Suhol

Mga mamsh manghihingi lang sana ako ng advice about my relationship with my husband. Napansin ko po na tuwing mag-aaway kami ng husband ko ay bigla nalang nya kong bibigyan ng pera para kumalma ako. Nung una parang magic na nawawala ang galit ko kasi may pang-shopee na naman ako. Pero parang ganito nalang ginagawa nya palagi, binabalewala na nya yung galit ko then bibigyan nalang nya ko ng pera agad, halos hindi ko pa nga nauubos yung mga binigay nya nung una. As a girl ang hirap po talagang tanggihan ng pera pero parang kinukunsinti ko sya everytime na tatanggapin ko yung pera na binibigay nya. Ano po bang dapat kong gawin?☹️

34 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Tsk.tsk..di ako matatapatan ng pera lalo na kapag galit ako pupunitin ko sa harapan nya ibibigay nya saken ewan ko nlng kung ulitin nya pang bigyan ako ng pera kapag nagalit s knya...wag ganon girl,wag ka pasilaw sa pera..maliit o malaking kasalanan dapat pinaguusapan para dna nauulit.STOP muna pagtanggap ng pera sa twing aabutan k nya habang nagagalit ka kasi pinapababa mo sarili mo baka umabot sa sukdulan mga kalokohan ng mister mo at kapag nalaman mot nagalit ka e bigyan k lng ng pera para tumahimik ka tapos un pala e nambababae na sya..so dapat dka pasilaw sa pera and besides asawa ka nya dapat talaga bigay na pera nya sayo after sweldo di kailangan galit ka bago ka bgyan ng pera...

Magbasa pa