Whenelou Manilay- Jasareno profile icon
PlatinumPlatinum

Whenelou Manilay- Jasareno, Philippines

Contributor

About Whenelou Manilay- Jasareno

Dreaming of having a baby

My Orders
Posts(21)
Replies(177)
Articles(0)

Heartbreak and then another 😔

Long post before uninstalling this app for awhile until I get better. After college nakapagwork ako sa isang non- bank financial institution as Assistant Manager, when i was about to get my promotion as Manager nagresign ako instead kasi ayaw ko matali sa work,nakakawala ng social life 😂 Yung boyfriend ko naman nagwork sa Laguna as Captain sa "okey ka ba dyan" gets? 😂 I got married last May 2019 and we found out that I was pregnant with our first child September the same year. My husband and I were super excited because we always wanted to have a complete family. We were classmate in college and waited 8 years before we got married. Unfortunate thing happened when I had a continuous bleeding January 3, 2020 i'm just on my 22nd week of pregnancy. When we arrived at the hospital,i found out that my cervix was 7-8 cm already and anytime i will gave birth. We were in shock, i knew then that we will lost her. That's totally heartbreaking. I cant do anything. I was just crying the whole time. I blame myself. 😔 My husband immediately resign to his work a week after that para maalagaan ako, alam nya na kailangan ko sya that time. We stayed in my parents house for about 2 weeks then bumalik din kami sa bahay namin. Dalawa lang kami sa bahay pero katabi lang naman ng sa in-laws ko. After 6 months another blessing came, sobrang saya namin. Nagpromise kami na we will make everything right. Halos lagi lang ako nasa bahay, lagi lang ako nakahiga nuod ng tv at nagse-cellphone. We also open a drop-off laundry shop pero dahil pandemic at hindi na din maasikaso ng husband ko nagclose din sya after 3 months. Okey naman lahat ganun pa din monthly ako nagpapacheck up sa ob ko, inom ng meds at anmum. Pasalamat ako kasi never ako nagbleeding unlike sa 1st pregnancy ko na 1st trimester palang lagi na ko nagbebleeding. Routine na namin ng husband ko na di man kami nakakapagsimba,hindi naman kami nakakalimot magpasalamat kay God kasi kahit parehas kami walang work di nya kami pinapabayaan. Everyday lagi namin pinagdarasal na sana laging healthy baby namin. Excited husband ko kasi finally boy na baby namin. Every night halos bago kami matulog nagpepray kami. 31 weeks and 3 days na ko January 26,2020, kagaya ng ibang araw nagigising ako tapos naiihi ako after nun higa na ulit ako.Kakahiga ko lang naramdaman ko na parang naihi ako so bumangon ako at nagpalit ng short at underwear. After few minutes nabasa ulit short ko kaya inopen ko tong app at binasa yung mga signs ng preterm labor. Ginising ko asawa ko at nagpunta na kami ng hospital. Pinadala ko sa kanya ilang damit ko at damit ni baby incase lang. Pagdating namin sa hospital 1-2cm na ko open cervix na at nagleleak na din daw panubigan ko so nagpaadmit na ko. Nirapid test muna kami at inischedule na din ako for Emergency CS ng ob ko kami mauubusan na daw ng tubig si baby sa tyan ko. 😔 Tumawag kami kagad sa parents namin, nalulungkot ako nun kasi wala naman ako alam na ginawa ko. Gusto ko na naman sisihin ang sarili ko pero mas pinili kong maging matapang nun para sa baby ko. Jan.26 12:50 pm pinanganak ko si Baby Gavin Grae. Buong operation ko gising ako hinintay ko umiyak si baby, kahit wala ako maramdaman nun masaya ako at dasal lang ako ng dasal the whole time na sana makayanan ng baby ko. Na-Bale wala lahat ng pain nun basta maging okey lang ang anak ko. Pinakita pa sya sakin ng nurse, nakiss ko pa sya sa forehead. Iba yung feeling. Ang saya saya ko. After nun diretso na si baby sa incubator. Nasa room na ko mayat maya ko tinatanong sa asawa ko kung kamusta na si baby kahit nagchichills pa ko. Okey naman sya nung una peronung mga 12 midnight na bumababa na oxygen nya. Since bawal sa hospital ang madaming bantay nasa labas lang nun ang parents ko, wala silang tulog naghihintay ng update. Around 10am nagrounds si doc at sinabi na di daw okey baby ko kasi nahihirapan sya huminga kasi nga premature pa. Jan 27, isang araw after ko ipanganak si baby iniwan na din nya kami. Di ko alam kung pano maging strong nun. Ni hindi ko manlang nakita yung baby ko nung buhay pa sya, hindi ko manlang sya naalagaan at nabuhat. Kinakausap ako ng asawa ko na baka kaya nangyari yon kasi may purpose si God. 😭 Nakiusap ako sa mga nurses na gusto ko makita baby ko, pinayagan nila ko kaya lang sandali lang daw. Sobrang sakit pa nun ng tahi ko pero wala na yun sa isip ko. First time ko nun makita baby ko. Kamukhang kamukha sya ng asawa ko. Binuhat ko sya pero wala na sya. 😭💔 Sobrang sakit para samin yung pagkawala ng 2nd baby ko, nakakahinayang. Pinipilit ko nun maging matatag pero diko alam kung pano. Yung kaisa isang hinihiling ko- yung lagi kong pinagdadasal ay wala na. 😭😭 Ang sakit sakit sakin pero bumulong ako sa kanya na. BABY KAHIT MASAKIT BINIBIGAY NA KITA KAY GOD. 💔😭 Nilibing din namin sya nung araw na yon. Awang awa din ako sa asawa ko kasi imagine twice na sya naglilibing ng anak. Masakit samin parehas at kahit pag naguusap kami alam naminna matagal pa siguro bago kami makakamove on, pero pinipilit na tanggapin para kay baby. Mag tatatlong linggo palang after nun at twing naaalala ko- sumisikip ang dibdib ko. Gusto ko lagi akong may kausap, pag medyo natutulala ako bigla nalang tumutulo luha ko. Please pray for my babies. We have 2 angels na in heaven. Halos mag te-10 year na kami ng asawa ko (8 year bf/gf at 2 years married) halos di kami nagaaway, sobrang bait nya pero yung pain sa pagkawala ng babies namin quotang-quota na ko sa pain. 💔📿♾️ In God's time, i know we'll get better. 😔♥️ Thank you kung may makakabasa man nito. Godbless mga mommies. ♥️ #theaasianparentph #theAsianParent

Read more
undefined profile icon
Write a reply