Share lang po. Nastress ako
Nagpasa ako ng resignation kasi diko na kaya malayo sa anak ko turning 6mos. Render nalang ako tapos uuwi na ako sa probinsya, technically sa bahay muna kami nila mama kasi asawa ko next year na lang daw sya reresign. Parehas kami Manila nagtatrabaho, so kapag umuwi na rin sya dito tsaka kami titira sa bukod namin na bahay. Sabi ko kasi sa kanya noon pa na ayokong may kasama kaming inlaw kasi gusto ko bukod talaga kami. Ang problema eto nga, nung nag uusap kami ni mama kagabi, nabanggit daw ng mil ko pag dun na kami lilipat sa bukod namin na bahay, dun na din daw sya samen. Eh yung bahay nila dalawang kanto lang samen. Kahit gaano kabait ang byenan may times pa rin kasi na di magagawa gusto mo pag may inlaws na kasama sa bahay kasi mahirap na may masabi sila. Di nga nya masyado pinapahiram ang bata samen pag nakabakasyon kami, para syang inahin na nakahalukipkip sa sisiw nya. Konting karga lang namin kunin agad. Once a month lang kami nauwi 2 days lang. Baka ganyan din kalabasan pag nakisama din sya sa bahay, tapos kahit mali opinyon nya, yun pa din gagawin nya, kahit ipilit namin na wag or sabihin namin na di pwede, ayaw nya kami sundin. Kahit anong paliwanag, kinakausap naman sya ng maayos ng asawa ko sa pwede at di pwede pero asawa ko pa makakarinig na di daw dapat sya turuan kasi mas alam daw nya ginagawa nya. Naiimagine ko palang pag for good na kami stress na ako. Wrong choice ata na mag for good ng probinsya.?