mahal na mahal ko siya ayaw ko siyang iwan kahit masakit na

Kapag may ibang babae asawa niyo ano gagawin mo? nahuli ko po kasi asawa ko may babae at kachat niya nakita ko at nabasa kopa na sinabi ni wala siyang anak. pero yung tutuo may anak kami ??? gusto ko nalang maglaho, dumating na ko sa punto na pagod na pagod nako ???

37 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kung mahal mo, patawarin mo. Isang beses nya pa lang naman ginawa. Pwedeng natukso lang yan. Kahit sabihin naman ng mga tao dito na iwanan mo yan, pustahan tayo magsstay ka padin jan..magdasal ka sis. Pagdasal mo asawa mo. Kayo ng baby mo. Kayanin mo para sa anak mo. Patawarin mo sya. Bigyan mo 2nd chance. Pag inulit nya yan saka mo iwan. Ibig sabihin nun sinasadya nya na un. Di na dapat magstay pag pangalawang beses ka na niloko. Cheating is a choice. Ps. Nahuli ko din lip ko kachat ex nya, buntis ako nun 9weeks.iyak ako ng iyak. Pinagbabato ko mga gamit sa bahay, sinigaw sigawan ko sya, pinagmumura ko. Umiyak sya sa harapan ko. Nagsosorry. Kasi alam ko awang awa sya sakin. Guilty sya sa ginawa nya. Ang sabi nya nagkamali daw sya at hindi na nya uulitin. Pinatawad ko pero di ko padin nababalik ung tiwala. Pag inulit nya pa un. Talagang wala ng 3rd chance. Panggagago na tawag dun

Magbasa pa
TapFluencer

Wala. Focus ako sa baby namin. Kung gusto niya mambabae, sige, go. Hindi ako ang mama niya para ituwid ang mali niyang gawain sa buhay. Sisinupin ko sarili ko at ang anak ko. Wala din ako gagawin dun sa mismong babae niya kahit kakilala ko pa. Mahiya siya sa balat niya, home wrecker siya. Kung ayaw sakin, hindi ko ipagpipilitan sarili ko. Hindi ko din ipagdadamot sa kanya si baby. Kung ayaw niya magpakaasawa sakin, magpakatatay siya sa anak niya. Wala kaming magiging isyu. I can manage myself. Basta yung obligasyon niya sa bata wag niya pabayaan. I'm strong and he knows me better. Kung kaya niya ko ipagpalit, kaya ko magpanggap na hindi ko siya minahal at all kahit masakit at di niya malalaman yun ever. Though behave ang hubby ko. Naisip ko lang naman sumagot haha.

Magbasa pa

Prior to THIS EVENT, ok ba naman ang trato ni hubby sa inyo ng anak mo? Responsableng ama at asawa ba sya? No verbal or physical abuse? Hindi nambabae in the past? If you answered yes to all these questions, I suggest ipaglaban mo pa rin ang marriage nyo. We don't know you both asnd we're just "hearing" just one side of the story. There must be something that made him look for another girl. Minsan hindi rin natin alam na may pagkukulang tayo eh. Basta ang nakikita lang natin ay yung pagloloko nya. Kausapin mo syq ng masinsinan at deretsahan. Ask him what went wrong, but be ready sa kung ano man ang isasagot nya sa iyo. If the marriage is worthy enough to be saved, then save it. Pero kung maulit na naman ang ganito, that's the right time to part ways with him.

Magbasa pa
4y ago

Parang walang magiging valid reason ang pagloloko ng isang lalaki, kahit pa di sila magkasundo ng asawa nya, di un excuse para magloko sila. Ang mga babae, nagtitiis sa ugali ng mga lalaki pero di nila magawang maghanap ng iba. Talagang makati lang ang mga lalaking ganyan. Di makuntento sa asawa nila. Marurupok. Landiin lang sila ng babae. Bumibigay agad

Sakin malala pa magjowa palamg kami pero may baby na kami buntis ako right now. Tas yung ex niya nagchat sakin nakikipagbalikan bk ko sa kaniya at may nangyari daw sakanila. That time, sobrang nanghina ako di ko alam gagawin ko lalo na buntis masyadong emotionally. Iniyak ko nalang ng iniyak pero sabi ng bf ko di daw totoo di ko alam sino papaniwalaan ko kasi oo dating babaero bf ko ewan ko kung talagang nagbago na sya. Ang ginawa ko nalang nilakasan ko loob ko nagpakamartir ako sabi ko kung mangbababae sya gawin niya basta tandaan niya wala na syang babalikan at kalimutan niyang may anak sya sakin kaya ko buhayin mag isa ang anak ko. Pinanindigan ko talaga ung salita koπŸ˜‡πŸ˜‡

Magbasa pa

if nalaman kong may iba ang asawa ko, ill give his freedom, ill set him free. even though may baby kami. basta wag nyang kakalimutan suportahan ung anak ko, di ako mang gugulo. why di ako binuhay ng magulang ko para mag paka tanga. I'll give my whole time sa ank ko. I'll give my whole love sa anak ko. if hindi nag work out ung time and effort mo para sa pamilya nyo, and alam mong iiwan ka din nya bakit ka mag waste ng energy. kung wala kang ginawang masama nung kayo pa remember this karma is a bitch, sit and relax don't forget ur popcorn.

Magbasa pa
Post reply image

Chinachat ko ung girl...kasi kawawa din sya....para malaman din nyang nageexist ka talaga... Kasi baka sinasabi ng asawa mo, hiwalay na kau at di okay e.. Inform mo si ate girl..choice na lang ni ate girl kung ituloy pa nya... Sa asawa mo naman... Kausapin mo! Make him decide kung anu ka ba sa kaniya... .mahirap kc kapag may anak na kau e... Magtatalo pa isip mo... Kaya kung ayaw n nya..let him go... For self respect na din... Pero kung nangako sya na aayos na sya, give him a chance... Para sa family nyo din... Pinaka thr best pag pray mo asawa mo...

Magbasa pa

Iwanan. Yun lang naman. Pramdam mo na hndi ka second choice at yung responsibilidad nya bilang tatay ng baby nyo. I think in the long run makakayanan nyo rin wla si Husband mo. You can seek help financially or support sa parents mo. You dont need your husband. Unless prove nya na magbabago sya and prove nya sa actions nya. Unahin nya anak nyo. There's no point on stayin with unfaithful husband. Dagdag sa isipin at nakaksira ng relasyon ginagawa nya. Prove mo nalang na kaya mo at you can be happy without him. We are the strongest. Mommies ☺

Magbasa pa

Did you confront him? If not, talk about that issue. Pag-usapan nyo pa, gawin mo lahat ng makakaya mo to save your relationship para sa anak mo. If hndi nag work, then it's your time to let go. Atleast wla kang pagsisisihan sa huli at ginawa mo ang lahatpara sa pamilya mo. I know sobrang hirap tlga nyan at naniniwala ako na "once a cheater, always a cheater", pero para sa anak mo, gawin mo ang lahat pag usapan nyo muna kung mapag uusapan pa. But if not, girl choice mo na yan. Self love too. Know your worth.

Magbasa pa
VIP Member

Matapang akong tao.. πŸ‘Š Siguro sasapukin ko asawa ko at papalayasin sa bahay. But before doing that kukunin ko muna mga evidences na yun. Para pag nag file ako sa court pwede siyang makulong at wala siya kiber sa anak ko. Lahat ng naipundar ko ipapangalan ko sa anak ko para walang mapunta sakaniya pag na pa walang bisa na kasal namin. Stay strong momsh. πŸ’ͺ😘 Sana sa mga nagsagot makapagisip-isip ka sa ikabubuti mo at ng anak mo. God bless u. Include kita sa prayers ko. πŸ™

Magbasa pa

Iwan mo na lang momshie! The fact na nagsinungaling sya msy anak sya meaning tlgng gusto nya kumbinsihin si girl ns binata sya at ibigsabihin non gusto nya din tlga c girl at napaka immature ng asawa mo sis! If i were u magpapaganda muna aq bago ko sya hiwalayan. Para kahit pano manghinayang sya na isa syang napaka laking tanga na nagawa nya pang maghanap ng iba samatalang andyan ka naman na.

Magbasa pa