Stress na stress na ko

Gusto ko maglabas ng sama ng loob since di ko ito malabas sa pamilya ko pati mga kaibigan ko. Ayokong ma misinterpret nila mister ko. Pero napapagod na ko makasama sya. Dec ang due date ko pero gang ngayon wala pa rin kaming naiipon ako lang ang nagttrabaho samin dahil sabe ko pagkapanganak ko na lang sya mag work at alagaan nya panganay namin. Nakabukod na kami at walang ibang kasama nasa side nila kami. Nahihirapan ako kasi parang pakiramdam ko ako lang magisa. Parang kahit andto sya kasama ko pakiramdam ko ako lang magisa. May problema kami pero sa parents nya sya naglalabas ng sama ng loob. Short na short kami sa pera may mga pautang sya at sideline pero kanya lang pag nakasingil sya. Pagka may ginastos sya sa bahay naniningil pa. Nahihirapan na ko makisama sakanya. At the same time natatakot ako para sa anak ko kasi baka mamaya sya na pala ung naaapektuhan sa stress ko sa ama nya. Gabi gabi ako umiiyak anong gagawin ko sknya ayaw nya pa kaming bumalik sa puder ng mga magulang ko pagka nag work na sya. Di nya ko maintindihan na nahihirapan ako dito saknila dahil wala pamilya ko dito. Di nya un maintindihan. Minsan naiisip ko makipaghiwalay na lang kaya ko namang buhayin mga anak ko kahit walang tulong nya. Ayoko na hirap na hirap na ko.

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Salamat mga mi. May work sya dati kaya lang umaalis alis kasi ng bansa kaya need ko talaga makauwi samin since nakakahiya naman sa parents nya kung dalawa na anak namin mama nya pa rin mag aalaga. di kasi ako pwede tumigil sa work at nagbbgay din ako sa mama ko. iniiwasan ko may masabi. Kinakausap ko naman sya ang problema hindi sya nagsasabi sakin. sa parents nya lang. pag tinatanong ko sya puro ewan ko lang sagot nya 😆 haaays. pero buo na desisyon ko hehe uuwi na ko samin kahit ano pa sabihin nya. di ko na kasi talaga kaya wala akong peace of mind dto andto man sya o wala sa tabi namin. salamat mga mi! 🥰

Magbasa pa
3y ago

or mi why not c mama mo nalang ang kunin mo na magaalaga sa panganay. then makakapagwork kayo pareho ni hubby and andyan mama mo as your support. ☺️ano man desisyon mo we pray maging maayos ang lahat. 🙏☀️