Saan kayo nagkakilala ng asawa mo?

2015 kame nagkakilala ng mister ko pero sa online dating app na Skout kame talaga nagkakilala nung October 2014. Natatakot lang ako makipagkita sa mga tao sa online dahil baka makidnap ako kaya umabot ng ilang bwan bago ako magdecide makipagmeet. Hehe! Ayun nung 2017, kinasal kame. And now 5months preggy with our twins. ?

87 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Introduced by a common friend. We were invited sa supposedly get-together ng group of friends nila, I was actually somehow invited gate crasher kasi hindi naman ako kasali sa friends nila but ang friend ko is yung home owner kung saan gaganapin sana yung pagkikita kita nila. Kaso, it was a set up pala para saming dalawa lang (like blind date na both of us don't have any idea). Hintay kami ng hintay ng iba pang friend na darating nun pala naset up na kami nung friend namin. Akala ko pa trip/type niya si common friend kasi kahit pinagtutulakan na ko sa kanya, iwas siya ng iwas kahit sa upuan. Ayaw niya na magkakatabi kami. Lilipat at lilipat siya to give some space. Tapos tanong siya ng tanong anong oras ako uuwi. Akala ko pinapauwi na ko para masolo niya si common friend. Napaaga uwi ko 8pm sa halip na plan ko makitulog sana nun kasi wala ako pasok kinabukasan (holy friday) Nun pala balak niya ko sabayan pauwi. And interested na siya sakin the moment he saw me. Ako wala talaga ko interes. Malaki kasi age gap almost 10 years plus hindi ko siya ideal guy na matangkad, moreno, etc. Mas matangkad pa ko sa kanya saka binilang ko buhok niya, konting konti na lang hahaha. (eksaherada yun, makapal pa buhok niya, medyo mataas lang hair line) So from there we started seeing each other with our common friend as group date kuno. Akala ko third wheeling ako, nun pala ako ang target. Hanggang sa kalaunan kami na lang ang lumalabas lagi pag rest day ko. Pag maaga siya mag out sa opis, dinadalaw ako sa work ko. Hanggang nakasanayan na namin exclusively dating with no other label kasi hindi naman ako maanghuhula. Wala naman sinasabi na nanliligaw siya kahit nageeffort ng punta at libre sakin. Kahit kung anu-ano ang binibigay. Hanggang sa sinagot na niya ko. Hahahha buset!!! Laugh trip ito. Bigla niya ko kiniss. (first kiss ko yun mga mamsh) Nagulat ako. Manang ako. Conservative sa mga ganun kahit nasa tamang edad na ko na 25. After that kiss, sinabi niya tandaan ko yung date na yun. Yun na pala anniversary namin.

Magbasa pa

sa work..papansin sya sakin ayaw ko sa kanya noon kasi nayayabangan ako..tas one time umakyat sya sa 3rd floor kung saan andon ako niyaya nya ako kain daw kami.. tas sabi ko may pambili ako pagkain kahit hindi na ๐Ÿ˜ tas tinatanong nya kung manligaw daw sya may pag asa daw kaya sabi ko wala ..hahahah one time inakbayan nya ako don ako naiinis kasi gustong gusto ko daw sabi nung nakarating na chismis saakin.. ayun nung uwian sabi ko umayos ka baka samain ka ! hahahaha pag uwi ko may chat na agad bumungad sakin galing sa kanya.. nag sorry at mabait nman daw tlga sya eh masaya ako that time kasi bago cp ko binili ko..kaya nireplyan ko sya ok lang un wag mo na lang ulitin sa ssunod..ayun nagchachat na sya tas lagi na papansin sa work. kinagabihan ng pasko pwede daw ba sya magdala chocolate bbgay sakin eh nasa mood nman ako kasi nag iinom kami mga friend ko..sabi ko ok lang after christmas may pasok sa work ayun may dala na pla sya chocolate nagkanchawan mga ka work namin kaya nahiya ako..tas uwian na inaabangan pla ako sa labas hatid nya daw ako, sabi ko mag ta tricycle ako sabi nya edi tricycle na tyo..sabi ko nagmamadali ako grabe! d tlga ako tinantanan kaya pumayag na ko .. pero sa totoo lang medyo may kilig nman gang nagugustuhan ko na sya ..before new year inaya nya ko sa trinoma date daw..eh wala ko magawa sabi ko sige ok lang ayun mas lalo ko pa sya nakilala, mbait nman pla tlga! hehe.. halos kulang kulang 2 months nanligaw kaya ayun ayaw ko na sya mapunta sa iba eh sinagot ko na sya and now were 2 years and 6 months na.. preggy na ko and ikakasal na kmi๐Ÿ˜๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜‡ salamat sa pagbabasa

Magbasa pa

Sa Store, isa akong sales rep sa Executive Optical Store sa Mega Mall branch. One of my old Px na Chinese bumalik sa store with his two friends, Hindi ko siya pinansin but nung napatingin ako sa kanya he smiled at me and says "Hi" so smiled back kahit na pilit kasi nahihiya ako. By that time kasi I was assisting a patient so focus ko sa ginagawa ko, maya maya lumipat sakin yung ksama niya, yun ang hubby ko ngayon asking for a contact number, Google translate lang kmi nag-uusap kasi Hindi siya makaintindi ng English, kala ko contact number ng store so nakisuyo ako dun sa nag-assist sa kanila na ibigay contact number ng store. Natawa si guy and then lumapit ulit sakin sabay pakita nung nakasulat sa google translate na "your number" haha! Binigay ko naman, shut down phone ko kaya Hindi niya naring. Hindi umalis sa harap ko. While scrolling his phone nakita ko yung FB App. Sabi ko Facebook, binigay niya sakin at tinype ko name ko and nagfriend request. ๐Ÿ˜. Pag alis nila sabay tilian yung work mate ko. Kakabreak ko lang nung nakaraang gabi na yun but then someone heals me in an instant. Ang bait niya. Hindi pala lahat ng Chinese balahura. Napakaresponsable.

Magbasa pa
Post reply image
VIP Member

Kami po nagkakilala nung nagmerge po yung grupo ko po sa sayaw at yung grupo po niya. At first po, hindi po talaga kami close non at hindi ganung nagpapansinan. Pero naging concern po ako sa kanya kasi nakikita ko po siyang nasasaktan sa matagal na pong niyang ex na kagrupo pa niya at sa coach po namin (nagkaroon po kasi ng something). Ako po hindi ko naman po intensyon about something romantic, talagang chinicheer-up ko lang po siya kasama ng isa pa po naming kagrupo. Tapos po nagkaroon ng times na sumasakit po ngipin niya, patago po akong bumibili ng gamot tas pinapaabot ko sa kanya. Hanggang sa ayun po diko po alam na nafafall na po siya sakin kasi iba raw po ako mag-alaga. Nung time na rin pong yon, may rules sa grupo namin na bawal ang magkaroon ng relasyon sa grupo namin. Pero pinaglaban niya po yon kasi hindi naman daw po mapipigilan ang feelings tsaka sinigurado naman po niya na di makakaapekto sa sayaw po namin yung magiging relasyon namin. Kaya ayon po, naging official na po kami. โ˜บ๐Ÿ’ž

Magbasa pa

kami ni Lip nag chat ako sakanya sa messenger di ko alam kung bat ko sya minessage siguro out of boredamn at the same time ka skulm8 ko sya my bf ako nung nakilala ko sya ... naging mas malapit kami dahil madalas kmi mag kita sa school hanggang sa nagdecide ako tigilan yung closeness namin and hindi talaga mapigilan yung bugso ng damdamin eh mas pinili ko sya kesa dun sa bf ko.oo nakipaghiwalay ako sa bf ko non 3yrs narin mahigit..... typically na on and off kami sa relasyon namin ni lip my mga ilang bwan talaga kmi na hiwalay non..and na win back nya ako ๐Ÿ˜… literal na marupok si ate mo girl..... pero dumating din tlga yung time na nag decide n kmi mag sama kasi parehas naman kming my tinapos at may work so ngayon im on my way to 6mos by june na bigyan ng Blessings at masaya kami na nag sasama ngayon.... ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š 2015 till present year kami parin ni LOVE KO๐Ÿ’ž

Magbasa pa

Sa tagged, online din. Actually first time ko makipag meet sa online. Heart broken lang ako nun kaya pumayag ako makipag meet, mga 1 month din kami nag uusap pero hindi consistent, iba name nya sa online and wala cyang picture. So lakas lang talaga ng loob ko makipag kita sknya, then he asked me pag nagkita na daw kami, kami na daw agad. So akala kp. Joke time lang. Oo lang ako.. Kasi hindi naman talaga ako interesado at pwede ko naman hindi na sagutin at mag reason out dahil hindi naman nya alam kung saan ako nakatira. Then the day has come. Nagkita kami, ayun love at first sight kami pareho, even though nakita naman nya ako sa picture. Then after a year inalok ako ng kasal, pinag pray daw nya ako kay GOD. Kaya ayun. Ngayon 4 yrs na kaming kasal and may 2 kids na din kami. :)

Magbasa pa

Sa school moms pareho kami pinapasukan na school pero hindi kami mag kaklase yun kaibigan niya kasi tapos yun kaibigan ko mag bf gf dun kami nag kakilala sa una wala wala lang tapos yun nag tanung na pwede ba manliligaw sa una ayaw ko dahil ayaw ko pa mag paligaw pero dahil siya ay makulit at mag hihintay yun katagalan hindi ko alam na huhulog na pala ako yun since 2015 kami nag kakilala pero noon naging kami 2016 hanngang ngayon at mag papakasal nadin this coming oct. ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜ Na una si baby pero laking blessing namn at lalo pa siya naging sweet at caring

Magbasa pa

Dating app din po kami, takot din po ako pero sa crowded naman sya nakipagkita Antipolo Simbahan pa, sa "Meet me dating app" kami nagkakilala, friends lang dapat kaso gentleman mas maayos pang lalaki, kesa sa high school sweetheart kong tumagal ng 6 years pero 6 years din ako niloloko sa mga pambababae nya ๐Ÿ˜• pareho kami nakagraduate naman ng college at may work, di kasi kami pareho pala labas kaya good thing din sa social media kami nagkakilala kasi di kami magtatagpo sa personal ๐Ÿ˜‚ ngayon magkakababy liit na kami ๐Ÿ˜

Magbasa pa

Sa Dela salle univ 2010 We both working there, minsan nagkakasabay kmi mag log out. At nadadaanan ko ung dept nila. Mdyo namumukhaan ko sya kaso ibang iba na ang htsura. Way back then kc balbas sarado sya at mahaba buhok. Nung time na un ang clean na ni kuya. He approached me thru social media to confirm na ako ung nakita nya. BTW isang province at isang school lang kmi galing kaya familiar kmi sa isat isa at pinsan din sya ng first BF ko. Dun na nagstart ang aming love storey ๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜

Magbasa pa

Kami sa isang inuman sa malate, actually uminom lang kami nun ng friend ko kasi gusto niya magunwind ako dahil heart broken ako that time...and un sya naman chill chill lang tas un nakisindi ung friend ko sa lighter niya tas un kwentuhan na...haha dinaan ako sa pagkagalante sa pagkain... pero infairness to him khit hindi sya sweet at perfect super pasensyoso niya sakin and now 3 months preggy na ako ... at love na love ko sya... :)

Magbasa pa