Pa Share & Advice po

Naka tira po kasi kami ng LIP ko sa bahay nila masaya naman kasi pamilya talaga turing ng mga magulang nya sakin pati ng mga kapatid nya. Pero nung nabuntis po ako. Pinauwi ako ng mama ko sa bahay. Kahit parang ayaw ko sumunod padin ako kasi gusto nya sya daw mag alaga sakin ngayong buntis ako. Kaya lang yung bahay namin parang nakaka stress na okay namam kasi. May iba pang naka tira maliban sa mama ko sa partner nya at sa kapatid ko (bunso, 2 lang kami mag kapatid). Yung isa Buong pamilya may 6months old na baby tapos may 2 yrs old na baby, then yung isa naman kapatid ng partner ng mama ko may 3 months old na baby at may 9 yrs old na anak. Yung unang pamilya di naman namin kaano ano kaibigan lang ng mama ko. tapos ang nakaka inis kami pa ng kapatid ko parang nakikitira sa bahay. Yung bahay kasi namin na inuupahan may 2 kwarto. yung isa sa mama ko at sa partner nya. yung pangalawa samin dapat ng kapatid ko eh. simula nung nag work ako dun na ko tumira sa LIP ko kaya ang nang yare yung 2nd na kwarto nahati so yung 2 pamilya na nabanggit ko sila ang nandun. ngayon kami ng kapatid ko nasa may sala lang ginawan ng parang double deck na higaan na isang tao lang talaga kakasya. nakaka panibago kasi kung kailan nabuntis ako ganon pa higaan ko. unang tulog ko sobrang init kasi yung fan ko yung maliit lang. Kaya yung LIP ko gusto na ko pabalikin sa bahay nila kasi mas maayos naman talaga tinutulugan ko kasi may sarili kaming kwarto. Kahit ako gusto ko din sana bumalik kaso iniisip ko magagalit mama ko. Malapit na din kasi kabwanan ko kaya tiis tiis muna ko. Nakaka stress po talaga kasi yung 2 yrs old na baby sobrang ingay tapos yung asawa nung kapatid ng partner ng mama ko tuwing galing sa work walang proper hygiene alam naman na may covid ngayon di nag iingat puro rashes na nga anak nila pag uuwi galing sa work kung hindi nya kayang maligo kahit man lang sana mag bihis sya tapos mag alcohol wala talaga. eh yung LIP ko nga kahit sa bahay lang nila galing talagang disinfect lahat ng gamit nya na dala nya pati sya. pag galing syang work di ko sya pinapapasok hanggat di sya nadidisinfect. napaka careless nila tapos parang burara pa. sa tingin nyo po okay lang naman na medyo mag higpit ako diba? nakaka ilang strike na sila kasi sakin eh. parang kami pa ng kapatid ko makikisama sa kanila. Alam ng mama ko na medyo may pagka maldita ko ayaw ko lang muna sila pakialaman kasi baka mastress lang ako lalo. pero grabe na talaga eh. Di ko naman masabi sa LIP ko kasi nagagalit sya gusto nya na ko pauwiin sa kanila. Di ko na alam gagawin ko eh. ka stress lang #advicepls

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Bumalik ka nlng sa LIP mo sis kesa mastress ka jan at mag ka'virus dahil sa kaburaraan ni ate girl na tinutukoy mo.. Tas i'explain mo sa mama mo kung bakit gusto mong umuwi nlng sa asawa mo kesa jan ipaintindi mo o kaya kung ako sayo gamitin mo na po yang kamalditahan mo kasi foul na tlaga yung mga gawain nilang ganyan lalo na ngayon na never pa tayong nagiging safe dahil sa covid at mas prone sayo dahil buntis ka.. Pag sabihan mo yung mga tao jan sa kung anong mali ang napapansin mo sa kanila dahil mas may karapatan ka jan kayo ng kapatid mo dahil bahay nyo yan at nakikitira lang sila.. Nakakastress talaga yung ganyan naku! Kausapin mo na agad mama mo, huwag masyado mabait at pakampante sa panahon ngayon mahirap pag kayo ang mahawaan ng covid sis kahit anong pag iingat nyo kung balahura nman yung kasama nyo sa bahay useless dn dba?

Magbasa pa

much better na bumalik k na muna sa bahay Ng Lip mo ,, Kasi Kung diyan ka mastress k Lang Lalo at bawal sayo Ang ma-stress. pwde mo Naman sabihin sa mother mo na need mo Ng peace , malinis na kapaligiran at maayos na kasama sa bahay. ure choice is in your hands,,, piliin mo mnalang Yun makakabuti sau at ky baby mo. covid pa Naman I feel u momsh.. ayaw ko din Yun amog sa bahay.. at Isa pa u have rights to tell them Kung ano saloobin mo Kasi bahay nio Yan..

Magbasa pa

much better balik kna s lip mo mamsh. preggy kpa nman dapat comfortable ka sa tinitirahan mo at sa mga ksama mo sa bahay. auko pa nman ng hindi malinis specially ngaun na my covid.high risk tau ehh taz my ksama kang hindi malinis sa katawan.very wrong un for me,tell to ur mom in a nice way na bbalik kna sa lip mo pwede nman xa bumicta sau ehhh.

Magbasa pa
VIP Member

ikaw mismo momsh nag stress sa sarili mo may Choice ka nmn e bkt dika dun sa lip mo wag mo muna isipin sarili mo keso magagalt mama mo pag umalis ka isipin mo muna kapakanan ng anak mo alam mo na stress ka bkt kpa nandyn , kakasabi mo lng turing sayo pamilya ng lip mo ay parang pamila kna dn so mas ok yng wala Stress diba.

Magbasa pa
4y ago

Trueee...

balik ka na lang sa LIP mo po . intindihin mo muna po yung kaligtasan nyo ni baby tas yang kalagayan mo po . lalo na kung wala kang matulugan na maayos . mae stress ka lang po . tsaka kung sinu sino po pala tao sa bahay nyo . mahirap na po baka magkahawaan .

VIP Member

Sis, kung saan ka mas komportable at may may peace of mind dun ka. Di makakabuti sayo at kay baby ang sobrang stress😰 ipaintindi mo nalang sa Mama mo na nahihirapan ka dyan. Maiintindihan naman siguro niya yun. Mas priority kapakanan niyo mag ina.

bumalik ka na lang sa lip mo, explain mo rin sa mom mo na mas magiging maayos ang kalagayan mo doon dahil mas komportable ka doon. pwede ka nmn nya puntahan sa bahay ng lip mo once in a while para alagaan ka pagkapanganak mo.

Bumalik ka nalang sis sa LIP mo. Mas maaalagaan ka niya dun at mas comfortable. Maiintindihan naman yan ng mama mo. Kausapin mo muna mama mo. Mas healthy yung environment dun sa bahay ng LIP mo. Pati ako nastress sa kwento mo 😅

4y ago

Mas makakabuti sis kung bumalik ka nalang sa LIP mo. Kausapin mo muna mama mo bukas tapos pag ok na pasundo ka nalang sa LIP mo. Pabisitahin mo nalang mama mo sainyo pag nanganak kana :) Wag kang papastress sis. Stay safe & healthy kayo ni baby :)

Pangit talga yung madaming pamilya sa iisang bahay. Umalis kana ng dika mastress diyan miii, Ngayon na nahihirapan ka dahil buntis ka palang, Mas mahihirapan ka pag nanganak ka na

Balik ka na lang momsh sa LIP mo. Yaan mo na muna kung may magalit pag umalis ka dyan. Mas kelangan mo na ngayon iconsider yung kapakanan nyo ng baby mo. 🙂