GD Vi profile icon
GoldGold

GD Vi, Philippines

Contributor

About GD Vi

Mama bear of 4 sunny little heart throb

My Orders
Posts(16)
Replies(402)
Articles(0)

CS - Normal / VBAC (Vaginal Birth After C-Section)

Share ko lang po. I'm 28 yrs old. Last september 2017 (26yrs old ako that time), nanganak ako sa 2nd baby ko via CS, humina kasi Heart rate ni baby. Super tagal ng recovery pag cs at sobrang mahal. inabot ng 100k yung hospital bill namin kaya sabi ko ayoko na. Pero binigyan ulit kami ng new blessing. Nag buntis ulit ako. After mag 1 year old ng "CS" baby ko. Bumalik ako sa ob ko, sabi nya : Buntis ka na naman? Sabi ko, opo doc. Tapos parehas kaming natawa. Habang chinecheck nya kami ni baby, tinanong nya ako kung gusto ko daw ba i-normal sabi ko pwede po ba yun? Oo daw kasi kay baby naman daw yung naging problema kaya na cs ako. Kaya sabi ko gusto ko i-normal. Pero dapat daw control ako kay baby. Wag masyado palakihin. Eh malaki talaga ako magbuntis, tsaka kanin is life. 32 weeks si baby parang manganganak na yung size ng tyan ko. 33cm. Tsaka 2 kilos every week dagdag sa timbang ko. So 50/50 na yung chance ko na makapag VBAC ako. Tinry ko mag diet, oatmeal lang kinakain ko. Tiis tiis Di ako nag rice hanggang 36 weeks. Pag balik namin kay ob, 1kilo lang dagdag ng timbang ko. Which is good. Pero nung sinilip nya si baby via ultrasound, malaki daw talaga. Malapit na mag 8pounds si baby. After 1 week balik ko ulit sa kanya. Pag balik ko, saktong 37th week namin ni baby, closed pa cervix ko pero binigyan nya na ako ng referral sa hospital. Try parin daw namin Vbac pero pag di pa lumabas si baby within 1 week, CS na ulit ako. Medyo nalungkot ako kasi ang hirap ng magiging sitwasyon ko. May dalawa akong toddler, tapos CS pa? Wala pa akong kasama sa bahay. Wala ako katulong na magaalaga pag nag work si husband. After ng checkup, may konting kirot ako naramdaman, inisip ko dahil lang sa pag ie sakin ni doc. Kaya di ko pinansin. Then kinabukasan, JUNE 27, 2am nag lelabor na ako. Hinintay namin na mag maya't maya yung sakit. 6pm punta na kami sa ER kasi masakit na pero kaya pa naman. 7:30pm kami nakarating. 8pm, 4cm. inadmit na ako. Monitor, hindi ako pwede bigyan ng pampahilab since cs ako dati. Bawal daw nila pwersahin yung matres ko. 11pm, weak daw yung contraction. Kaya sabi ng ob ko, cs nalang daw ulit. Risky pag hinintay pa daw namin mag 10cm baka abutin ng ilang oras. Pumayag kami agad. Naka schedule ako ng 2am kasi may cs din si doc na ibang patient. Medyo nalungkot na naman ako, kasi naglabor na ako, tapos cs parin pala. Tapos 12am, super sakit na talaga. Lalabas na si baby. Yung mga nurse medyo natataranta na. Biglang nag strong yung contraction. 10cm na Dali dali nila ni ready yung delivery room. Expected kasi nila 2am pa operation ko. 12:35am Super sakit na talaga. Pag lipat sakin sa table, (Table tawag nila sa bed na hinihigaan ng manganganak) nilagyan ako ng oxygen, dalawang ire lang lumabas na si baby 12:41am. Ang saya ko. Parang naiintindihan ni baby yung sitwasyon namin. Kaya lumabas na sya. Excited ako sa ngyari sakin nun. Parang proud na proud ako sa sarili ko. At thankful ako kay god dahil safe si baby. Hindi nawawala yung ngiti sakin. After kasi nun i-aakyat ako sa kwarto at pwede na kumain. Di tulad pag cs. Ilang oras bawal kumain at uminom. May oras din kung kailan pwede na gumalaw, mag unan, tumagilid, ang daming bawal. At limitado yung galaw. Pag normal, makakaupo at tayo ka agad ng di mo iisipin na baka bumuka yung tahi mo. Kinabukasan, pwede kana ulit maglakad lakad kahit walang nagaalalay. ang kulit ng mga anak ko: 1st baby - Normal Delivery 2nd baby - CS 3rd baby - VBAC #ProudMoments Nakaka proud maging nanay. Pero di naman nasusukat dun kung paano natin sila inilabas, Normal, CS or VBAC. Nasa atin parin kung paano natin sila palalakihin. Goodluck sa atin mga nanay pati na rin sa mga tatay! Fight lang. Love lang.❤

Read more
undefined profile icon
Write a reply