7mos pregnant, gusto ko ng iwan husband ko

7mos pregnant na po ako, first baby namin to, last year na kunan ako pero bute nabiyayaan kami agad. Good provider po si husband, pero last week, nakita ko messages nya sa katrabaho nyang babae, sweet sila at may love you-han pa sila. Pero silang nag de-delete ng messages kasi nakita ko screenshots na pinag uusapan nila na mag delete. Hindi alam ng husband ko na kahit idelete nya yumg screenshot na yun, maka re-retrieve ko padn. Kinonfront ko sya, as usual ang sagot nya “wala lang yon, nag bibiruan lang kami, tska may asawa at anak na yon” Yun nga yung point ko mga mommy, pareho na silang pamilyado, tapos ganon sila sa isat isa. Hindi ako kasing tapang ng ibang babae na kayang mag confront ng mga kabit or nakaka flirt ng asawa nila. Kung gusto nyang ituloy yung ginagawa nya, ok lang sakin, bsta wag nyang kalimutan responsibilidad nya sa magiging anak nya. 9years kaming mag bf/gf bago kami ikasal last year. Wala pang isang taon kaming kasal, hindi pa lumalabas anak namin, pero nagawa na nyang mag cheat. Sorry po ang habang message ko, gusto ko lang maglabas ng sama ng loob, kasi isang linggo nakong iyak ng iyak at walang masabihan ng mga nararamdaman ko. Nasa isip ko nalang ngyon, iwan nalang sya.

25 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I know some of you sasabihin ang babaw ng reason ko para iwan agad si husband. Last year nung nawala yung first baby namin, sobrang nasira ako emotionally papunta na mentally, dahil gusto ko na mag patingin sa doctor non kung anong dapat kong gawin para maka move on. Ang dami kong pinag daanan last year, ayoko mahirapan baby ko ngayon dahil sa mga pinag gagawa ng husband ko sakin. Ayoko na mag suffer sya habang nasa tyan ko palng. Hanggat maari ayoko mastress. Dahil nung nawala anak last year, wala akong ibang sinisi kundi sarili ko, ayoko na maulit ulit yon. Kaya iniisip kong iwan nlang sya kung ngayon plang na buntis ako nagagawa na nya mag cheat, pano pa kaya sa mga susunod na taon

Magbasa pa
2y ago

Kung yan ang ikakaginhawa at magkaron ka ng peace of mind, go lng mamsh!

VIP Member

nakakalungkot makabasa ng ganito... pero siguro kung ako din sa sitwasyon mo sis ganyan din gusto kong gawin... cheating is cheating... mamimihasa yan pag iintindihin mo lang.. and eegaeding doo sa sabi nyang wala lang yin, nag bibiruan lang kami nako sinong niloko nya? kung joke lang bat pa denelet? di mo deserve ang ganyan sis... at doon naman sa babae grabe alam ng may asawa na at buntis pa pero nakikipagharutan pa sya... aminin natin walang babae ang makikipag i love you-ha sa lalaki kung wala silang something.. bigyan mo ng ultimatum yang asawa mo..

Magbasa pa

mi hindi mababaw ang reason mo ano ka ba! Kahit sinong babae makabasa ng kalandiang sa chat ng asawa nya gnyan din mggng reaksyon,esp. me! gnyan din ang mggng reaksyon ko. Sus! wala lang daw un, biruan lang? neknek nya, mga pamilyado na nagawa pang lumandi! Well mi! Sbe mo nga di ka matapang na mag confront, iparamdam mo nlang sa knya na mali sya para maramdaman naman nya na apektado ka un ay kung hindi manhid yang asawa mo. Kase kung saken ngyare yan confront ko agad ung babae derechanan na wala akong pake kung mabasa nung asawa nya. Tutal malandi naman sya.

Magbasa pa

ang tatanga ng ganyang lalake noh? ang tagal ng pi ag samahan nyo, tas kaka kasal nyo lang nag loko na agad, o sadyang di mo lang sya na huhuli noon pag nag cheat?. mag che cheat nalang dun pa sa me asawa at anak din, low class anu bayan,. gusto pa ng tira tira.. iwan mo nayan mi, mag sa suffer kalang dyan pag pinag bigyan mo yang ganyang gawain nya, habang buhay ka nyang, uutuin at paiikutin pag di mo binigyan ng leksyon yan uulit at uulit yan,. tc kayo nyo baby

Magbasa pa

if needed mommy, lumayo ka muna. uwi ka muna sa inyo. baka di mo na kayanin ung stress na dinudulot ng cheating ni hubby. pero paglabas ni baby, try to work it out. nun kayo magusap. para sa kapakanan din ni baby. dun nyo po gawan ng agreement and all. pero for now dahil fragile tayo at vulnerable dahil buntis, lumayo ka muna sa stressors mo. i hope magbago si husband mo once nawala ka sa buhay nya at dun nya marealize na napakaimmature nya.

Magbasa pa

mommy wag mong isipin ang asawa mo.. Tama lng yan.. ang isipin mo ang magiging anak mo.. Isa pa hnd mababaw na dahilan ung makita mong nag iilove you asawa mo sa iba.. in the first place.. qng may respeto cxa sayo d nya gagawin un.. kausapin mo asawa nung babae.. atleast aware cxa sa ginagawa nung dalawa.. at baka may malaman ka din na iba pang details sa ng yayari sa dalawa.. den leave.. Iwan mo asawa mo.. know your worth..

Magbasa pa

nakakalungkot namn po..pero mommy...may inilabas na Ngayon na batas na.kahit kasal kayo o Hindi pero dala dala Ng anak mo Ang pelyido Ng tatay nya at pumirma sya sa rehistro Ng Bata .....may habol kaparin na sustento sa anak mo .....kaya ilaban molang mommy Ang nararapat para sa anak mo ...Kasi Isa yang responsibilidad Ng isang magulang sa mga anak....ingat lagi godbless .stay safe....🙏😊

Magbasa pa
VIP Member

Siguro mi , need mo na muna magfocus sa baby mo para di maapektuhan paglabas niya. Ganito na lang gawin mo , lahat ng pera na binibigay niya ibili mo lahat ng gusto mo tapos magtabi ka para sayo ng paunti unti para pag nagdecide ka iwan siya may pera ka pagkukuhanan. Kumbaga utakan mo na lang siya pero kung gusto mo pa maayos yung relasyon niyo, gawin mo kung ano yung alam mong tama.

Magbasa pa
2y ago

korek approved aq dyan..ganyan ginawa q.. nag ipon aq galing sa Pera na binibigay niya.. txaka aq umalis... never aamin ang mga ganyang taO.. sila pa galit pag sisitahin... wag ka umalis agad ipon ka muna para kwits..

Isang taon palang kayong kasal may ganyn na ..wag po kayong maniniwala sa salitang "wala Lang un ,may asawa at anak na un." 😂 MU sila un ang totoo... kawork pa naku araw araw biruan 😅 Pero mommy alam ko mahirap Yan Kasi buntis Ka ngayon.kahit sakin Yan mangyari Alam ko mahihirapan din ako ..Pero para Kay baby pakatatag Ka po mommy.☺️ virtual hug po...

Magbasa pa

Kung sa akin po yan. Mag collect ako ng evidence ng chats ng landian nila then diretso ako sa husband ng kalandian ng asawa ko. Para sila ang mag ka gulo kung hindi kaya iconfront si hubby. Uwi ka muna sa inyo mommy. Need nyo ni baby ng safe place. Isipin mo nalng si baby. pagkalabas nya sya na ang mgiging mundo mo. promise.

Magbasa pa