7mos pregnant, gusto ko ng iwan husband ko

7mos pregnant na po ako, first baby namin to, last year na kunan ako pero bute nabiyayaan kami agad. Good provider po si husband, pero last week, nakita ko messages nya sa katrabaho nyang babae, sweet sila at may love you-han pa sila. Pero silang nag de-delete ng messages kasi nakita ko screenshots na pinag uusapan nila na mag delete. Hindi alam ng husband ko na kahit idelete nya yumg screenshot na yun, maka re-retrieve ko padn. Kinonfront ko sya, as usual ang sagot nya “wala lang yon, nag bibiruan lang kami, tska may asawa at anak na yon” Yun nga yung point ko mga mommy, pareho na silang pamilyado, tapos ganon sila sa isat isa. Hindi ako kasing tapang ng ibang babae na kayang mag confront ng mga kabit or nakaka flirt ng asawa nila. Kung gusto nyang ituloy yung ginagawa nya, ok lang sakin, bsta wag nyang kalimutan responsibilidad nya sa magiging anak nya. 9years kaming mag bf/gf bago kami ikasal last year. Wala pang isang taon kaming kasal, hindi pa lumalabas anak namin, pero nagawa na nyang mag cheat. Sorry po ang habang message ko, gusto ko lang maglabas ng sama ng loob, kasi isang linggo nakong iyak ng iyak at walang masabihan ng mga nararamdaman ko. Nasa isip ko nalang ngyon, iwan nalang sya.

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Siguro mi , need mo na muna magfocus sa baby mo para di maapektuhan paglabas niya. Ganito na lang gawin mo , lahat ng pera na binibigay niya ibili mo lahat ng gusto mo tapos magtabi ka para sayo ng paunti unti para pag nagdecide ka iwan siya may pera ka pagkukuhanan. Kumbaga utakan mo na lang siya pero kung gusto mo pa maayos yung relasyon niyo, gawin mo kung ano yung alam mong tama.

Magbasa pa
3y ago

korek approved aq dyan..ganyan ginawa q.. nag ipon aq galing sa Pera na binibigay niya.. txaka aq umalis... never aamin ang mga ganyang taO.. sila pa galit pag sisitahin... wag ka umalis agad ipon ka muna para kwits..