang-shopee na naman ako. Pero parang ganito nalang ginagawa nya palagi, binabalewala na nya yung galit ko then bibigyan nalang nya ko ng pera agad, halos hindi ko pa nga nauubos yung mga binigay nya nung una. As a girl ang hirap po talagang tanggihan ng pera pero parang kinukunsinti ko sya everytime na tatanggapin ko yung pera na binibigay nya. Ano po bang dapat kong gawin?☹️

34 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Uy asawa ko ganyan. Hindi naman pera, kundi lagi ako binibilhan ng favorite kong pagkain. 😂 Anyways, ang rason ng asawa ko is hindi siya "suhol" kasi willing pa rin siyang makipag usap para maayos kung ano man ang naging away namin. More on nakokonsensiya talaga siya pag magkaaway kami lalo na't hindi ko siya kinikibo, kaya way niya para pansinin ko siya eh magbigay ng kung ano ano. That way, makakapag usap na kami to figure out and fix what is wrong. I suggest you do the same. Baka naman kasi pag binigyan ka na ng pera, shut up ka na then feeling niya ok na kayo. Sabihin mo na gusto mo pa rin na mag usap kayo, may pera man o wala kasi at the end of the day, hindi mafifix ng material things ang away o relasyon nyo. Kung ayaw niya talaga makipag usap, mag isip isip ka na.

Magbasa pa

Tsk.tsk..di ako matatapatan ng pera lalo na kapag galit ako pupunitin ko sa harapan nya ibibigay nya saken ewan ko nlng kung ulitin nya pang bigyan ako ng pera kapag nagalit s knya...wag ganon girl,wag ka pasilaw sa pera..maliit o malaking kasalanan dapat pinaguusapan para dna nauulit.STOP muna pagtanggap ng pera sa twing aabutan k nya habang nagagalit ka kasi pinapababa mo sarili mo baka umabot sa sukdulan mga kalokohan ng mister mo at kapag nalaman mot nagalit ka e bigyan k lng ng pera para tumahimik ka tapos un pala e nambababae na sya..so dapat dka pasilaw sa pera and besides asawa ka nya dapat talaga bigay na pera nya sayo after sweldo di kailangan galit ka bago ka bgyan ng pera...

Magbasa pa

Ang akala kc ng mga boys ang mga girls po ay tatahmk nlng pg my pera, stop mo dn mommy yang atittude mo n gnyan n pg ng away kau tatanggap ka ng pera, bababa ang tngin ng asawa mo sau, u prove lng na nkakaya ka nya s pabigay bgay kaya kaht mkgwa sya ng kslanan alm nya n pg bnigyan k nya ng pera tthmk kna lng. Malki dn possiblity n mambabae yn. At isa mams, dont grab the oppurtunity na nabbgyan k nya ng pera pg ng aawy kau, kc right naman tlga ng lalaki na mgsubmit ng pera sa babae, kaya pg ng aaway kayo ignor ang usping pera, at maayos nyo muna ung problem nyo. Then pg okay n kayo at smooth n ult ang flow nyo pwde kapa naman mkahingi ng pera s knya, ng wala kaung png aawyan

Magbasa pa

Halatang muka kang pera sis whahaha Samin pag galit ako pinag uusapan namin yan .. di kasi ako nadadaan sa mga kung ano ano at saka ayoko humawak ng pera kasi magastos ako 😂 kaya si hubby talaga nag hahawak ng pera nya nilalagyan nya lang kusa wallet ko Pero diko namn nagagamit kasi wala namn ako gusto bilhin palagi Mga personal needs ko like hygiene provided namn palagi Kaya hindi nagmamatter samin ang money .. mahirap yan pag ganyan pano pag wlaa ng pera partner mo whaahha ano pang tatapal nya sa bunganga mo pag nagalit ka ? Oh dba .. kaya hindi din healthy yang ginagawa nyo pareho

Magbasa pa

Ayyy sana all. Charot. Samin pag nag aaway kami pride kami talaga. Every weekend lang sya umuuwi at dun lang kami nagkakaayos. Sa province kasi sya nagwowork tapos ako dto sa QC. We blocked each other sa messenger pero pag nagkita kami parang di kami nag aaway tapos pag uusapan namin ung nangyari in person. Mas maganda po kasi talaga na pinag uusapan para malaman natin both sides kung saab tayo may mali. We blocked each other para magkaspace kami sa isa't isa, to think and to focus sa ibang bagay 😂 Immature pa kami pareho kasi early 20s palang kami 😂

Magbasa pa

babae din ako pero hindi ako natatapatan ng pera, kaya te wag mo sabihin na bilang babae mahirap tumanggi sa pera. saklap ng ganyan, tingin ng asawa mo sayo pera lang katapat mo para mawala yang inis mo. try mong wag tanggapin tignan mo kung anong gagawin niya, kasi pag nag-tagal pa, mawawalan na talaga ng pake yan sayo kasi pinapakita mo na pera lang katapat ng inis mo.

Magbasa pa

dapat kung valid tlga galit mo, d mo hahayaan na d kayo magkakasundo on certain ground sa ikinagalit mo. kc bka umabot ung time na pera na lang tingin nya sayo, sorry for the term. pero possible na aabot sa time na sumbatan ka nya na pera pera na lang relasyon nyo. hindi dapat nasosolve ng pera ang problema nyo. unless kc nakikita nya na unreasonable ka minsan mommy.

Magbasa pa

Asawa qo namn iba,pag may tampo aqo or nhahalata nyang tamihimik na qo at di nkibo,bgla na lang un magpapa grab food ng gsto qong pagkain..tapos nmn kpag may gsto qong bilhin online na may halong prinig nag aabot na ng pera..mnsan nkakainis kc kelangan qo pang maparinig,nkakatuwang side nman is effective nmn sya.😅😅

Magbasa pa

Kasi nga una palang nya ginawa, pumayag kana at tinanggap mo yung pera. Kaya everytime na magaaway kayo, yun na ginagawa nya kasi effective sayo. Sakin naman pagkain pinangtatapal sa bibig ko. Kaya wala akong magawa. Pag busog na naka smile na ako. Tapos sasabihin nya, gutom lang pala eh. Nako nako.

Magbasa pa

madalas din kmi mgAway ng asawa pero di ako masusuhulan ng pera kasi may pera din ako 🤣 minsan nagsusuhol sya food kpag late umuuwi galing sa galaan, pero pag away..hindi...mas matigas p ko sa bato at malamig p sa yelo kya sya una mkikipagbati at mgssorry, otherwise walang usap2