Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Cs momsh...
Tanong ko lang po,. Pag CS po ba, need talaga ng adult diaper? Malakas din puba duguin o pang mga normal delivery lang un?? Or pwede na night pad lang?
Babyyyyyyyy
Pag nasaktan ba si baby sa loob ng womb. Mararamdaman natin or ano ma fefeel natin? Duduguin batayo agad o sasakit ang tyan balakang etc,. As long as wala ba tayong na raramdaman okey si baby sa tyan natin?. Di ko kasi alam kung nasaktan ba si baby kanina nung na talisod/dulas/out balance ako, pero di naman ako na tumba, di ko din ma imagine kung ano nang yare kanina 😟 Malikot pa din naman si baby, ngayun tuloy parang ayaw ko na gumalaw, gusto ko lang mahiga at ma relax si baby. 35weeks palang bawal pa lumabas baby ah.
Cs momsh..
Mga momsh tanong ko lang po if, Pag na CS ba kasabay nyo pa rin umuwi si baby nyo pag labas ng ospital, ? At ilang days tinatagal sa ospital,?.
Mga mii, na suhi before
Mga mi, anong weeks usually na umiikot si baby pag suhi para mag cepalic?,. 31weeks 3days na ko, ramdam ko suhi pa din si baby
iE........
Masakit po ba talaga ang ie?? Kasi dami nag sasabi masakit daw, pero nung ni ie nmn aq ng ob ko last yr, d nmn aq nasaktan..
Flex ko lang asawa ko😊😊
Thanks god, binigyan nya ko ng asawa na hindi stressful, mapag mahal,maalaga at responsable, bahay trabaho lang sya, at computer lang ka agaw ko sa kanya,. Pero kahit gano sya ka addict sa computer, isang utos ko lang or tawag sakanya, nasunod na agad sya 😊, pero syempre pag me inuutos ako sakanya, sasabihin ko na tapusin nya muna ingame nya,. Gamer sya eh, naiintindihan ko naman kasi mahilig din ako mag laro, lalo na di naman asap pinapagawa ko sakanya ,. Lagi nya rin ako sinasamahan sa check up nmin sa ob.♥️ Wala syang bisyo, di umiinom ng alak at di na ninigarilyo,hindi rin babaero. computer lang talaga😂 una palang mag gf/bf kami sinabihan ko na sya kung mag che cheat sya, dun na sya sa babae nya,. Di ko sya hahabulin. Dahil ayoko sa lahat cheater. Ganun din naman sya ayaw nya rin ng cheater kaya, pak na pak talaga kame ahaha ang ayaw ko lang sa asawa ko di pala post sa social media,. Pero okey lang dahil sa personal at kahit public ramdam ko naman ung love. Mga epal lang kasi kapatid ko eh, kinakantyawan sya pag nag post or comment ng sweet saken 😂😂 di na tuloy ginagawa. 29yrs old nga pala ako at 33yrs old naman asawa ko,. Ang first baby namin ay palabas palang soon 😊 Sana maka tagpo din kayo ng mabuting asawa,. Ung mga 20's pumili maigi, wag kayo papa bulag sa mabulaklak na salita at sa panlabas na anyo,(pero mas okey kung grad na kayo bago mag jowa) nanliligaw palang obserbahan nyo na agad pag nakita nyong me mali, or me something, wag kayo mag dalawang isip, wag nyo sayangin ung time sa maling tao, 😊 .Piliin nyo ung may mabuting puso, kaya kayo panindigan, irespeto at buhayin,
Mga momsh me tanong lang po
Normal lang po ba na parang sumasakit/namamanhid/ n parang nag eexpand ung sa sikmura natin?,lower ng boobs 😅 cause ba tlga na lumalaki na si baby, 6months n ko ngayun, this past few days ko lang naramdaaman to eh,. Nalimutan ko ask si dr. Kahapon rh 😅
Merry christmas mga ka mommy
Merry christmas mga ka mommy 😇😇😇
Sss mat1 pa help mga sis
Pano po kaya yon, 5months na tyan ko ngayun, pero nung 3months nag notify nako ng mat1 kay sss, pero di ko na check kung na approved ba, wala rin email si sss:3 chinecheck ko sa youtube kung pano i check kaso, iba na setting ng sss di ko makita sa inquiry ung sickness/maternity sa pinaka baba. . Sayang din kasi kung di ako makakakuha ng matben. Malaking bagay din un, di natin un mapupulot sa daan 😅😂
Damit ni baby
Mga momsh, tanong ko lang, ilang beses nag papalit ng damit si baby kada araw?,. Mga ilang set kaya ng damit ang need bilin ng damit,. Mabilis naman po lumaki ang infant diba, kaya ayaw ko bumili ng maxado madami baka maliitan lang 😅