..........

Don't beg for someone to stay. Kada mag aaway kami ng lip ko kahit kasalanan nya ako nalang palagi nag so sorry,. Ako nagmama kaawa na bumalik sya sa bahay oh hindi kaya huwag syang umalis. May 1y/o kami at buntis ako ngayon, kabwanan ko na next month. Madalas kaming mag away lately, ewan ko ba simpleng bagay away, simpleng pagtatanong ko galit. He's a police officer naka aasign din naman sya malapit dito sa bahay. I know walang involve na other girl, walang password mga cellphone namin. Bahay trabaho lang naman sya. normal lang naman mag tanong tayo ng mga ginagawa nya diba? Kung sinong kasama nya kung asan na sya kapag mejo late na eh wala pa sya sa bahay. Sabe nya ang toxic ko na daw. Napaka selosa ko na daw. One time nag chat sya "ayaw ko na sayo" hindi ako nag reply hinintay ko sya umuwi then ask him kung anung problema, ayun nga toxic nq daw ako. Ayaw nya na daw uuwi na sya sa mama nya. Kapag nag aaway kami kahit napaka liit na bagay uuwi yan dun sa bahay ng mama nya mag susumbong na kesyo may lalaki daw ako, pinang lalalaki ko daw pera nya. Syempre ang kakampihan ng mama nya eh sya. Katulad kanina nag away kami may nag tx eh nag tatanong lang naman ako kung sino yun galit n galit sya nung tinawagan ko yung babae. Tapos ayun nga kinuha nnaman lahat ng gamit nya nilagay sa bag aalis nadaw sya, tinulak pako hinampas, pero ang ending i beg na huwag syang umalis ako pa nag sorry, ako umiyak ako nagmakaawa na huwag na syang umalis na huwag na kaming mag away. Kapag nauwi sya sa mama nya ilang araw sya dun tapos hindi sya magpaparamdam kahit isang tx chat or tx wala. Ako talaga hindi nakaka tulog ng magka away kami kapag hindi kami okay, may mga araw na pang gabi sya magka away kami aalis sya hindi ako nakakatulog sa gabi hanggang madaling chat ng chat sa kanya nag so sorry, nagmamakaawa na bukas ng umaga sakin padin sya umuwi. Pero kanina after i beg after ko g umiyak after after nyang humiga sa kama ulit tiningnan ko sya, tapos naisip ko, bakit ako nagmamakaawa? Bakit ko pinipilit yung tao na mag stay kahit gusto nya nang umalis . Bakit ako naiyak bakit ako nalang palagi? Nag ayos ako ng mga damit namin dalawang cabinet inayos ko habang nag iisip, after begging someone merong realization. I realize na bakit hindi ko nalang sya hayaan? Na realize ko din na after ko manganak ayoko na talaga, mag wo work nako ulit, magpapaka busy nakakapagod mag mahal ng sobra. Ilang months na kaming ganito. Napapagod nako mga mamsh. Any advice naman kung tama ba na makipag hiwlay nako after manganak ko mag stay kahit masakit na talaga🙃#advicepls

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang mahirap po kasi at ang pinaka kawawa po jan ay ung mga anak neo. Lalaki sila na broken family. Mgtatanong sila sa sarili nila kung bakit ung iba buo pamilya nila. Mahihiya sila malaman classmates/friends nila na hiwalay parents nila. Maiinggit sila pag mkakita ng buo at masayag pamilya. Kung mahal mo ang anak mo wag mo iparanas skanila yan. Kung kaya mo dumapa at halikan ang lupa para lng sa mga anak mo gagawin mo. Try mo muna intindihin ang asawa mo at tignan ung pinakaugat ng problema nya sayo. Wla naman 3rd party sabi mo kaya pwedeng nsa kanya or nsa sayo ung problema. Alisin mo muna ung mga sinasabi nila na kung mahal ka ng tao ay maiintindihan ka nya kung sino ka at try mo muna baguhin ung mga ayaw nya sayo. Lahat naman ng tao may kabutihan sa puso nila. KELANGAN MO GISINGIN UNG KABUTIHAN SA PUSO NG ASAWA MO. Isa yan sa responsibilidad mo na asawa nya at ina ng mga anak mo. Kung sakaling may 3rd party man wag ka susuko. Minahal ka ng asawa mo at hnd un mawawala sa puso nya. Ikaw na bahala kung pano pa madadagdagan pgmamahal nya sayo kasi mas alam mo ung mga gusto at ayaw nya. BASTA PARA SAKEN ANG PINAKAIMPORTANTE AY ANG KAPAKANAN NG MGA BATA.

Magbasa pa

You did your best and you did what is best for you at sa mga anak mo. Stop normalizing na mag stay ka sa toxic na tao, sa toxic relationships. Tama na yung ilang beses nyong binaba yung pride nyo para lang buo kayong pamilya. Kung gusto nya talaga na buo kayo, in the first place dapat hindi siya lumayas sainyo. Dapat nakipag usap at nag sorry sayo kaso hindi niya yon ginawa... why? Because you're begging at gustong gusto nila yon kasi feeling nila na hindi mo siya kayang iwanan, in the end, sakanya ka pa din babagsak. Tignan mo, ilang buwan siya naman ang nagmamakaawa sayo lalo na kung nakikita niyang kaya mo pala na mabuhay ng wala siya, kaya mong igapang mga anak mo. Yun naman ang weaknesses ng lalaking ganyan ang mindset.

Magbasa pa