Money matter

Hi co-momsh pag dating ba sa pera ng husband nyo affected ba kayo if ever na hindi kayo ang pinahahawak nya? Sabihin na natin na tanggap mo ng ganon asawa mo pero pag tinanong mo sya kung san nya ginastos tas parang medyo galit sya ano reaksyon nyo? Hahaha ako kasi pag may pera ako bili ako dito bili dyan. Pero di sya na tanong about sa pera ko. Minsan naman binibili nya din gusto ko pag may mood lang sya pero nakakapag tampo lang kasi na waldas sya ng pera sa Laro, bisyo ganon hahaha ewan ko parang na offend yun feelings ko pag sya ang na gastos although pinag hirapan nya naman yun

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Di siya nagtatanong sayo kahit nagwawaldas ka.. Kaya siguro di di mo din siya matanong😅 maging open ka sakanya malay mo ganon din gawin niya.. Kami kasi ni husband ko di naman ako matanong talaga at nung nagwwork ako dati natulong ako sa expenses kahit di niya sabihin gusto ko may ambag ako at wala ko pake minsan siya lang nagsasabi di ako nagtatanong kahit mga vouchers lang na nakukuha niya na dapat pang kanya nalang sinasabi pa rin saken.. Mahalaga lang talaga basta nagbibigay saken every cut off at nababayaran niya lahat ng expenses monthly thru online at nakakapag grocery kami gamit sahod niya may nahuhulog siya sa kabilang bank account namin ok na sakin yon.. Nasa sakanya na kung may extra siya panggastos naman sa sarili niya kasi para din naman sakanila yon maenjoy naman nila pinaghirapan nila. Reward naman nila yon sa stress nila kakawork.. Di naman dapat pagtalunan ang pera mii dapat maging open nalang kayo sa isat isa

Magbasa pa

What you feel is normal Momsh, but I really think you need to have a heart to heart talk with your partner. It is important that you both reach a mutual agreement and Accounting on the monthly expense and expected expense especially if you already have kids. In my case, & my husband and I are both earning. I don't meddle with how he spends his money kasi they have their own needs and wants. However, before the 30th of the month (preferably Sunday) we have a habit of meeting, discussing our budget for the next month (via Excel) with breakdowns including Savings, Mortgage, Utilities, groceries, Loan Payments, HOA Fees and others. We have 50% share on every expense and savings allocation. When we have dates, we also talk sino ang manlilibre. Minsan, sa joint savings nalang namin kukunin. You might want to talk to your partner and present a breakdown. Para na din sa peace of mind mo.

Magbasa pa

I think it depends po. In our case kasi, we're both earning, hindi rin pinahahawak ni LIP 'yung ATM/salary niya, binibigay niya lang sa'kin 'yung for payment ng bills (water & electricity). Though alam ko rin 'yung range ng nare-receive niya, hindi ako nagtatanong saan niya ginagastos kasi responsible siya sa paggastos (aside from bills, usually for daily expenses na like food, magtatanong siya anong gusto kong food and if may need ako na vitamins and lab tests since I'm 25w preggy), then most of the time magsasabi rin siya sa'kin if may bibilhin siya na wala sa budget (Shopee, motor repair/accessories, etc.). Hindi po namin 'yun napag-usapan, pero ayun 'yung set up namin ever since. In your case po, need niyo po i-communicate with your husband, lalo if affected na po 'yung budget niyo. 🙂

Magbasa pa

Un asawa ko, sa shopee lang xa gumagastos. kasi para naman sa CAR niya. Marunong mag ayos ng CAR ang asawa ko, kahit anong sira sa CAR niya kaya niya gawin kaya un mga PARTS na need niya sa shopee niya ioorder. Eh shopee account ko gamit niya. kaya alam ko. 😂 ngayong buntis ako. may allowance ako everyday. 50 PESOS. oh dba. kahit nasa bahay ako may baon ako. 😂 bagets pa kaming mag asawa. 30 ako, xa 29. ♥ Maxado na magulo ang mundo. kaya saming dalawa. ayaw naming nagiging issue ang pera. ang pagsasama namin parin ang mahalaga. ngayon pang magkaka baby na kami. No stress talaga sa asawa ko. I pray na masettle niyo yang issue niyo. kasi hanggang pagtanda, makakasama mo un ganyang tao. may kinikimkim ka pala, baka humantong pa yan sa away. communication is the key mommy.

Magbasa pa
VIP Member

Sa akin okay lang po momsh, nung wala ako work dahil nag alaga ako baby namin sya lahat ang gumagastos sa lahat kaya pag may bibilhin sya na gusto nya okay lang talaga sakn kasi pera nya yun pero nakakalungkot din kc iba talaga pag may sarili kang pera. Nahihiya ako humingi sa kanya ng mga simpleng wants ko. Ngayon may work na ako, may sarili na ring pera hati na kami sa mga expenses. Pag may gusto sya bilhin or ako hinahayaan lang namin ang isa't isa. Pag may bibilhin sya na mahal talagang tinatanong ko sya kung sigurado sya at kjng hindi sya masho short pag binili nya yun. Para sakkn Ma, okay lang na gumastos sya sa gusto nya as long as ung financial responsibility nya sa amin o sa bahay nabibigay pa rin nya, or basta may matira para sa kanya hindi ung sagad na ubos talaga.

Magbasa pa
VIP Member

Hay nako mi sa 9years na pag sasama namin ng lip ko ilang beses na kmi nag hiwalay dahil sa ganyan pag sya nag wawaldas ng pera para sa online sabong at tongits go libo libo na wawaldas sa ilang oras plang kaya pag sa pagkaen na namin wala na byenan ko ng babae ang nag bibigay samin kaya lagi nakakasawa nalang makipag away nakakahiya nlang sabihan sya na hinay hinay naman sa pag waldas ng pera. Until now di pa ko nkakapag ultrasound tska mga laboratory mag check up nlng ako sa lying in sa 24 ewan ko ung mag bibigay ng pang ultrasound ko. Nakakadissapoint na lang talaga Naka pisan kami ulet dto sa byenan ko kase wala pa syang trabaho simula nung umuwi kami nung april kase nag hiwalay nga kmi umuwi lang ako dahil sbi nya babago na daw sya. Ayun nautouto ako nabuntis pa nga.

Magbasa pa
2y ago

Same situation here

Ang hirap ng ganyan. Dati sa ex bf ko, napaka easy go lucky. Tapos pag wala na syang pera, manghihiram sya sakin. Ang bisyo naman nya, bumili ng mga jordan shoes. Kaya nung mga 2 months palang kame, nakipaghiwalay na ko. Walang future. Poproblemahin ko pa sarili ko kapag nabuntis nya ko. Sa husband ko now, napakabait. Lahat ng update sa sahod, sinasabe sakin. Pati pagbili ng tray ng itlog sa bahay, ipinapaalam pa. Pinapasok nya ora mismo sahod nya sa savings namin tapos ako na magmomonitor. Ang bisyo naman nito, pagkain. At least busog sya at ako. Pero controlled naman. Most of the time, namamalengke sya at ako na magluluto. Tipid pa.

Magbasa pa

ang pera ni hubby ay para samin din ni baby. pwede syang bumili ng kanya pero pinapaalam nya sakin at madalas hindi talaga sya nabili kase mas inuuna nya yung needs namin ni baby. pasalamat na lang ako walang bisyo si hubby. minsan ako na mismo nag aalok sa kanya. pera ko na lang ang ipambibili sa gusto nya kase dun napayag sya pero pag pera nya di nya magastos para sa sarili nya. pero may mga nag sasabi na di na daw uso yung ganyan kaya hinahayaan na lang nila na magkahiwalay ng pera pero para sakin mas maganda na open kayo sa lahat lalo na sa pera. at wag kayong mag aaway ng dahil sa pera. its a no no

Magbasa pa

hindi masyadong issue pera smen e since siguro pareho kmeng working. Di ko din hnhnwakan pera o atm nya e hindi kse sya maluho. May oras lang ung luho nya pero kapag lumuho naman abay bigtime 🤣 ping iipunan naman nya muna bago nya bilhin. Same mi sayo, gastador din ako kaya ang atm ko nsa asawa ko haha.. sya ngbubudget ng pera ako bgyan lang ako pang shoppee happy na ako. Separate kame ng pera sa luho e pero sa bahay like bills don kme nghahati di pwedeng hindi.

Magbasa pa

Sa amin mi, sa 8years nameng kasal number 1 rule namen is wag mag-aaway or magtatalo pagdating sa pera. Kasi kahit gaano ka strong yung marriage niyo kung pera na pinagtatalunan niyo, masisira at masisira kayo. Maybe give and take lang, kung si hubby naman naghahanap buhay sa inyo. Pero wag naman umabot sa point na naglilihim na siya sayo dahil sa mga bisyo niyang di na tama. Kasi imbes maging ok kayo, mas lalo kayong magkakasira dahil diyan.

Magbasa pa