Please payuhan nyo ko kung anong dapat gawin 🥺

3 days na kaming di nag uusap ng asawa ko, nagsimula lang sa nagalit sya dahil nagkalat ng ihi sa bahay yung pusa at nadamay lang ako sa galit nya. Nung gabing yun naglaba sya inalok ko syang tulungan pero sabi nya matulog nalang ako at dahil pagod na din talaga ako nun galing kami sa buong araw na check up sa clinic, nakatulog agad ako. Dahil lang doon hindi nya na ako kinakausap hanggang ngayon. Simula nun iyak ako ng iyak. Ngayon december 31 birthday ng kapatid ko ang usapan namin pupunta kami sa bahay tapos mag uuwi nalang ng ilang pagkain nila para yun ang handa namin para di na kami magluto pareho kasi galing kami pareho ng trabaho panggabi (work at home kami). Ngayong araw walang nangyari, iniwan nya lang ako dito at umalis sya umuwi sakanila 😭 mag isa ako ditong sasalubong ng bagong taon. Tumawag mama ko tinatanong bakit di kami pumunta sabi ko lang nasiraan yung sasakyan kaya di makaalis hindi ko masabi na nag away kami. Nag alok mama ko kung gusto nya ipasundo kami sabi ko gabi na, pero parang gusto kong magpasundo kay mama bukas tapos dun nalang ako titira. Dadalhin ko mga gamit ko pati work station ko. Tamang desisyon ba yun? Sobra kasi akong nadedepress sa ginagawa nya sakin hindi ko akalain na matitiis pa rin nya ako ng ganito kahit na buntis ako sa anak nya, 5 1/2 months pregnant na ako. Iniwan nya lang ako na mag isa dito sa ganitong panahon. Mag fifirst wedding anniversary na rin sana kami sa January 18 pero kung lalayas ako dito baka maghiwalay na talaga kami. Gustong gusto ko na umalis ayaw ko na sobra nya na kong sinasaktan. Tama lang ba na umalis na ko dito bukas 😢

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

try to reach out momsh. di pwede na dahil nilayasan ka, lalayasan mo din siya. thats not how marriage works. if ung isa nagpapa hard to get, then suyuin mo po. ganyan din asawa ko minsan.. kapag bad trip kahit di ako ang dahilan, nadadamay ako pero I see to it na mag aayos kami bago dumating ang gabi. di ako matutulog na hindi kami okay. number 1 rule po yan.

Magbasa pa
5y ago

true, lalo kunv bukod naman na pala kayo, huwag ka din umalis kasi wala po lalo mangyayari if pareho kauo magmamatigasan, mag reach out ka saknya, try to ask him ano ba ang prob, ako china chat ko siya kahit magkatabi lang kami para iwas lang ang ingay, pero di naman ako nilalayasan, pero everan talaga na gagawin sakin yun di ako aalis, at bakit ? kasi kahig na ano pa ang puno't dulo ng away, dapat meron magpapakumbaba, magtiis tayo huwag lang sobra lagyan ng limitsyon if ayaw padin after mo mag reach out then dun kapo mag decide.

kapag dumating ka sa punto na uuwi ka sainyo, siguraduhin mong buo ang loob mo sis. kumbaga para sakin point of no return na yun. kung kaya nyo naman ayusin, gawan natin paraan. wag ka masyado magpa stress. mahirap kalabanin ang emosyon lalo na ngayon preggy tayo. pero isipin mo muna kung yan na talaga yung desisyon mo

Magbasa pa

First siguro try to communicate. Try to reach out. Para malaman nyo kung ano yung prob and para masolusyonan. Tapos kung hindi pa din sya mag effort atleast na magshare na sayo. Lumipat ka na muna sa mama mo. Kasi kailangan mo ng support system lalo na buntis ka. Sana maayos pa

Try to reach him out, Mam. Hindi rin kasi healthy sa relationship ang lack of communication. Pero wag ka munang magpapadala sa emosyon mo. I know mahirap, very sensitive pa naman tayo pag preggy. Pero mahirap din kasi magdesisyon out of emotion. Praying for you, momsh.

umalis kanalang muna pero kahit di ka nya pinapansin or kinakausap mag paalam ka parin para naman alam nya kung nasaan ka pero di ka pwedeng nag iisa kasi nakakadepress yun talaga masama pa naman din sa buntis kaya umuwe ka na muna sa mama mo para may kasama ka.

kausapin mo sya momsh . kamo nahihirapan ka sa sitwasyon na ganyan hindi kayo nagpapansinan e magkasama lang naman kayo. sabihin mo po lung ganyan lang din uwi ka muna sa inyo para dika din po mastress lalo na at buntis ka .

ganyan din lip ko nung mag buntis ako,pero lage pina lalahanan ng magulang nya naintindihin ako dahil buntis nag babago ang ugali,kaya tiis tiis sya,now for 2nd baby nya tinatawanan nya nalang mood swing ko.

uwi kana sa inyo ate. wag kana magpaalam dyan sa feeling importanteng lalake na yan . akala kung sino. buntis ka tapos iniiwan ka tapos na dedpress kapa. hays. uwi kana muna sa inyo ate.

Malay mo mamsh may pa surprise sayo si hubby, ganon Kasi hubby ko eh inaaway ako tapos may pa surprise pala, wag kang magpastressed mamsh think positive lang po. !

salbahe. kung mahal ka talaga nya di ka nya matitiis. umuwi ka na lang sa inyo. andun yung mga totoong nagmamahal sayo.