hirap matulog

ako lang po ba ung nahihirapan matulog dahil may nabasa ako na sa left side daw mas advisable na position .. nakaka ngalay at hindi po ako makatulog ng maayos.. ?

hirap matulog
44 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mahirap tlga sa left side pero as per ob kung kaya mo left side then right naman..... sympre nakakangalay naman tlga lalo n pag nalaki ng tummy hirap.... pero tinitiis ko sa left side matulog kasi mas comfortable yong baby habang nalaki sya sa loob kasi yong malalaking ugat natin papuntang puso nasa right side.... for Safety din natin para mas maayos yong daloy ng oxygen sa katawan... nakakapagod nga lang pero pag nasanay ka na normal nalang pagtulog sa left side....

Magbasa pa

Ako din nahirapan ako matulog sa left side nung buntis pa ko. Di ako sanay, back kasi ako parati matulog nung di pa ko buntis, so hirap na hirap talaga ako kasi need talaga left side matulog pag preggy na. Konting tiis lang kasi para kay baby naman yan.. what helped me was putting a pillow sa back and legs para di mangalay. Try mo, it might help you. Pero tiis lang talaga.. isipin mo nalang parati na sleeping on your left side reduces the risk of stillbirth. Kaya mo yan.

Magbasa pa
5y ago

yes momsh.. gngawa ko nga po yan.. un na dn talaga iniisip ko para kay baby ..

Hindi ka nag iisa sis sa hirap mtulog dahil din jan sa nabasa kong article na ganyan...21 weeks preggy na ako, Pag sa left side ako matutulog mababaw lng tulog ko saka ihiin ako tapos bangungot pa tapos malikot si baby..pag sa right side nman dun ako mas ok ang tulog ko kaso nga ikaw mismo makakaalala na hindi sya advisable kaya no choice kundi left side ulit kaya puyat at masakit na tagiliran ko

Magbasa pa

Depende sa laki ng tyan mommy. Ako nahihirapan na din makahanap ng comfortable position kahit sa kaliwa pa ako nakaside. Pero the best is left side talaga for our baby, kaya kahit nakakangawit, isipin nalang natin ang best para kay baby. ☺. Ako minsan nagsasalit-salit ng sides. Pero more on left ako. Mas magaan sa pakiramdam ang left. ☺

Magbasa pa
VIP Member

As much as possible left side, pero you can change position naman.. ang importante kasi comfortable ka kasi ang dapat well rested tayong mga buntis kaya feel free matulog kung san ka comfortable.. pwede ka naman magchange ng position pero mas madalas sa left mas okay for the baby.. basta always make yourself comfortable para relax ka.. :)

Magbasa pa

opo left po talaga dapat. sa una ay di ako sanay, pero nung nabasa ko na mahihirapan kami both ni baby, sinanay ko lng sarili ko ayun, naging comfortable nmn n ako, naglalagay ng unan sa likod ko, may unan sa gilid ng tyan ko (maliit lng) support sa bigat ng Tummy. at unan pagitan ng legs ko para di mangalay. effective at maganda ang tulog ko

Magbasa pa
5y ago

kahit pag gising mo eh nakaibang posisyon ka, ok lng yun basta balik k kng ulit ss posisyon ng left side

Sabi nga ng mga kumadrona, noon wala daw posisyon sa kung paano matulog ang buntis now lang daw nagkaron ng arte dahil nga daw meron ng ob, noon daw kasi di dun uso na laging check up kaso kundi daw mid wife eh albularyo lang daw meron, pasalamat tayong mga mommy na may ob na, kasi mas may nalalaman tayo

Magbasa pa

Same here po 14 weeks pregnant pero super hirap po ako matulog sumasakit din tagiliran ko kapag lage ako left side natulog kaya now kung saan lang ako comfortable para makatulog kasi super babaw lang ng tulog ko kontig lagabog or may maglalakad palapit sakin nagigising agad ako...

ako pinasanay ako ng asawa ko s left simula d pa ko buntis nun pero ngayon buntis ako left side ako pero 34 weeks n ko paggising ko nangangalay ako s left side .. napapakanan ako at nakakatihaya ang hirap pag malaki n tyan mo

Ako kahit anong left side ko, pag GISing ko nakatihaya nako😭 Kaya worried din ako about dto, minsan Natatakot nalng ako matulog, baka pag GISing ko nakatihaya ako tapos may mangyare nalng Kay baby😭 nkakaparanoid

5y ago

Wala naman daw po kaso yun mommy, basta balik left side ka lang, meron daw ganun na magigising na nakatihaya pero di naman daw masama yun, ako nga nagpapalitan ako ng kanan saka kaliwa lalo na pag nangalay ka na,