7mos pregnant, gusto ko ng iwan husband ko

7mos pregnant na po ako, first baby namin to, last year na kunan ako pero bute nabiyayaan kami agad. Good provider po si husband, pero last week, nakita ko messages nya sa katrabaho nyang babae, sweet sila at may love you-han pa sila. Pero silang nag de-delete ng messages kasi nakita ko screenshots na pinag uusapan nila na mag delete. Hindi alam ng husband ko na kahit idelete nya yumg screenshot na yun, maka re-retrieve ko padn. Kinonfront ko sya, as usual ang sagot nya “wala lang yon, nag bibiruan lang kami, tska may asawa at anak na yon” Yun nga yung point ko mga mommy, pareho na silang pamilyado, tapos ganon sila sa isat isa. Hindi ako kasing tapang ng ibang babae na kayang mag confront ng mga kabit or nakaka flirt ng asawa nila. Kung gusto nyang ituloy yung ginagawa nya, ok lang sakin, bsta wag nyang kalimutan responsibilidad nya sa magiging anak nya. 9years kaming mag bf/gf bago kami ikasal last year. Wala pang isang taon kaming kasal, hindi pa lumalabas anak namin, pero nagawa na nyang mag cheat. Sorry po ang habang message ko, gusto ko lang maglabas ng sama ng loob, kasi isang linggo nakong iyak ng iyak at walang masabihan ng mga nararamdaman ko. Nasa isip ko nalang ngyon, iwan nalang sya.

25 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

yun ang tagal nio mag jowa 9yrs. tas kung kelan kasal na saka mo mllman ngllko?? kloka db? d sana d na nlng mna ngpksal. haist... dami q nbbsa ganyan kelan knsal saka may lkhan na nggnp... well momsh,try mo iwan. umwi ka sa parents mo. tingnan mo anu ggwn nia,basta un responsibilities nia sa baby nio ggwn nia.

Magbasa pa

hindi mababaw na dahilan ang cheating. kahit pa kasal kayo ung peace of mind mo mahalaga. lalo nat buntis ka, hindi naman porke maghihuwalay kayo eh di magiging okay pamilya niyo. may mga co-parenting naman na successful. bawal ka mastress, priority mo si baby. kahit kasal o hindi cheating pa din yan.

Magbasa pa

i'm sad to read your story mii pero kung ako ang tatanungin, baka makapaghiwalay nako kahit ayoko masira yung family ko. 🥺 ang hirap kasi ng ganyang sitwasyon tas buntis pa. 🥺 kung bakit kasi nagloloko? 😢 anyways, pakatatag ka mii. kaya mo yan! 💗💓

leave him momsh, para sa peace of mind mo at pra kay baby. uulit at uulit yan kasi sa isip nyan ok lang at napatawad ako agad. kakapal ng muka ng mga lalakeng ganyan. puro kalandian nasa isip, sana lang ung mga pinili nila di sila iwan.

Leave him mommy. After mo manganak, talk about co-parenting with him. Hindi nyo deserve ni baby ganyang kagagong tatay. Magbabago yan for the meantime pero pag sinaniban nanaman ng kalandian, uulit yan. Save your baby and yourself.

Umpisa na yan Mommy. Yang ganyang kalokohan, nakakasad lang kasi kung kelan kasal na kayo, saka pa sya nagkaka ganyan.

baka pwedeng umuwi ka muna sa inyo momshie para makaiwas ka muna sa stress,mhirap yan pra sa inyo ni baby.

nakakatakot na magpakadal ngayon dahil kung kailan kasal na tyaka naman mag cheat

Iwan mo nalang yan nakaka bwisit ganyang lalake baka pag iniwan mo yan matuto pa.

VIP Member

Much better kung layo ka muna sakanya, Iwas stress lalo na preggy ka.