Stress na stress na ko

Gusto ko maglabas ng sama ng loob since di ko ito malabas sa pamilya ko pati mga kaibigan ko. Ayokong ma misinterpret nila mister ko. Pero napapagod na ko makasama sya. Dec ang due date ko pero gang ngayon wala pa rin kaming naiipon ako lang ang nagttrabaho samin dahil sabe ko pagkapanganak ko na lang sya mag work at alagaan nya panganay namin. Nakabukod na kami at walang ibang kasama nasa side nila kami. Nahihirapan ako kasi parang pakiramdam ko ako lang magisa. Parang kahit andto sya kasama ko pakiramdam ko ako lang magisa. May problema kami pero sa parents nya sya naglalabas ng sama ng loob. Short na short kami sa pera may mga pautang sya at sideline pero kanya lang pag nakasingil sya. Pagka may ginastos sya sa bahay naniningil pa. Nahihirapan na ko makisama sakanya. At the same time natatakot ako para sa anak ko kasi baka mamaya sya na pala ung naaapektuhan sa stress ko sa ama nya. Gabi gabi ako umiiyak anong gagawin ko sknya ayaw nya pa kaming bumalik sa puder ng mga magulang ko pagka nag work na sya. Di nya ko maintindihan na nahihirapan ako dito saknila dahil wala pamilya ko dito. Di nya un maintindihan. Minsan naiisip ko makipaghiwalay na lang kaya ko namang buhayin mga anak ko kahit walang tulong nya. Ayoko na hirap na hirap na ko.

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

I'm sorry to hear that mi. Hugs to you. Tama mi, magusap muna kayo ni mister mo. Try to ask him ano mga birth plans nya since malapit kana manganak. Involve mo sya sa mga kakailanganin nyo ni baby especially support. Sana kaya nya rin financially kahit sideline sya sa inyo kung sya nagaalaga sa panganay. Second, now na alam mo na ang nagcocause ng stress mo baka kaya mong lumayo muna. Kung makakabuti sa inyo na baby mo na dun ka muna sa side mo tell him kung mas maalagaan ka nila dun. Pagusapan nyong mabuti ang set up. πŸ’— Share ko lang mi. Lately rin natrigger ang stress ko kaya nagbreakdown ako. andito ako sa family ko mismo but I feel unwanted and unloved by my siblings. considering na ako ang panganay pero ako pa yung pinapaalis nila always telling na magbukod not knowing my plans na bago ko mafind out na pregnant ako balak na namin magpagawa ng bahay. syempre dahil andyan na si baby, sya ang priority hindi ba. Parents ko hnd maunawaan ang sakit sakin ng gnagawa nila(pangalawa at bunso) ako pa yung papaliwanagan. Btw, may house available kina hubby kaya lang in need yung kapatid nya na may dalawang anak na rin, kaya sila muna doon. I just need time to put out my own na hindi naman ito forever. pero dahil sakanila gusto k nalang rin magrenta. gusto mo lumayo para di ka mstress pero di mo magawa. big step dahil nsa province kami kung saan maliit ang sahod pero ang rent halos same sa manila. Hubby and I will still figure it out para kay baby. kaya hugs sayo mi! Wag na tayo mastress after natin umiyak. laban na ulit tayo. Kaya mo yan! πŸ’—πŸ’—

Magbasa pa
3y ago

Dito kami sa Pangasinan. ☺️ depende mi sa pang unawa ng mga kapatid mo. baka immature lang ang mga kapatid ko dahil hindi pa nila nararanas. but if you're in good terms I think they will support you. :)