Stress na stress na ko

Gusto ko maglabas ng sama ng loob since di ko ito malabas sa pamilya ko pati mga kaibigan ko. Ayokong ma misinterpret nila mister ko. Pero napapagod na ko makasama sya. Dec ang due date ko pero gang ngayon wala pa rin kaming naiipon ako lang ang nagttrabaho samin dahil sabe ko pagkapanganak ko na lang sya mag work at alagaan nya panganay namin. Nakabukod na kami at walang ibang kasama nasa side nila kami. Nahihirapan ako kasi parang pakiramdam ko ako lang magisa. Parang kahit andto sya kasama ko pakiramdam ko ako lang magisa. May problema kami pero sa parents nya sya naglalabas ng sama ng loob. Short na short kami sa pera may mga pautang sya at sideline pero kanya lang pag nakasingil sya. Pagka may ginastos sya sa bahay naniningil pa. Nahihirapan na ko makisama sakanya. At the same time natatakot ako para sa anak ko kasi baka mamaya sya na pala ung naaapektuhan sa stress ko sa ama nya. Gabi gabi ako umiiyak anong gagawin ko sknya ayaw nya pa kaming bumalik sa puder ng mga magulang ko pagka nag work na sya. Di nya ko maintindihan na nahihirapan ako dito saknila dahil wala pamilya ko dito. Di nya un maintindihan. Minsan naiisip ko makipaghiwalay na lang kaya ko namang buhayin mga anak ko kahit walang tulong nya. Ayoko na hirap na hirap na ko.

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

i think mii una mo gawin is kausapin sya since lahat ng stress at problema mo dahil sa kanya. lahat ng hirap at sama ng loob mo sabihin mo sa kanya.. minsan talaga di makikinig yan lalo na lalaki kasi pride nila yan pero atleast nasabi mo sama ng loob mo at aware siya. wag mo din isipin na baka ma.misinterpret sya ng ibang tao kasi kagaya ngayon ikaw nagsa.suffer.. mahirap minsan magdesisyon lalo na ngayon na may baby involve pero kung yan naman magiging dahilan na stress ka, i think kelangan mo magdecide at makipag usap.. mahirap na mii at buntis kapa. yung panganganak saglit na gastusan lang yan pero paglabas ni baby hanggang lumaki yung isipin mo.

Magbasa pa