Stress na stress na ko

Gusto ko maglabas ng sama ng loob since di ko ito malabas sa pamilya ko pati mga kaibigan ko. Ayokong ma misinterpret nila mister ko. Pero napapagod na ko makasama sya. Dec ang due date ko pero gang ngayon wala pa rin kaming naiipon ako lang ang nagttrabaho samin dahil sabe ko pagkapanganak ko na lang sya mag work at alagaan nya panganay namin. Nakabukod na kami at walang ibang kasama nasa side nila kami. Nahihirapan ako kasi parang pakiramdam ko ako lang magisa. Parang kahit andto sya kasama ko pakiramdam ko ako lang magisa. May problema kami pero sa parents nya sya naglalabas ng sama ng loob. Short na short kami sa pera may mga pautang sya at sideline pero kanya lang pag nakasingil sya. Pagka may ginastos sya sa bahay naniningil pa. Nahihirapan na ko makisama sakanya. At the same time natatakot ako para sa anak ko kasi baka mamaya sya na pala ung naaapektuhan sa stress ko sa ama nya. Gabi gabi ako umiiyak anong gagawin ko sknya ayaw nya pa kaming bumalik sa puder ng mga magulang ko pagka nag work na sya. Di nya ko maintindihan na nahihirapan ako dito saknila dahil wala pamilya ko dito. Di nya un maintindihan. Minsan naiisip ko makipaghiwalay na lang kaya ko namang buhayin mga anak ko kahit walang tulong nya. Ayoko na hirap na hirap na ko.

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sorry to hear this 😔 if para sa ikapapanatag ng mental at emotional mo sis, follow you heart and mind kasi kung tlagang mahal ka ng lalaki gagawin niya lahat para sayo at hindi mo na kelangan sabihin sa kanya ang need at wants mo.. saka kung ikaw o kayo tlaga ang priority ng asawa mo ikaw dapat at kayo dapat dalawa ang susulusyon sa problema nio. Hindi kasi maganda na nag vevent out siya sa nanay niya (parang ang mama's boy tingnan) at panget din un kc pag may inadvice sa kanya nanay niya un din ang susundin niya.. get a man sis not a boy kung pede kang umalis na jan at pumunta sa parents mo GO!!! Para sa ikapapanatag niyo ng baby mo.. kaya mo naman buhayin si baby.. yun lang Godbless

Magbasa pa