Stress na stress na ko

Gusto ko maglabas ng sama ng loob since di ko ito malabas sa pamilya ko pati mga kaibigan ko. Ayokong ma misinterpret nila mister ko. Pero napapagod na ko makasama sya. Dec ang due date ko pero gang ngayon wala pa rin kaming naiipon ako lang ang nagttrabaho samin dahil sabe ko pagkapanganak ko na lang sya mag work at alagaan nya panganay namin. Nakabukod na kami at walang ibang kasama nasa side nila kami. Nahihirapan ako kasi parang pakiramdam ko ako lang magisa. Parang kahit andto sya kasama ko pakiramdam ko ako lang magisa. May problema kami pero sa parents nya sya naglalabas ng sama ng loob. Short na short kami sa pera may mga pautang sya at sideline pero kanya lang pag nakasingil sya. Pagka may ginastos sya sa bahay naniningil pa. Nahihirapan na ko makisama sakanya. At the same time natatakot ako para sa anak ko kasi baka mamaya sya na pala ung naaapektuhan sa stress ko sa ama nya. Gabi gabi ako umiiyak anong gagawin ko sknya ayaw nya pa kaming bumalik sa puder ng mga magulang ko pagka nag work na sya. Di nya ko maintindihan na nahihirapan ako dito saknila dahil wala pamilya ko dito. Di nya un maintindihan. Minsan naiisip ko makipaghiwalay na lang kaya ko namang buhayin mga anak ko kahit walang tulong nya. Ayoko na hirap na hirap na ko.

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pag buntis po tlga masyado tayong emotional,mabilis ma stress at overthinking..need nyo po mag usap mag asawa ..kawawa c baby kung bigla nlng kyu mag hihiwalay..mag babago prin po yan pag lumabas na c baby .kami nga buntis ako parehas kmi walang work..tiyaga ako pupunta center para makalibre check up at khit laspiñas pa ko sa pgh ako nanganak para walang gastos ksi wala dn kaming ipon ..pero pag labas nmn ni baby nag bago lhat nagkawork sya..kaya mo yan momshi isipin mo c baby at alam ko mahal mo prin nmn ang asawa mo need nyo lng mag open ng mga sama ng loob s isat isa

Magbasa pa