MOTHER IN LAW NA TOXIC

any advice please? yung mother in law ko kasi nakakatoxic sobra. palagi kasi nya minamaliit asawa ko (anak nya). dati ilang weeks palang kami kasal. sinabihan agad kami na kawawa daw sya kung kami daw ng asawa ko ang makakasama nya. dun palang nahusgahan na nya agad kami. nung buntis ako, chill lang kami kasi di kami nagkakasama madalas ni mother in law dahil sa umaga tulog ako at sa gabi ang work ko. nung nanganak ako ayun na dun nako nagsimula madepress. pag may kaibigan ako na bumibisita samin, palagi nya hinaharap tapos imbes na kami mag usap ng bisita ko, sya ang nakikipag usap at minamaliit ang asawa ko. nagloko kasi asawa ko sa pag aaral nun nahilig sa dota 8 years sya nag college pero pinilit din naman nya makagraduate. nung nag aaral sya sa college nagrebelde sya kasi nag aaral sya pero pinagttrabaho sya sa palengke, gigising ng alas dos ng madaling araw para magbuhat at magtinda sa palengke tapos ala sais ng umaga uuwi, walang pahinga, derecho bahay, ligo lang tapos pasok na sa eskwela. ganun set up. pero sya lang ang ganun, yung kapatid nyang babae na matanda sa kanyavhindi pinagttrabaho. pag walang pasok sa school ang asawa ko, pinagtatrabaho sa palengke tapos ung kapatid nya sa bahay lang. in short, hindi pantay ang trato sa knila. so kapag may bisita ako un agad ikukuwento nya, na niloko sya ng anak nya, na hindi nag tino sa pag aaral tapos sabay build up sa kapatid ng asawa ko. sobrang sakit sakin na minamaliit asawa ko sa mga bisita ko. madami ako kaibigan na bumibisita at lahat un ganun ginagawa ni mother in law. always. kaya mula nun sinabi ko na hindi na ako magpapapunta ng bisita. palagi syang ganun sa asawa ko. minsan nawala yung payong nya, pinagbintangan asawa ko, sabi ko may bagong bili kami na payong yun ang gamit namin, sabi ni MIL, asawa ko gumamit nun, bulok utak nun eh. so hinanap ko ang payong sa buong bahay at mga kapitbahay, ang ending sya pala ang nakawala ng payong nya sa kapitbahay. pero wala sya narinig sakin. basta palaging ganun si MIL sa asawa ko pati na rin sakin. ngayong january, nagkaproblema ulit. may mga bisita si MIL na ibang kamag anak at nag tatantrums ang anak ko tapos pinagalitan nya. okay lang sakin pagalitan mas ok nga yun para maitama ang mali kaso sana lang hindi nya pinagalitan sa harap ng mga bisita. nagbalik lahat ng sama ng loob ko nung pinapahiya nya kami ng asawa ko sa mga bisita namin noon. kaya mula ng pagalitan nya anak ko di ko sya pinapansin, kahit magkadama kami sa bahay ganun hindi ko sya kinakausap. mas ok sakin kasi di sya nakakapagsalita ng masakit samin na kaharap ako kaso ambigat sa loob na may hidwaan kami ng mil ko. gang ngaun masama pa rin loob ko pero kanina nagsalita nako, inalok ko sya ng tinapay at ulam. sabi nya sa isang kasama namin, inalok ko nga raw pero HINDI MAN LANG AKO NAG SORRY AT HINDI KO MAAMIN ANG PAGKAKAMALI KO. parang gusto ko sabihin bakit ikaw di ka nag sosorry sa mga pagsasalita mo samin? ang toxic grabe, para kong mababaliw. diko lam kung magsosorry ako kahit ayaw ko para matapos nalang o magiging cold pa rin ako sa kanya para di nya kami mapagsalitaan ng masakit. kc pag naging okay kami, ayan na naman sya magsasalita na naman sya samin ng masasakit. at least pag ganito kami di nya kami mapagsasalitaan dahil hindi nga kami nag uusap. gusto ko ganito nalang kami, na kahit maging disappointment nalang kami sa kanya dahil ganun din naman, kahit anu gawin naming mag asawa ganun pa rin treatment nya samin. pero sya gusto nya mag sorry ako sa kanya. labag sa kalooban ko na mag sorry dahil ayoko maging plastik. hindi ko na kaya. mas gusto ko na ganito nalang na galit galit kami para may boundary. pero parang mali sa tingin ng iba dahil diba dapat pamilya kami, dapat okay kami, dapat walang away away kaso ganun nga sya samin. mas pabor sya sa isang anak nya, lahat ng negative samin nya binabato. diko na alam ang gagawin. sabi ng asawa ko diko kailangan mag sorry pero sabi ng tita nya magsorry nalang daw ako kahit kaplastikan pa. di ako makapag isip ng tama. i need help. please advice p.s capable magbigay si hubby ng pera sa mama nya pero di kami nag aabot financially kasi nga may pamilya na. yung kapatid nya na mas matanda sa kanya ang nagsusupport kay mil dahil sya lang naman ang binubuhay ng kapatid nya. isa rin to sa isyu ni mil samin.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Bakit di na lang po kayo bumukod ng bahay if magkasama kayo ni MIL sa iisang bubong.. para na rin po sa peace of mind niyo.. mahirap kasi ung laging may nakabantay sa bawat galaw niyo ar may nasasabi lagi sa inyo

.km.ofc