Stressful day

Kagabi sobra akong nastress sa partner ko. Napuyat, nalipasan ng gutom at umiyak magdamag. Parehas kaming stress kasi malapit nako manganak but still wala pa kaming ipon. Pero sya pinipili nya pading sumama sa barkada nya at uminom. Uuwi ng madaling araw na wala akong idea kung nasan sya. Wala man lang text or chat. Laging ganon di naman sya nambababae 'sabi nya'. Gusto ko lang naman na unahin nya muna ko ☹️ kahit ngayong buntis lang ako ayoko mastress pero ganun lagi nyang ginagawa ☹️☹️ ano ba dapat kong gawin? Pag sinabihan ko naman sya sasabihin nya nilalayo ko sya sa mga kaibigan nya which is not true kasi pinapayagan ko sya ang sakin lang limitation lang gusto ko kasi magkakaanak na kami pero lagi nyang pinaparamdam na mas mahalaga kaibigan nya kaysa samin ng anak nya ☹️😥 pero di nya ko naiintindihan sobrang baluktot ng katwiran nya ☹️sasabihin nya kaya sya umiinom kasi nanghihingi sya ng payo pero diko makita saknya na nagsisikap sya na makaipon man lang. Or sumadline imbis na uminom sya. Same kaming may work pero di kami makaipon ipon kasi nasa pudar kami ng magulang nya halos buong sahod namin sa bahay nila napupunta. Nakakastress. Naaawa ako para sa sarili ko at sa anak ko ☹️ Sorry for sharing this masama lang talaga loob ko mga mommies.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Momsh, hug for you. Ilang taon na si partner mo? I think hindi pa siya matured enough and wala sa isip niya ang responsibilidad niya bilang ama ng anak niyo. Feeling binata pa din siya momsh. Hays. Bakit may ganyang mga lalaki. Kung nastress ka momsh, mas mabuti pang sa puder ka muna ng pamilya mo para maiwasan mo ang stress dahil bawal na bawal ang stress sa buntis. Be strong mommy.

Magbasa pa

Malas natin sa mga partner😭

2y ago

Walang malas hindi lang talaga kayo meant to be nung maging partner niyo. Lesson learned po yan satin sis. Magiging malakas tayo jan 🙂