Masamang biyenan
Bakit ganun kahit may sarili nang pamilya ang asawa ko lagi pa rin nangingialam ang biyenan ko samin, we have 4 children seaman ang asawa ko at yung atm nya yung nanay nya ang may hawak kasal kami nyan ah, May sarili kaming bahay pero hindi ako nakakahawak ng budget namin pag bayaran ng tubig at kuryente kailangan ipakita ko sa biyenan ko yung resibo bago nya ako bigyan ng pang bayad at yung gatas diaper ng anak namin kapag ubos na kailangan ko pa mag paalam sa biyenan ko na wala na silang gatas at diaper. Wala akong katulong sa pag aalaga sa mga anak ko one time nagka sakit ako gusto ko sana bumili ng gamot "biogesic" kaso wala akong hawak na pera kahit bente, at kahit gabi na pumunta ako sa bahay ng biyenan ko bitbit ko yung apat kong anak kasi ayaw ko sila iwan sa bahay fyi kambal po yung bunso ko 1 year old sila pareho, pag katok ko sa bahay ng biyenan ko para humingi ng bente nagalit sya sakin at sinigawan ako na sinasayang ko daw ang pera ng anak nya umuwi nalang ako ng naluluha sobrang sikip ng dibdib ko. Hindi nawawala yung sakit ng ulo ko simula non kaya 3 days hindi ko na matiis dahil hindi nawawala ang sakit ko nagpa check up na ako nangutang ako sa nanay ko ng 300 at yung alkansya ng anak ko na tig pipiso kinuha ko rin 120 laman nun nung mag babayad na ako sabi nung doctor total daw na babayaran ko 500 hindi ko pa alam na dikasya yung dala ko kase diko pa nabilang sa bahay namin yung tig piso, nung nilabas ko yung tigpiso naawa sakin yung doctor at hindi nako pinag bayad. 2 days pa daw lalabas ang result ko kaya antay antay muna ako, at nung lumabas na nalaman sa test ko na hindi normal yung dugo ko kaya need ko mag gamot nung nalaman ko yun hindi ko alam kung iiyak ako or mag papakamatay nalang kase kahit bente wala akong hawak na pera pang bili ng gamot pagagalitan nanaman ako ng biyenan ko. sa loob ng isang linggo ang bilis bumagsak ng timbang ko from 55 to 49, lagi naman ako nag dadasal at may pananampalataya sa Diyos, wala naman akong kaaway at inaalagaan ko naman ng maayos mga anak ko pero bakit parang mas masahol pa sa asong palaboy ang buhay ko. birthday ko ngayon at sabi ng asawa ko kung natanggap ko daw ba yung cake at cellphone na pinabili nya sa nanay nya surprise daw nya sakin pero nung nag ask ako sa nanay nya sabi ng nanay nya sakin mag trabaho daw ako para makabili ako cellphone wag daw ako umasa sa anak nya, sobrang sama ng loob ko dinala ko mga anak ko sa bahay ng nanay ko at nag kulong muna ako dito sa bahay namin kase wala ako ngayon sa tamang pag iisip ayoko madamay ang anak ko sa emosyon ko.😢#sharing