Saan kayo nagkakilala ng asawa mo?

2015 kame nagkakilala ng mister ko pero sa online dating app na Skout kame talaga nagkakilala nung October 2014. Natatakot lang ako makipagkita sa mga tao sa online dahil baka makidnap ako kaya umabot ng ilang bwan bago ako magdecide makipagmeet. Hehe! Ayun nung 2017, kinasal kame. And now 5months preggy with our twins. ?

87 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa Store, isa akong sales rep sa Executive Optical Store sa Mega Mall branch. One of my old Px na Chinese bumalik sa store with his two friends, Hindi ko siya pinansin but nung napatingin ako sa kanya he smiled at me and says "Hi" so smiled back kahit na pilit kasi nahihiya ako. By that time kasi I was assisting a patient so focus ko sa ginagawa ko, maya maya lumipat sakin yung ksama niya, yun ang hubby ko ngayon asking for a contact number, Google translate lang kmi nag-uusap kasi Hindi siya makaintindi ng English, kala ko contact number ng store so nakisuyo ako dun sa nag-assist sa kanila na ibigay contact number ng store. Natawa si guy and then lumapit ulit sakin sabay pakita nung nakasulat sa google translate na "your number" haha! Binigay ko naman, shut down phone ko kaya Hindi niya naring. Hindi umalis sa harap ko. While scrolling his phone nakita ko yung FB App. Sabi ko Facebook, binigay niya sakin at tinype ko name ko and nagfriend request. 😁. Pag alis nila sabay tilian yung work mate ko. Kakabreak ko lang nung nakaraang gabi na yun but then someone heals me in an instant. Ang bait niya. Hindi pala lahat ng Chinese balahura. Napakaresponsable.

Magbasa pa
Post reply image