Budgeting problem

Hi. Any advice naman po what to do. Si LIP kasi malaki sahod: full and part time. Ngayon sabi ko sa kanya we need to make ipon na for my panganganak (April due date) and syempre gamit ni baby. Ngayon, may pera naman kami. Ako rin may sariling pera pero ayun nga medyo hindi marunong kasi sya humawak ng pera nya. As in sa buong relationship namin, halos kalahati lang yung sahod ko sa sahod nya pero mas nakakaipon pa ko na to think na parehas din naman kami nagastos. Hindi pa rin sya comfortable na hindi sya may hawak ng pera nya. Hindi naman kami nag-aaway or something regarding sa pera pero lagi ko sya nire-remind about pag-iipon and feeling ko medyo carefree pa sya. Wala naman kaming ibang malalapitan just in case ma short kami pero ewan ko bakit parang ang kalmado nya pa rin. Hindi ko alam if OA lang ako pero kasi mas gusto ko talaga na secured yung baby namin. Na wala kaming masyadong alalahanin when it comes to money plus ayokong napupunta sa kung saan lang yung pera nya. Very responsible naman sya. As in wala akong masasabi sa kanya. Hindi lang talaga sya marunong sa pera. What to do and what to say?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kausapin mo mabuti mi...need na tlga mag ipo sa mahal ng bilihin ngayon at habang tumatagal mas mamahal at mamahal pa huhuh... kgaya ng sibuyas na 10 pesos isa huhuh...smen naman ako maliit ang sweldo ako pa gastador syaaaapii is life hahaha...pero husband ko aun naipon na nya pera sa panganganak ko hehe ako kse gumagastos sa check up,vitamins at gamit ni bebe... pero parang sang taon na din ako snsbhn ng asawa ko mg ipon hahaha naalog lang lately utak ko kse nga magkakababy na kme so need na ng tipid tipid..baby first na

Magbasa pa

Hi mommy! Kami po ni hubby meron kaming tracker. Gumawa ako sa excel sheet ng listahan ng monthly gastos pati savings. And inuupdate din monthly. Tinotal ko ang sahod namin kada buwan tsaka ko binreakdown dun sa mga bayarin at savings. Kada sahod, may tigmagkanong money rin kami na maiiwan individually para mabili kung ano gusto namin. Try to look po ng free money tracker. Para rin po alam niya kung saan ilalaan yung pera and para organized. Nakakatuwa rin makita na lumalaki ang savings, mas nakakagana magipon.

Magbasa pa