Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Lower faint Upper 2 lines clear
Pareho po may guhit di ba?? Last men's ko Sept 30 pa until now wala PA ko men's.. Possible na po na preegy na yan di po ba, salamat po..
Positive po di ba??
Positive na ito di ba kahit PA may faint line kasi may nagsasabi na di daw at negative eh Ilan beses na ko nakakakita dito ng ganyan pt pero lahat ng comment eh positive, ayaw ko po mastress sa mga tanong wala naman ambag sa amin ng asawa ko pero makasalita akala eh Alam na Alam..
Buntis na ko ulit😊😊😊
Last men's ko Jan 10,nagtake ako nyan kagabi kasi ramdam ko iba na yung pakiramdam ko, di ba kahit faint line basta may guhit means positive, Kaya Pati isip ko positive din😊😊😊, salamat lord
Puro normal po ba??
Kung preggy ka at dinugo ka normal po ba?? Curious Lang daw?? May doktor po ba dito?? Di ba mga nanay Lang nag nandito.. Norma ng Norma malamang hindi, may time na itanong dito yan pero wala time pumunta sa ob or hospital, kaya nahaharsh sagot kasi Yung tanong nakakaobob,. Sorry pero totoong nakakaobob, may Pic pa ng dugo sa napkin, sa inidoro saka Itatanong Kung normal ba, mga abnormal na to..
Wishing for another blessing from God
Dear God Wala po ako ibang hiling kundi mawala na ang pandemic sa Mundo, mapuksa na po ang covid.. Pero pinaka hiling ko bumalik ang Baby TOBI ko, na magkababy kami ulit, maraming salamat po.. Amen #theasianparentph
Second baby If ever buntis nga ako
All symptoms nung buntis ako sa una now nararamdaman ko na naman, mag 7months mula ng ilabas ko panganay ko at mag 7 months na din mula ng kunin sya sa amin ni God,. TOBI anak mahal kita,mahal ka namin ng Papa mo, alagaan mo si mama at Sana manatili naman akong walang sakit kasi kawawa naman si Papa laging nag aalala,.
Just saying, ingat ingat po sa mga buntis out there..
Di ko po gets Yung may bleeding na then tatanong if OK ba or so on, pwede po unahin nyo muna kapakanan ng baby at sa ob magtanong or sa hospital kasi Mas sila ang may alam sa ganyan, wag nyo ng patagalin pa kasi si baby at mommy ang manganganib buhay.. Just saying kasi everyday ako nakakabasa nun.. Haist.. Stress ka na stress pa baby nyo🙄😒
Sad, hurting and still missing My Boy🧒
May 2020 NG isilang ko ang Baby Tobi ko until now na wala na sya di PA din nawawala sakit at lungkot sa akin, Lalo na ang pagkamiss at pagnanais na madalaw man Lang nya ako maski sa panaginip,mahal na mahal ka ni mama at papa, di ko Alam hanggang kailan to, di ko din Alam kailan matatanggap NG puso ko ang pagkawala mo, sa araw araw na ginawa ng Diyos di nawala sa akin ang pakiramdam ng lungkot, pagkamiss at pangungulila ko sayo.. Bantayan mo kami anak, anghel ka namin ni Papa, kung papalarin ulit na bigyan ng anak gusto ko kamukha mo, ganyan na ganyan kilay ni mama eh😘,. Iloveyou so much😍😘❤️
Asking Mom
Hi, meron po ba dito same case ko na delay ang regla dahil sa pagtetake NG pills? Last men's ko kasi July 24 PA hanggang ngayon wala PA din eh, sumasakit puson ko ganun Lang, eh nung di ko Alam na buntis ako ganito din nararamdaman ko, impossible naman po may mabuo kasi nagpipills ako, Sana po may makasagot, salamat po..
Yung excitement na makita sya napalitan ng habang buhay na lungkot
Now lang nagkwento kasi hanggang ngayon di ko pa din tanggap nangyari.. May 22 nagleak water ko akala ko manganganak na ko that time kaya nagpunta kami sa clinic around rizal kasi dito kami nakatira ng asawa ko, nung nandun na kami ng biyenan ko ang sabi ng midwife di pa daw lalabas si baby kasi wala pa daw sa mukha ko na manganganak na ko at 1cm lang dawnpero kung 3 to 4cm kaya daw, nirecommend nya kami sa ospital sa angono kaso di kami tinanggap at wala daw sila incubator for baby kasi 36w6d sya sabi kulang pa daw sa araw and wala kami latest ultrasound, ngayon sinabi sa amin ng angono sa may rmc daw punta di din kami tinanggap gawa ng kaso ng covid, pumunta din kami ng rain forest hospital same case ng rmc, that time dami na gumugulo sa isip ko na sana ok anak ko sa tiyan kasi di na sya masyado malikot, minessage ng LIP ko yung midwife kung san kami nagpapacheck every Sunday, dinala ako dun para iinject para sa lungs ni baby, the next day pinapunta nya kami somewhere in taguig para sa ultrasound ko, nalaman ko 38w6d na pala si baby kaya anytime soon lalabas na talaga sya, yung nagleak daw sa akin is upper water daw ni baby at yung water nya mismo sa inunan is maayos pa, nakampante ako kasi baka kung ano mangyari sa kanya sa loob ng tiyan ko, May 24 nakakaramdam na ko ng sakit sa balakang at puson, kaya ko naman pero di na ko nakakatulog ng maayos, May 25 mula umaga hanggang May 26 ng madaling araw dyn na yung every 5mins na interval, umiiyak na ko sa sakit kasi di ko mawari pakiramdam, tumuwad tuwad na ko, nag squat para mabilis na lang sakali lalabas na nga, May 26 ng 5am dinala na ko ng LIP ko lying in para iinduce kasi di ko na talaga kaya, ang sabi sa akin dapat 8am mailabas na si baby kasi kung hindi ipapadala nila ko sa fabella para ics, nag 8am pero di nila ko pinadala sa ospital at pinilit mainormal si baby, sige iri ako kasi kita na ulo nya, bandang 11am dun na sya lumabas sa akin na kahit kalahati na nakalabas umiiri pa din ako kasi sabi malaki daw baby ko, nasa 3.5 at purong bata laman ng tiyan ko, nung pinatong sa dibdib ko di sya umiyak, nirub ko likod nya at sinabihan na anak umiyak ka please, hanggang kunin ng doktora si baby at nirevive, halos magkalahating oras din nila nirerevive anak ko kaso wala talaga,. Di ko alam san kami nagkulang, kumpleto ko sa check up, vitamins, pero di sumapat, nawala na din Baby Boy ko.. Masakit pa din at naaalala ko pa, habang buhay kitang dadalhin sa puso ko anak.. Mahal na mahal ka ni mama at Papa.. Gabayan mo kaming naiwan mo dito, kung magkakababy ulit ako gusto ko kamukha mo.. Ayoko magpaalam kasi alam ko babalik ka,. Mahal kita Tobias Osben Lopez Macawili❤️❤️❤️