Please payuhan nyo ko kung anong dapat gawin 🥺

3 days na kaming di nag uusap ng asawa ko, nagsimula lang sa nagalit sya dahil nagkalat ng ihi sa bahay yung pusa at nadamay lang ako sa galit nya. Nung gabing yun naglaba sya inalok ko syang tulungan pero sabi nya matulog nalang ako at dahil pagod na din talaga ako nun galing kami sa buong araw na check up sa clinic, nakatulog agad ako. Dahil lang doon hindi nya na ako kinakausap hanggang ngayon. Simula nun iyak ako ng iyak. Ngayon december 31 birthday ng kapatid ko ang usapan namin pupunta kami sa bahay tapos mag uuwi nalang ng ilang pagkain nila para yun ang handa namin para di na kami magluto pareho kasi galing kami pareho ng trabaho panggabi (work at home kami). Ngayong araw walang nangyari, iniwan nya lang ako dito at umalis sya umuwi sakanila 😭 mag isa ako ditong sasalubong ng bagong taon. Tumawag mama ko tinatanong bakit di kami pumunta sabi ko lang nasiraan yung sasakyan kaya di makaalis hindi ko masabi na nag away kami. Nag alok mama ko kung gusto nya ipasundo kami sabi ko gabi na, pero parang gusto kong magpasundo kay mama bukas tapos dun nalang ako titira. Dadalhin ko mga gamit ko pati work station ko. Tamang desisyon ba yun? Sobra kasi akong nadedepress sa ginagawa nya sakin hindi ko akalain na matitiis pa rin nya ako ng ganito kahit na buntis ako sa anak nya, 5 1/2 months pregnant na ako. Iniwan nya lang ako na mag isa dito sa ganitong panahon. Mag fifirst wedding anniversary na rin sana kami sa January 18 pero kung lalayas ako dito baka maghiwalay na talaga kami. Gustong gusto ko na umalis ayaw ko na sobra nya na kong sinasaktan. Tama lang ba na umalis na ko dito bukas 😢

24 Replies

Mommy ndi ko gets kung ano puno't dulo ng pagwalk out niya sayo. Ndi kaya napuno siya in the past, or kulang kayo sa komunikasyon, pero kahit na thats not how marriage works lalo at buntis ka. Para sa akin mommy, alam ko dn na mejo left behind ka cguro kung bkit siya umalis ng ganon-ganon nlang. Try to call you hubby or text him. Tanungin mo, kc mahirap dn magsisi in the end. Kung ndi ka niya sinasagot I think kailangan nyo ng intervention from your parents, cguro pagod lang asawa mo. For now uwi ka muna, kc u need moral support bka mapano kayo ng baby mo kung iyak ka ng iyak mommy. Pray dn po, everything will be alright. Try to reach out first. Sa amin ng asawa ko, kahit may misunderstanding kmi umaalis siya noon pero bumabalik dn kapag humupa na galit niya pero ilang oras lang nman, un nga lang minemessage ko siya agad pagka alis niya. Pero ngayong buntis aq ndi niya aq iniwan kahit pagod na siya, lalo at maselan pagbubuntis ko in the past kaya siya tlga nagluluto, naghuhugas ng plato, naglalaba, naglilinis ng bahay, namamalengke, etc kahit pagod siya sa work. Ngayong 17 weeks lang mejo kaya ko kaya tinutulungan ko dn siya sa mga gawaing bahay. Pinapamper ko dn siya kahit paminsan minsan para makabawi manlang aq, like ipagtimpla siya ng coffee o binibigyan ko ng pagkain kahit siya nagluto, naghuhugas ng plato sometimes, naglilinis ng bahay sometimes o di kaya naglalaba ng maliliit na damit sometimes at sinasamahan ko din siya mamalengke, okey n un sa kanya.

hirap nang ganyan. buntis kana nga naddpress ka pa. sana manlang inintindi ka nalang kasi sa kalagayan mo. pero better kausapin mo. kung wala parin papiliin muna. opinion ko lang naman kung ako nasa kalagayan mo. kasi magasawa na kayo dapat partner kayo, nagtutulongan kungbaga. kung nd parin makikipagusap sakin pag ako na nagapproach aba ang pride naman nya pagganun. goodluck mommy. sana maayus nyo pa para sa bata.. lam ko un din iniisip mo siguro kung wala pang nabuo madali na lang ding kumalas. pero sating mother kasi iniisip natin na gusto natin buo pamilya nang bata. i feel u. nagaaway din kami humahantong sa nageempake na ako nang gamit ko. nung nd pa pandemic pinipigilan ako pero ngayon hinahayaan ako kasi alam nyang wala akong sasakyan pauwi pero may matatawagan naman ako para sunduin ako. kaso nd natutuloy kasi nagmamakaawa din sa huli na ayaw kaming mawala ni baby. dala lang daw nang galit nya ang mga nasasabi nya.

Kalma ka lang Momshie ganyan talaga ang buhay mag-asawa, nasa period of adjustment palang kasi kayo ng pagsasama ninyo, habaan mo pa iyong pasensya mo towards your husband and pray for him lalo na sa mga panahong may hindi kayo pinagkakasunduan. Tama iyang attitude mo na prinoprotektahan mo p rin ang hubby mo sa tingin ng family mo sa kanya. Hindi naman porke nilayasan ka,ibig sabihin nun hindi ka niya mahal. Malay mo nagpapalamig lang ng ulo o kaya ng tampo sayo. The best way you can do is to talk to him at pag-usapan ninyong mabuti iyong problema, since buntis ka rin, mas mainam na ipaliwanag mo sa kanya na masyado kang emotional due to pregnancy hormones para makapag-adjust din si hubby sayo. Magpakatatag ka lang Momshie para sa magiging anak ninyo, huwag mong hayaan na mapabilang kayo sa dumadaming case ng broken family ngayon,.. more blessings to you and your family.

if I were you. uuwi muna ko.. Hindi mo rin nmn makakaya mkipag usap objectively ng Ang sama din Ng pakiramdam mo . nakaya ka ngang iwan eh.. bakit ka mag titiis. Hindi k nga naisip man lang.. mag palipas muna kayo ng panahon n mag kahiwalay. para makapag isip isip ka rin Kung gusto mo p b ituloy. ska parang Ang babaw Kasi para iwan ka.. gets mo ko? holiday yun para sa Inyo. pero pinairal init Ng ulo.. haha parang Ang immature. mas gusto ko pang mag Isa kesa nakatapak sa salamin na konting galaw mababasag. d mo nga Alam san ilulugar sarili mo Diba? kaya hayaan mo muna siya.. focus k muna Kay baby. bakit mo iisipin lagi Ang sasabhin ng ibang Tao? maiintindihan k Ng family mo. my choice k nmn na tumahimik at sabhin n may pinag dadaanan kayo mag Asawa kaya choice mo n umuwi muna at ayaw mo pag usapan. maiintindihan Nila yun. no need to give details..

usap kayo pag kaya niyo na. for now. . uwi k sa inyo. or mag unwind ka somewhere n feeling mo mkakapag relax ka or mkakapag vent out ng feelings mo. wag ipilit Kung Hindi pa kayang mkipag usap. focus muna Kay baby. . kakausapin k rin niyan pag ready na siya. o reach out ka pag kaya mo na. pag binaby mo Yang asawa mo paulit ulit Niya yan gagawin sayo . . Tama Naman n Hindi mo need mag bigay ng details sa family mo kung ayaw mo pag usapan. depende Kung gaano sila ka mature sis. Kung tingin mo nmn hindi ijujudge husband mo, Pwede k manghingi ng payo para mas Makita mo perspective ng ibang Tao. married din parents mo alam Nila yan at maiintindihan ka.. wag masyadong sarilinin pero assess first. baka makunan ka nmn sa sobrang stress

alam nyo ba yung pakiramdam ng walang handa, actually meron pala yung bigay ng kapitbahay. yun mabuti nalang binigyan ng pagkain ng kapitbahay. tapos magpopost ng pic yung kapatid nya kumpleto silang pamilya at mga nakangiti. masayang masaya sya. andaling sabihin na wag magpadala sa emosyon, pero mahal kaba talaga ng asawa mong nakaya kang iwanan magisa sa pagsalubong ng bagong taon. ikaw magisa iniisip anong ginawa mong mali habang sya masayang nagcecelebrate ng di ka man lang iniisip o naalala. wala ngang pagbati man lang eh kahit sino sa kapamilya nya wala rin. samantalang lagi naman nila akong binabati dati. ang swerte ko lang dahil ang ganda ng salubong ng taon sakin, salamat sa asawa kong mahal na mahal ako. hay

hi sis, baka may problem si hubby mo kaya nagkakaganun sya, try to initiate, maglambing ka sa kanya wala naman mawawala sayo kung magpakumbaba ka, nagkasalubong lang kayo ng emotion ni hubby kaya ganyan. kaya mo yan cz, nagkakatampuhan di. kami ni hubby nung buntis ako noon pero nauubos lang energy namin sa tampuhan kaya ayun nag usap kami dalawa how to control our emotions .. bad temper at di kami maapektuhan parehas at si baby sa tummy. 😘 happy new year sis.

Hindi masama na ikaw ang unang kakausap sa kanya, minsan maganda din na di nalang muna magusap pag parehas kayong galit pero di ibig sabihin na di nyo na paguusapan. Wag kang aalis ng bahay ng di kayo naguusap, baka ma-misinterpret ng magulang mo at pati sila magalit sa asawa mo lalo na at buntis ka. Ganyan talaga kapag mag-asawa na kayo may mga di talaga kayo pagkakaintindihan. Communication is the best way. For sure maaayos nyo yan. Happy New Year momsh. ☺️

Momsh sa loob ba ng 3 days na yun hindi mo sya sinubukang kausapin? Kung nagtry ka magreach out ng paulit ulit at di ka pa rin pinapansin, umuwi ka na muna sainyo para may kasama ka. Parang ang babaw ng dahil lang sa pusa baka mas may malalim pa na dahilan, kausapin mo sya ulit. Kapag di pa rin nadaan sa bait, kung asawa ko yan tatadyakan ko pa yan eh malamang sya mag laba at maglinis ng ihi ng pusa buntis ka kaya. pft

Was your argument really that important that he would leave his HEAVILY PREGNANT WIFE alone with no one to care for her? di ko alam kung anung utak meron yang asawa mo, momsh. Ako din before nabuntis ang dami kong pets. Ayaw ni husband ng pets pero dahil Mahal nya ako, natiis nya yun. 3 years (they are all rehomed now and happy ☺️). Kung medjo naiinis sya sa kanila, kinakausap nya ako ng maayos.

agree mommy. Hindi ko din maisip bakit Ang babaw ng dahilan para iwan during holiday season partner mo. either sobrang bigat ng ginawa ni mommy pero d Niya sinabi dito or sobrang immature Yung asawa niya.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles