Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mahlia and Merlin’s Mama Bear
Baptism dress
Mga mamsh okay lang ba kahit hindi naka white si baby girl sa binyag? Okay lang ba pink na dress? Like this?
RANT! RANT! RANT!
Palabas ng sama ng loob mga mamsh. Sobrang gigil kasi ako dun sa nangutang sakin. Sobrang kapal ng mukha! Di naman kami close, kapitbahay lang sya ng kapatid ko pero bigla nalang nangutang sakin kasi wala daw silang panggastos. So ako bilang maaawain pinahiram ko agad, 500 lang naman ehh babayaran daw nya ng Tuesday. Then last Monday nag-chat sya sakin na babayaran na daw nya, so natuwa ako kasi napaaga at nagkusa sya. Pero biglang sabi nya pautangin ko daw sya ng 3k pagkaabot nya ng bayad. Wtf! Magbabayad sya ng 500 tapos uutang ulit ng 3k. Nanglulumo ako sa kapal ng mukha nya. Di ko sya pinautang, di rin nya binayaran yung 500 nung Tuesday. Nakaka-stress?
Gupit
Alam nyo po ba yung tungkol sa paniniwala na bawal gupitan ang baby kapag wala pang 1 year old? Ayaw po kasing pumayag ang mama ko na bawasan ang bangs ng baby ko kasi 7 months palang po sya.
Proud momma
Mga mamsh do you mind kung late na nagawa ni baby yung mga milestone nya? Ngayon lang natutong dumapa si baby, she's 4 months old and I'm still so proud of her. ❤️
Penta Vaccine
Normal lang po ba mag-last ng 3 days yung pamamaga ng turok ng penta vaccine? Hindi naman po nilalagnat si baby at hindi rin namumula yung area na tinurukan pero may nakakapa akong matigas until now. I applied cold compress naman.
Baby Oppa
Sobrang kamukha ng husband ko baby namin to the point na laging napagkakamalang lalaki si Baby girl ko, ang daming nagsasabi na ang pogi daw ni baby. Patingin naman ng Baby girls nyo na kamukha ng husband nyo.
Budget
Magkano po nagastos nyo nung pinabinyagan nyo po babies nyo?
First baby
As a first time mom, kinaya nyo bang maging full time housewife habang may alagang baby without any help? I had a bad experience with my previous kasambahay at parang ayoko ng ipagkatiwala si baby sa iba. Gusto kong i-try na ako nalang gagawa lahat pati pag-aalaga kay baby. Kakayanin ko po kaya? Possible po bang magawa lahat ng isang tao yun? Pahingi naman po ng sample routine at mga techniques nyo. Thanks
HELP!
Mga mamsh I need your wise advice. Birthday ko po bukas. Then bago umalis si Hubby kanina for work (night shift), nagbilin sya na pag may dumating na delivery, wag ko daw bubuksan, ilagay ko daw agad sa freezer. Then around 8pm may dumating na delivery from Caramia (cake sya obviously) pero hindi ko tinignan kasi yun yung bilin ni Hubby, kaso nung ilalagay ko na sya sa freezer, nabitawan ko yung box kasi karga ko si baby?. So napilitan akong buksan para i-check kung okay pa yung laman (di na talaga ako umaasang okay pa), so yun na nga hindi na sya mukhang cake and may parang birthday message sya na di ko na mabasa kasi sirang-sira na yung cake. Ano pong gagawin ko? Binalak kong umorder nalang ulit para di malaman di hubby yung nangyari sa cake kaso di ko alam kung ano yung message nya for me na nakasulat dun. Ayaw ko namang sirain yung surprise nya sakin kasi first time nyang gagawin to. Nagpa-panic na ko, mamayang 2am ang uwi ni Hubby. What to do???
Angkas
Kelan po pwedeng umangkas ng motor after manganak through c-section?