Contributor

sad mommy, Philippines

IT Programmer || Automation || Systems Analysis and Design

About sad mommy

Posts(75)Replies(4777)Photos(0)

Pang iinsulto

UPDATE: 11/16/2020 9:15PM Wala po akong ginawa sa kanila. Kaya nga nagtataka ako bakit nila ako ginaganito. In fact as early as 7 years old nag attempt na ako mag suicide nang dahil sa kanila. What could have I done at 7 years old? Laging ako ang topic nila ng tatay at kuya ko pag sila sila lang magkausap. Pag galit sila sakin damay mag ama ko. Kesyo lalaking maldita raw ang anak ko at masama ang ugali dahil sakin. Ano bang nagawa ko? Hindi ako naging madamot sa kanila nang tulad ng sinasabi nya. Sa katunayan nung kabataan ko pag nagbabakasyon ako sa tita ko iniipon ko ung weekly allowance na binibigay sakin ng tita ko tapos every Friday pupunta kami sa Mercury ng pinsan ko para mamili ng ipapauwi ko sa nanay ko pagdalaw nya sakin ng kina Saturday. Walang natitira sakin ni piso sa 100 pesos na binibigay ng tita ko. Lahat binibili ko ng ipapauwi para sa kanila. Nung stable na ako sa work ko lahat halos ng gusto nila binibigay ko. Gusto nya ng 2 door na ref? Sige. Gusto nya ng twin tub n washing machine? Sige. Gusto nya ng bags? Sige halos monthly pa nga bago ako nagbuntis binibilihan ko sya ng bags sa SM. Gusto nya ng bagong mga damit? Sige lang kahit supposedly ako ung bibili kasi buntis ako at wala nang kasya sakin. Gusto nila kumain sa ganito? Sige lang. Gusto nila ng bagong phone? Go. Groceries? Push. Load? Magkano ba? You see, hindi ako naging madamot sa kanila. Lahat-lahat kung kaya ko ibibigay ko kahit magkabaon baon ako sa utang sige lang. Ngayon ung paglipat namin ng baby ko, in reality hati kami ng asawa ko dito. Sya sa pagawa ng bakod at gate, ang toka ko ay lahat ng gamit sa loob ng bahay. Hindi yan alam ng family ko. Ang alam nila asawa ko gumastos lahat. Bakit? Kasi sinusumbatan ako ng nanay ko na kesyo pagdating sa asawa ko lumalabas daw ang pera ko. Bakit hindi ko naman sila pinagdamutan ah? Naoperahan sya naglabas ako ng 40k plus 12k. Pina second floor ung bahay nila nagbigay din ako kaso 30k lang kasi wala akong work nun. Binayaran ung balance ng bahay na un, hati kami ng kapatid ko. Ang problema lagi nyang kinukumpara ung kapatid ko sakin kesyo lagi raw syang binibigyan ng pera. May baby na ako mahirap ba intindihin? Ang gusto kasi nya asawa ko lang gagastos ng lahat-lahat sa anak namin. Bakit e may trabaho naman ako at anak ko rin to? Ngayon may sakit ung anak ko. Bumili sila ng palabok kahapon ng umaga, iniwan sa lamesa maghapon tapos pinakain nila ung baby ko past 5pm. Andami pang kinain. Nilalagnat ung bata at nagda diarrhea. Sabi ng pedia bawal daw sa baby ung palabok. Never ko pinakain ng palabok ang baby ko dahil iniisip ko baka hindi pa pwede. Tapos nung isang araw wala ako nasa grocery ako naaksidente naman ung baby ko, sumubsob daw sa floor tumama raw gilid ng noo at pisngi. Pag kaming mag-ina lang wala namang nangyayari sa kanyang kung anu-ano. Jusko talaga. Gustung-gusto ko nang humiyaw sa nararamdaman ko Original Post: I was diagnosed with Bipolar Disorder and Chronic Depression in late 2013. Ang naging reason ng pag papacheck ko sa psychiatrist noon e dahil I was super suicidal. Hindi lang sya basta suicidal, ilang beses ko na syang ginawa. At ang dahilan? Sariling pamilya ko mismo. Ang pangit ng trato nila sakin. Halos araw-araw na ginawa ng Diyos kinukutya ako ng nanay ko. Kesyo masama raw ugali ko, at ang latest, BUBWIT LANG DAW AKO. Tiniis ko un hanggang 29th ko. And dahil hindi ko na talaga kaya, nag decide kami ng asawa ko na mag move out na kami. He's working abroad so kami lang ni baby nag move out. We've had this house for 5 years pero super busy sa work wala kaming time para asikasuhin. My baby and I moved out last month. Okay naman mahirap lang kasi naka wfh ako then ako rin gumagawa ng lahat-lahat sa bahay since wala naman kaming kasambahay and I have no plans of hiring one. May times pumupunta ang family ko dito samin kasi dinadalaw nila ang baby ko. Currently nandito sila nagsstay samin ng baby ko kasi binaha sila dun sa kabilang bahay due to nakalipas na bagyo. Bahain talaga dun. So syempre kahit super toxic sila, tinanggap ko sila syempre pamilya pa rin di ba? Malaki naman tong bahay so go. Pero I am starting to regret the decision I made. Nung kami lang ng baby ko ang nandito tahimik kami. Walang stress, walang toxic, walang bunganga nang bunganga, walang nagsisigawan, maayos ang bahay na parang walang 1 year old na nakatira. Everything is in place. Malinis. Walang langgam. Nung nandito na sila and it happens all the time, ang gulu-gulo ng bahay, ang dumi, sandali pa lang sila sa kusina may langgam invasion na agad, binabago nila ung mga ayos ko sa bahay, sila ang nasusunod halimbawa gusto ko nang itapon ung mga kahon ng kung anu-ano dahil ayaw ko nang makalat sila nagagalit pag gusto ko magtapon, dikta sila nang dikta ng gagawin, nakikipag away pa sa trabahador na gumagawa dito sa bahay, awayan sila nang awayan, basta lahat ng rules ko ayaw nila sundin gusto nila kung anong gusto nila un ang susundin ko. At ang pinaka malupit, iniinsulto ako sa loob ng sarili kong pamamahay. Tinawag akong bubwit. Bubwit lang daw ako. Bubwit lang din daw ang utak ko. At dapat daw kahit pagmumurahin daw nya ako dapat daw hindi ako papalag kasi magulang daw sya. E di wow di ba? Respect begets respect no matter who you are. Ni hindi ako makakilos nang gusto ko kasi lahat pinupuna at pinapakeelaman nila. Ni hindi magawang magsalita ng asawa ko nang malakas pag naka videocall sila ng anak namin lagi lang syang naka mute. Pucha parang ako ung nakikitira. I am seriously starting to feel like super hopeless again. Tipong sana mawala na lang ako e pucha matapos na ung panggagago sakin ng sarili kong pamilya

Read more
Write a reply