Saan kayo nagkakilala ng asawa mo?

2015 kame nagkakilala ng mister ko pero sa online dating app na Skout kame talaga nagkakilala nung October 2014. Natatakot lang ako makipagkita sa mga tao sa online dahil baka makidnap ako kaya umabot ng ilang bwan bago ako magdecide makipagmeet. Hehe! Ayun nung 2017, kinasal kame. And now 5months preggy with our twins. ?

87 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kami po nagkakilala nung nagmerge po yung grupo ko po sa sayaw at yung grupo po niya. At first po, hindi po talaga kami close non at hindi ganung nagpapansinan. Pero naging concern po ako sa kanya kasi nakikita ko po siyang nasasaktan sa matagal na pong niyang ex na kagrupo pa niya at sa coach po namin (nagkaroon po kasi ng something). Ako po hindi ko naman po intensyon about something romantic, talagang chinicheer-up ko lang po siya kasama ng isa pa po naming kagrupo. Tapos po nagkaroon ng times na sumasakit po ngipin niya, patago po akong bumibili ng gamot tas pinapaabot ko sa kanya. Hanggang sa ayun po diko po alam na nafafall na po siya sakin kasi iba raw po ako mag-alaga. Nung time na rin pong yon, may rules sa grupo namin na bawal ang magkaroon ng relasyon sa grupo namin. Pero pinaglaban niya po yon kasi hindi naman daw po mapipigilan ang feelings tsaka sinigurado naman po niya na di makakaapekto sa sayaw po namin yung magiging relasyon namin. Kaya ayon po, naging official na po kami. β˜ΊπŸ’ž

Magbasa pa