gusto ko lang maglabas ng sama ng loob

Hi, gusto ko lang maglabas ng sama ng loob wala kasi ako makausap, 26 weeks ako ngayon stress nako sa asawa ko at sa in laws ko yung asawa ko kasi lagi nakadepende sa gusto ng magulang nya wala pakong gusto ko na sinunod kahit sa pagkain lalo na nung naglilihi ako lagi sya sa magulang nya nakasunod, pati pera pang gastos sa panganganak balak nya sa magulang nya ipahawak o sa kapatid nya halos ayaw din nya ako bigyan ng pambili ng gamit ni baby umaasa sya sa mga bigay na pinagliitan ng mga pamangkin na sobrang mga luma na. mababait naman sila kaso lahat ng kilos ko sinisita parang wala akong karapatan sa lahat pati pangalan ng baby ayaw sundin gusto ko.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mommy, umalis ka jan. Sila ang main source of stress and problem mo. Have courage to leave. Mahirap sa umpisa pero kayahon mo. Halatang hindi ka priority ng father ng baby mo. He's imature pa. Huwag ka manatili sa ganyang situation. Ask a help from your family, magpakumbaba ka kung kelangan.

gusto ko na nga po umalis eh, kaso malayo byahe pauwi samin baka diko kayanin lagi pako nahihilo gusto din sana ng parents ko don ako samin manganak sigurado kasi ako lang din mag aalaga sa sarili ko dito pag nanganak ako. btw thanks po mi.