tama ba ginawa ko?

7mos. Pregnant po ako ngayon nahuli ko po na may babae yung tatay ng anak ko sa abroad gumawa siya ng ibang account para itago sakin. Nag away kami tapos sabi nya joke lng daw yun. Nakita ko sa fb ng babae at yung account na gamit nya na in a relationship silang dalawa tapos nabasa ko pa ang mga sweet messages nila sa comment box. Kung di ko pa aq magbukas ng fb nya di ko pa malalaman na niloloko nya na pala ako. Nung chinat ko yung babae sabi pa sakin hihiwalayan nya tatay ng anak ko kung kasal daw kmi wag ko daw sila gugulohin. Pinasa ko sa tatay ng anak ko mga usapan namin ng babae tapoa sakin pa siya nagalit kasi pinahiya ko daw yung babae sa fb dhil sa comment ko na may asawa na yung sinasabi nyang bf nya ngayon sinabi ko na magkakaanak n kmi ayaw sakin maniwala ang babae desperada daw ako at ipokrita. Wala ako tulog simula pa kagabi sa kakaiyak at kakaisip kaya inantay ko na makapag usap kami ng tatay ng anak ko kinaumagahan para sana maayos nmin para sa anak namin pero sabi nya sakin ayaw nya n daw ako makausap. Ginawa ko na lng sinabi ko na di ko na pagpilitan pa sarili ko sa kanya. Buhayin ko na lng anak namin ng mag isa. Kasi wala na nman siya pakialam saamin. Tama ba na alisin ko na lahat ng contacts namin sa isat isa. Tuluyan ko ng kalimutan siya. Tama po ba ginawa ko? Napakasakit po para sa akin na ganun na lng nya kami pinagpalit sa babaeng yun na isang buwan nya pa lng nakikilala.

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ibang klaseng lakaki yan nkakahayblood ung mga ganiang tao, sinayang nia lang pinagsamahan niyo porket nagabroad sya, the heck ibang klase may anak na naghahanap pa ng kalandian, anu un feeling binata, naku walang tatagal sa mga lalaking ganian ang ugali, kung ako sau sis ipahiya mo muna sila dalawa tapos iblock mo, wag mo bigyan ng chance kapg nagmakaawa, NSA HULI ANG RIN ANG PAGSISISI, basta masaya ka na magkaroon n ng blessing sa buhy mo, may tamang tao rin na aalagaan at pahalgahan ang sinayang niya.. iblock mo lahat ng contact mo s kania para d ka mastress, wag mo ipaapelyido sa kania ang anak mo para d maghabol.. promise magsisi din yan sa huli sana lahat ng ganiang lalaki pinuputulan eh, swerte ko na lng s hubby ko never sya nambabae sa 5 years relationship namin kahit magkababy n kami d sya nagkikipg usap s babae

Magbasa pa

yes po tama lng un! aq nga tatlo pa anak nmin isang beses lng nya gnawang ngloko sa abroad auko na at nkipghiwalay na aq.. ang gnawa q ngtrbho at ngsumikap aq kya ngaun hahabol habol xa pro ala na huli na lahat.. may dumating na sakin na minahal at tinanggap aq kng dko pa hniwalayan at ngmumukmok lng aq ayy ala pa aq napatunayan sa sarili at sa pamilya q.. kya go lng sis! nwalan ka mn pro lalaki lng yan, xa ung nwalan kya ipakita mo sknya na d xa deserve.. once ngcheat na yan, gagawin at gagawin na nya yan.. kng ano gnawa nya sa sau ganun din gawin nya sa bago nya lalo nat mgkalayo ulit cla, proven na yan

Magbasa pa

Yes tama....isipin mo nlang baby mo buhayin mo sya sa pagmamahal mo....kawalan sya....d sya karapat dapat kc kng my pakialam sya sa inyo d na sya mgtatangka pa mghanap...nd happy sya na mgkakaanak na kau pero ano gnawa nya dba...d pa sya sawa sa pagkabinata...d mo sya deserved...my ibng guy pa nkalaan sau wait mo lang wag mo hanapin kusa sya ibibigay sau...kng na inlove ka ulit piliin mo ung taong responsibilidad,ung my takot sa Diyos,ung mamahalin nya din baby mo na parang tunay na anak nya...kya bless ako now d man ako snwerte sa una ko asawa snwerte ako sa knakasama ko ngaun nd my baby na din kmi now

Magbasa pa
VIP Member

Nako mommy, tanga siya. Hindi lang ikaw ang niloko niya pati ang anak niya. Better na huwag mong ipakita ang anak mo sa kanya. Baka siguro way na rin ni Lord sa'yo na huwag mong papakasalan ang isang tulad niya. Huwag po papastress. Lapit po kayo sa parents niyo at kapit ka kay Lord. Hindi ka po pababayaan. Alam mo darating ang araw na pagsisisihan niya ang ginawa niya sa inyong mag-ina. Pero mommy nasa'yo pa rin ang desisyon. Pwede mo rin siyang ireklamo. Nasa batas po yan. Sustentuhin niya ang anak niya atsaka para maturuan siya ng leksyon. Kung di po niya gagawin, sa kulungan ang punta niya.

Magbasa pa

Hehe nakarelate ako sa joke lang. Tarages.. 😂😂 Yan n Yan sinabi sakin ng ex ko Ng nahuli ko n may nilalandi siyang iba tpos balak n pla Niya ko hiwalayan. Hahaha kaloka.. tinotoo ko na. Mga wla yang kwenta.. Sayang panahon.! Hmm make him responsible sa ginawa Niya. Humingi k Ng sustento.. hehe Hindi sa Hindi mo kayang buhayin anak niyo pero responsibility Niya Yun bilang ama. .hayaan mo silang mastress sayo. 😂 Bubuntisin k tpos ipagpapalit k lng. Aba.. Hindi Pwede Yun ghurl! Laban!! Pero syempre move forward na Tayo.. sustento Lang. Wag mo n babalikan. 😉

Magbasa pa
VIP Member

Kung maaayos niu pa po ung relasyon niu, hanggat maari po ayusin para sa magiging anak ninyo. Pero if you have decided and determined to move on, delete all the contacts and pics po. Isa kc un para mapabilis ung pagmomove on. Iwasan po mga pangyayari o gamit na makapagpapaalala sa iyo about him. At qng gusto mong matauhan o magsisi ung lalaki huwag na huwag mo siyang i.unfriend, unfollow lang po para po sakaling nanganak na kayo ay ipost mo ang pic ng baby mo. His conscience will hit him hard for sure. Take good care of yourself and your baby😊

Magbasa pa

omeged. i feel you momsh.wala tayong pinagkaiba.ganyan na ganyan ang nangyari sakin.ang masaklap pa nian sakin last month lng nangyari tas manganganak na ko.d ko alam kung ano yung mas masakit yung labor ko o yung sakit ng puso ko.sobrang sakit.hanggang ngayon d pa ko totally nakapag move on.pray lng momsh.isipin mo nalang c baby. masakit.oo sobra pa nga e.pero wag na natin ipilit sarili natin kung ayaw na nila.pakatatag lng momsh para kay baby. in time marerealize din nila kagaguhan nila. hug hug momsh☺️🤗🤗

Magbasa pa

Sorry for the term pero kupal po yang partner mo. Nakakainit ng dugo. Sya na mali sya pa galit. Obviously, wala syang pake sainyo ni baby. Stress lang yan mommy, wag kang magpakastress at 7 mos na si baby. Wag kang magparamdam. Baka marealize nya pa katangahan nya. Ipost mo po yung tummy mo para makita nya yung nawawala sakanya. Wag ka narin pumatol dun sa babae, ipost mo sa fb yung mga convo and pics nila, para mapahiya sa social media. Pero after nalang siguro manganak para iwas stress.

Magbasa pa

Dont waste your time on someone who doesnt value you. HE'S NOT WORTH IT. iwanan mo. Magsama sila nung babae. Wag mo na pagudin sarili mo magexplain sa babae at sa lalaki. Kasi for sure,ALAM NAMAN NILA PAREHAS ANG MALI NILA. at ang taong ayaw umamin,NEVER AAMIN. Hindi worth ng stress,oras,pagod,lahat. Mag focus ka sa anak mo kasi nanay ka na. Mas isipin mo nalang kayo ng anak mo at wag mo isipin yung mga taong hindi makakatulong sayo.

Magbasa pa

Tama po mommy. Hindi mo po kelangan habulin yung ganun klaseng lalaki. Alam nyang buntis ka at anak nya dinadala mo tapos lakas loob nyang magloko. Sigurado namn po akong kaya mong buhayin mag isa si baby, dhil tayong mga mommy gagawen ang lahat para sa mga baby naten. Hindi din namn po kase maganda na lumaki si baby ng may nanay at tatay nga e kung di namn maganda pag sasama ng parents nya baka makaapekto pa kay baby

Magbasa pa