Stress na stress na ko
Gusto ko maglabas ng sama ng loob since di ko ito malabas sa pamilya ko pati mga kaibigan ko. Ayokong ma misinterpret nila mister ko. Pero napapagod na ko makasama sya. Dec ang due date ko pero gang ngayon wala pa rin kaming naiipon ako lang ang nagttrabaho samin dahil sabe ko pagkapanganak ko na lang sya mag work at alagaan nya panganay namin. Nakabukod na kami at walang ibang kasama nasa side nila kami. Nahihirapan ako kasi parang pakiramdam ko ako lang magisa. Parang kahit andto sya kasama ko pakiramdam ko ako lang magisa. May problema kami pero sa parents nya sya naglalabas ng sama ng loob. Short na short kami sa pera may mga pautang sya at sideline pero kanya lang pag nakasingil sya. Pagka may ginastos sya sa bahay naniningil pa. Nahihirapan na ko makisama sakanya. At the same time natatakot ako para sa anak ko kasi baka mamaya sya na pala ung naaapektuhan sa stress ko sa ama nya. Gabi gabi ako umiiyak anong gagawin ko sknya ayaw nya pa kaming bumalik sa puder ng mga magulang ko pagka nag work na sya. Di nya ko maintindihan na nahihirapan ako dito saknila dahil wala pamilya ko dito. Di nya un maintindihan. Minsan naiisip ko makipaghiwalay na lang kaya ko namang buhayin mga anak ko kahit walang tulong nya. Ayoko na hirap na hirap na ko.
I'm sorry to hear that mi. Hugs to you. Tama mi, magusap muna kayo ni mister mo. Try to ask him ano mga birth plans nya since malapit kana manganak. Involve mo sya sa mga kakailanganin nyo ni baby especially support. Sana kaya nya rin financially kahit sideline sya sa inyo kung sya nagaalaga sa panganay. Second, now na alam mo na ang nagcocause ng stress mo baka kaya mong lumayo muna. Kung makakabuti sa inyo na baby mo na dun ka muna sa side mo tell him kung mas maalagaan ka nila dun. Pagusapan nyong mabuti ang set up. π Share ko lang mi. Lately rin natrigger ang stress ko kaya nagbreakdown ako. andito ako sa family ko mismo but I feel unwanted and unloved by my siblings. considering na ako ang panganay pero ako pa yung pinapaalis nila always telling na magbukod not knowing my plans na bago ko mafind out na pregnant ako balak na namin magpagawa ng bahay. syempre dahil andyan na si baby, sya ang priority hindi ba. Parents ko hnd maunawaan ang sakit sakin ng gnagawa nila(pangalawa at bunso) ako pa yung papaliwanagan. Btw, may house available kina hubby kaya lang in need yung kapatid nya na may dalawang anak na rin, kaya sila muna doon. I just need time to put out my own na hindi naman ito forever. pero dahil sakanila gusto k nalang rin magrenta. gusto mo lumayo para di ka mstress pero di mo magawa. big step dahil nsa province kami kung saan maliit ang sahod pero ang rent halos same sa manila. Hubby and I will still figure it out para kay baby. kaya hugs sayo mi! Wag na tayo mastress after natin umiyak. laban na ulit tayo. Kaya mo yan! ππ
Magbasa patalk to him nang masinsinan mii, about what u feel.. para mag ka intindihan kau both side, why u act that way & why he responded that way too... Kung d parin nya makita at maintindihan yung side mo, & of course narinig mo na rin yung side nya, but still no changes, wag na po kayo amg tiis... habang buhay na tiisan na yan kung babaliwalain mo... As what u have said, kaya mo buhayin ang mga anak mo, so kaya mo kung iiwan mo na sha... na kaya mo nga na ikaw yung nag proprovide now, kasama pa sha sa binubuhay mo... Aanhin mo ang kompletong pamilya, if u don't have a peaceful living... Mas prefer ko png lumaking wlang ama mga anak ko kesa mag dusa sa ganyang klaseng lalaki... Base na rin yan sa experience ko sa father ko, mas prefer ko pang wlang ama, nakikita ko yung pag hihirap nang mama ko, 4 kami mag kkapatid, pero mama ko lang nag ttrabaho, pati papa ko pasanin nya, malahari pa kung umasta π Kaya kahit my sarili na akong pamilya, nag bibigay parin ako sa mama ko, kc nag aaral pa lahat nang kapatid ko.. so please mi, decide now, hanggang maaga pa, kesa kayo nang anak mo mag susuffer soon
Magbasa paSorry to hear this π if para sa ikapapanatag ng mental at emotional mo sis, follow you heart and mind kasi kung tlagang mahal ka ng lalaki gagawin niya lahat para sayo at hindi mo na kelangan sabihin sa kanya ang need at wants mo.. saka kung ikaw o kayo tlaga ang priority ng asawa mo ikaw dapat at kayo dapat dalawa ang susulusyon sa problema nio. Hindi kasi maganda na nag vevent out siya sa nanay niya (parang ang mama's boy tingnan) at panget din un kc pag may inadvice sa kanya nanay niya un din ang susundin niya.. get a man sis not a boy kung pede kang umalis na jan at pumunta sa parents mo GO!!! Para sa ikapapanatag niyo ng baby mo.. kaya mo naman buhayin si baby.. yun lang Godbless
Magbasa pai think mii una mo gawin is kausapin sya since lahat ng stress at problema mo dahil sa kanya. lahat ng hirap at sama ng loob mo sabihin mo sa kanya.. minsan talaga di makikinig yan lalo na lalaki kasi pride nila yan pero atleast nasabi mo sama ng loob mo at aware siya. wag mo din isipin na baka ma.misinterpret sya ng ibang tao kasi kagaya ngayon ikaw nagsa.suffer.. mahirap minsan magdesisyon lalo na ngayon na may baby involve pero kung yan naman magiging dahilan na stress ka, i think kelangan mo magdecide at makipag usap.. mahirap na mii at buntis kapa. yung panganganak saglit na gastusan lang yan pero paglabas ni baby hanggang lumaki yung isipin mo.
Magbasa pahayaan nyo po kasi sya mag trabaho momsh, mas maganda kung dalawa kayong nag wowork saka lalake po sya sya dapat talaga ung nag wowork, lalo na buntis ka papo.. dapat tulungan po kayong mag partner,. saka kung naka bukod naman po pala kayo wag kana ma stress maxado sa familya nya, isipin mo kayo lang,. kung wala naman po mag aalaga sa panangay nyo kaya di maka pag work si hubby mo pwede naman kumuha kasama sa bahay para me nag aasikaso na din ng foods nya pag uwi nyo pareho galing work, di po ba? mag kano lang naman kasambahay eh, me nag aalaga na sa anak nyo na less pa ung gawing bahay nyo. π€ tingin ko lang po,.
Magbasa paSalamat mga mi. May work sya dati kaya lang umaalis alis kasi ng bansa kaya need ko talaga makauwi samin since nakakahiya naman sa parents nya kung dalawa na anak namin mama nya pa rin mag aalaga. di kasi ako pwede tumigil sa work at nagbbgay din ako sa mama ko. iniiwasan ko may masabi. Kinakausap ko naman sya ang problema hindi sya nagsasabi sakin. sa parents nya lang. pag tinatanong ko sya puro ewan ko lang sagot nya π haaays. pero buo na desisyon ko hehe uuwi na ko samin kahit ano pa sabihin nya. di ko na kasi talaga kaya wala akong peace of mind dto andto man sya o wala sa tabi namin. salamat mga mi! π₯°
Magbasa paor mi why not c mama mo nalang ang kunin mo na magaalaga sa panganay. then makakapagwork kayo pareho ni hubby and andyan mama mo as your support. βΊοΈano man desisyon mo we pray maging maayos ang lahat. πβοΈ
pag buntis po tlga masyado tayong emotional,mabilis ma stress at overthinking..need nyo po mag usap mag asawa ..kawawa c baby kung bigla nlng kyu mag hihiwalay..mag babago prin po yan pag lumabas na c baby .kami nga buntis ako parehas kmi walang work..tiyaga ako pupunta center para makalibre check up at khit laspiΓ±as pa ko sa pgh ako nanganak para walang gastos ksi wala dn kaming ipon ..pero pag labas nmn ni baby nag bago lhat nagkawork sya..kaya mo yan momshi isipin mo c baby at alam ko mahal mo prin nmn ang asawa mo need nyo lng mag open ng mga sama ng loob s isat isa
Magbasa paneed mo ng peace of mind mii, para maging maayos pagsasama nyo ng mister mo, kahit ako hirap na rin dahil nakikisama ako dito sa pamilya ng asawa ko, pero tinitiis ko dahil marami pa gastusin ngayon pero pagkatapos ko manganak mas gugustuhin ko talaga mangupahan, para may privacy rin kame at natuto kame sa lahat ng bagay, okay naman kame dito pero mas gusto ko parin na bumukod para may peace of mind din akoπ
Magbasa pabigyan mo sya last chance pra maayos yan if hnd then iwan mo na. Bakit ka naman magtitiis sa lalaking wlaang pakinabang sayo? sorry ah hindi kasi bilib sa mga ganyan lalaki eh. Hindi na nga sya good provider, pati ba naman sa ibang bagay wala din sya mapakinabang. For me, Iiwan ko na yan hindi na ako magtitiis pa.
Magbasa paKung saan ka mapapanatag ang sarili doon ka muna mag stay. Kung alam mo na stress free ka sa pamilya mo magsabi ka sa hubby mo. Tutal ganyan lang din naman ang attitude nya. Wag ka magtiis kung alam mo naman sa sarili mo na kakayanin mo ang sitwasyon.
First Time Mom | Waiting for #BabyLove