Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
1st Cherub
Tumutunog na tiyan
Hi mommies. I just wanna share something and need your comments. Kanina lang kasi nagising ako mga 12 midnight para maihi, pag ihi ko may narinig akong tunog na yung parang gutom or nangungutot. Akala ko yung tiyan ko pero di naman kasi di ako nagugutom eh. Tapos akala ko naman may naapakan akong butiki. Tapos after many seconds I found out na yung tunog pala galing sa right part ng tiyan ko. I'm worried kasi mga 2 minutes yun continuous na tunog. Very weird. Hindi sakin galing yung tunog eh, I mean di galing sa tiyan ko. Possible po ba kay baby yun? Nautot sya or nagutom? After a while kasi mga 7-8 minutes saka na'ko nakaramdam ng gutom tas nauutot. Pero andyan parin yung tunog, paunti unti nalang tas malayo na yung interval. Gumalaw naman si baby ko, saglit lang din but I'm still worried. Sino po nakaexperience ng ganito? Inask ko din kasi si mama ko ginising ko di niya rin alam ano yun. Hoho.
Babys' Position in Womb
Good morning mga mommies! Wanna ask some questions lang, sana may makasagot. 36 weeks and 3 days ko na kasi ngayon sa pagbubuntis ko. Nakapagpa ultrasound ako 3 times na and as per my OB, nakaposition daw si baby, head-down. Last ultrasound ko is last month. Balak ko pa sana magpa ultrasound yung makikita talaga si baby, yung buo. Kaso katakot na lumabas at pumunta sa city bcoz of pandemic para magpa check. Malapit na ako manganak pero di ako sure kung head-down parin si baby. Possible po ba head-down parin siya? Kasi for 3 times na nagpa ultrasound ako same position lang. Or possible din po ba kaya na umikot si baby? 1st time mom kasi ako. Thank you in advance sa mga sasagot.
UTI during pregnancy
Hello po mommies! Sino po nakaexperience dito na nagkaron ng UTI or mataas yung pus cells during pregnancy? Mataas kasi pus cells ko. Nakatatlong batch ng inuman ng antibiotic na ako pero TNTC (too numerous to count) parin. 8 months na tummy ko. Takot ako na baka di talaga siya mawala. 🙁😭 takot na rin ako uminom ng antibiotic kasi andami ko ng nainom. 😞 may mga alam po ba kayo na herbal medicine for UTI? Yung effective po. I really need your advice and sagot po. Hoho.
Hello. Wanna ask some questions lang po. Sino po naka experience dito na may UTI during pregnancy? Tapos pina treat sa OB kaso malapit nalang manganak di pa nawala or nanganak nalang di pa nawala? Kasi malapit na'ko mag 8 months preggy kaso malala parin yung UTI ko. Pus cells are TNTC parin until now. Naka dalawang batch ng inuman ng antibiotic na'ko pero di parin nawawala. What are the risks po ba pag di talaga nawala? Sa mga nakaexperience, healthy parin po ba lumabas baby niyo? I really need your advices and answers po coz I'm wary na masyado. Thank you.
UTI
Good day! Hingi lang po sana ako ng advice. Sino po mga nakaexperience dito na may UTI during pregnancy? I need your advice. Hoho. May UTI na kasi ako nung 1st month palang ng pagbubuntis ko. Baka nga nung di pa ko nabuntis, may UTI na. Saka ko lang nalaman nung nagpa check up nako sa OB to confirm na buntis talaga ako. Niresetahan ako ng antibiotic. Pero ayaw ng mama ko na inumin yun kasi baka raw makaapekto sa bata yung gamot. Natakot din ako kaya hinayaan ko nalang yung UTI ko. Binawi ko nalang sa pag inom ng tubig. Then nung 6th month ko na, lumala yung UTI ko. Nasa 15-20 PUS cells na. Di ko agad na treat. Until after 2 weeks nagpa lab ako ulit kasi kailangan ni Doc ng latest na result. Then ayun TNTC na ang PUS cells ko at may parang cyst pa sa vaginal opening ko or cyst talaga 😭😭😭 Mas natatakot ako ngayon. Don't know what to choose between treat my UTI but have a risk of having autism ni baby, nabasa ko sa article dito sa app, or saka ko na o treat after panganak pero makaapekto parin kay baby. Please help me po paano makadecide. Wary na ako masyado.
Kick ni baby
Hello. May tanong lang po sana. I'm on my 18th week now sa pregnancy ko, then as per this app, nung 16th week probably first kick ni baby then last week I could feel her/his kick na raw. Then by this week, mas lalakas pa yung kick ni baby to the point na talagang mafe feel ko na raw to. Pero bakit diko ma feel? May mga nararamdaman lang akong sakit sa tagiliran ko minsan but its not my babys' kick. Is it okay lang po ba? When po ba talaga possible ma fe feel yung kick ni baby? I'm a first time mom. And I don't know bakit ganito. I'm worried baka napano na baby ko kasi di ko siya nararamdaman. Pero lumalaki naman siya. I'm worried lalo na di pa ko makapagpunta ng Hospital bcoz of lockdown. Please I need your answers and advice. Thank you so much.
Pregnancy
Hello po. I need your thoughts and advices. I'm really worried kasi earlier may nakita akong dugo sa pp ko na buo, or sticky or any terms you can call it basta di siya liquid type, while naghuhugas po. Kunti lang naman po, just pinch, but I'm still worried. I really want to consult sa ob-gyne Doctor ko pero lockdown pa. Baka may mga ob-gyne dito or any moms na naka experience nito. What would you advice po? After kasi sumakit pp ko. Sabi pa ng mama ko dahil daw to sa mga kinakain. But I want others' opinions and thoughts din. This is my first time na magbuntis din kasi. Ayokong mawala baby ko. Hoho. Please answer my concern. Thank you talaga in advance.
Vitamins
Hello! I just wanna ask lang po kung ano po ba yung recommended na mga vitamins? Naubos na kasi vitamins ko nung March pa and di na nakabili bcoz of lockdown. Di ko alam ano dapat bilhin. Maxifol folic acid nireseta sakin ng ob ko. Kaso wala nun dito sa amin. Okay lang ba bumili ng other brand of folic acid vitamins? Ano po ba ma ri recommend niyong vitamins? Kasi I'm worried po walang iniinom na vitamins for us ni baby. Malapit na po matapos 1st trimester ko.
Is it safe to eat pineapple?
Good morning. I wanna ask if bawal po ba talaga kumain ng pinya? Or uminom ng pineapple juice. Kasi nainom ako kahapon then now ko lang nakita sa google that as per myth na wag mag consume ng pinya coz it may lead to miscarriage or bleeding and early labour. Is it true po ba?
Pananakit ng tiyan or puson
Sa first trimester ko, naging busy ako para mag resign from work. Busy sa byahe. Tapos medyo malayo yung city sa amin kaya panay ang byahe. Minsan nakamotor lang or tricycle. After and during byahe nafe-feel ko minsan sumasakit yung tiyan and puson ko. Makakaapekto po ba yun sa baby ko?