7mos pregnant, gusto ko ng iwan husband ko

7mos pregnant na po ako, first baby namin to, last year na kunan ako pero bute nabiyayaan kami agad. Good provider po si husband, pero last week, nakita ko messages nya sa katrabaho nyang babae, sweet sila at may love you-han pa sila. Pero silang nag de-delete ng messages kasi nakita ko screenshots na pinag uusapan nila na mag delete. Hindi alam ng husband ko na kahit idelete nya yumg screenshot na yun, maka re-retrieve ko padn. Kinonfront ko sya, as usual ang sagot nya “wala lang yon, nag bibiruan lang kami, tska may asawa at anak na yon” Yun nga yung point ko mga mommy, pareho na silang pamilyado, tapos ganon sila sa isat isa. Hindi ako kasing tapang ng ibang babae na kayang mag confront ng mga kabit or nakaka flirt ng asawa nila. Kung gusto nyang ituloy yung ginagawa nya, ok lang sakin, bsta wag nyang kalimutan responsibilidad nya sa magiging anak nya. 9years kaming mag bf/gf bago kami ikasal last year. Wala pang isang taon kaming kasal, hindi pa lumalabas anak namin, pero nagawa na nyang mag cheat. Sorry po ang habang message ko, gusto ko lang maglabas ng sama ng loob, kasi isang linggo nakong iyak ng iyak at walang masabihan ng mga nararamdaman ko. Nasa isip ko nalang ngyon, iwan nalang sya.

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I know some of you sasabihin ang babaw ng reason ko para iwan agad si husband. Last year nung nawala yung first baby namin, sobrang nasira ako emotionally papunta na mentally, dahil gusto ko na mag patingin sa doctor non kung anong dapat kong gawin para maka move on. Ang dami kong pinag daanan last year, ayoko mahirapan baby ko ngayon dahil sa mga pinag gagawa ng husband ko sakin. Ayoko na mag suffer sya habang nasa tyan ko palng. Hanggat maari ayoko mastress. Dahil nung nawala anak last year, wala akong ibang sinisi kundi sarili ko, ayoko na maulit ulit yon. Kaya iniisip kong iwan nlang sya kung ngayon plang na buntis ako nagagawa na nya mag cheat, pano pa kaya sa mga susunod na taon

Magbasa pa
3y ago

Kung yan ang ikakaginhawa at magkaron ka ng peace of mind, go lng mamsh!