Hi mga mommies! Natrauma yata ako sa pagtrim ng nails ni lo. Pangalawang beses na kasi accidentally nasugat ko sya. Instead na sa kuko umipit ung nail cutter, sa balat nya. 😭. Di naman malalim pero ayaw ko na itrim ung nails nya tuloy. Pahirapan kasi sobrang likot nya. Pag tulog naman, nagigising sya pag kukunin ko na kamay nya saka nya itatago. Minsan umaabot ng maghapon bago ko matapos pagtrim ng kuko nya. Ang bilis pa man din humaba dahil hinahayaan kong isubo nya. Any tips po? #FTM
Read moreHi mommies! Sino po dito ang walang appetite during pregnancy? Ano po ginawa nyo para manatiling healthy para kay baby? Nabawas na po ng around 2kg ang timbang ko ever since nagbuntis ako. Pinipilit ko naman kumain para kay baby pero for sure kasi pagdating ng gabi pagkatapos ko inumin vitamins ko, nagsusuka ako. Ang hirap pang matulog. 14 weeks na po pala ako ngayon. #firstbaby #pregnancy #advicepls
Read moreHi mommies. Nakaadmit na po ako sa hospital. Nagspotting ako kagabi 9pm. Uminim po ako pampakapit as advised ng Ob ko. 1230am nagbleed na po ako. Half ng napkin ang dami. Sinugod na ako ni hubby sa emergency. Advise ng ob ko for admission pero wala spare clean room (ung rooms na malayo sa covid cases). Nakalimang hospital po kami bago kami nakakita ng room. Hingi po ako ng prayers nyo na sana okay lang si baby. Bright red po ang dugo lumalabas sa kin til now. May progesterone na nilalagay sa vagina ko every 12 hours. Sabi po ng ob dito kanina, sarafo naman ang cervix ko. Bukas pa schedule ko ng tvs kasi wala available na sonologist. May naging same case din po ba gaya ng akin pero in the end okay naman si baby? Isama nyo po kami sa prayers nyo. Salamat po. #1stimemom #pregnancy #firstbaby #advicepls
Read moreSmall gestational sac for 8 weeks
Hi mommies. Share ko lang po kasi nababalisa ako. Feb 20 - nagpaTVS po ako. May UTI din ako. Niresetahan ako ni OB nang pampakapit and antibiotics. Mar 1 - Pagbalik ko sa OB, wala na po ako UTI pero tuloy pa rin pampakapit. PinapaTVS nya ako ulit ng Mar 6 latest tapos follow up checkup. Mar 5 (today) - maliit pa din po gestational sac ko accdg sa OB Sonologist kanina pero malakas na ang heartbeat ni baby. Ung result po bukas ko palang makukuha. Nagsearch kami sa google ni hubby para sa meaning ng small gestational sac, nakakatakot po mga result. May mga kagaya ko po ba na case pero di naman nagka miscarriage? Gusto ko lang po ng encouragement kasi kinakabahan po ako. May PCOS din po pala ako both ovaries. Kaya considered namin ni hubby na miracle baby si baby. #firstbaby #1stimemom #advicepls #pregnancy
Read more