Suhol

Mga mamsh manghihingi lang sana ako ng advice about my relationship with my husband. Napansin ko po na tuwing mag-aaway kami ng husband ko ay bigla nalang nya kong bibigyan ng pera para kumalma ako. Nung una parang magic na nawawala ang galit ko kasi may pang-shopee na naman ako. Pero parang ganito nalang ginagawa nya palagi, binabalewala na nya yung galit ko then bibigyan nalang nya ko ng pera agad, halos hindi ko pa nga nauubos yung mga binigay nya nung una. As a girl ang hirap po talagang tanggihan ng pera pero parang kinukunsinti ko sya everytime na tatanggapin ko yung pera na binibigay nya. Ano po bang dapat kong gawin?☹️

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ayyy sana all. Charot. Samin pag nag aaway kami pride kami talaga. Every weekend lang sya umuuwi at dun lang kami nagkakaayos. Sa province kasi sya nagwowork tapos ako dto sa QC. We blocked each other sa messenger pero pag nagkita kami parang di kami nag aaway tapos pag uusapan namin ung nangyari in person. Mas maganda po kasi talaga na pinag uusapan para malaman natin both sides kung saab tayo may mali. We blocked each other para magkaspace kami sa isa't isa, to think and to focus sa ibang bagay πŸ˜‚ Immature pa kami pareho kasi early 20s palang kami πŸ˜‚

Magbasa pa