UTI

Good day! Hingi lang po sana ako ng advice. Sino po mga nakaexperience dito na may UTI during pregnancy? I need your advice. Hoho. May UTI na kasi ako nung 1st month palang ng pagbubuntis ko. Baka nga nung di pa ko nabuntis, may UTI na. Saka ko lang nalaman nung nagpa check up nako sa OB to confirm na buntis talaga ako. Niresetahan ako ng antibiotic. Pero ayaw ng mama ko na inumin yun kasi baka raw makaapekto sa bata yung gamot. Natakot din ako kaya hinayaan ko nalang yung UTI ko. Binawi ko nalang sa pag inom ng tubig. Then nung 6th month ko na, lumala yung UTI ko. Nasa 15-20 PUS cells na. Di ko agad na treat. Until after 2 weeks nagpa lab ako ulit kasi kailangan ni Doc ng latest na result. Then ayun TNTC na ang PUS cells ko at may parang cyst pa sa vaginal opening ko or cyst talaga 😭😭😭 Mas natatakot ako ngayon. Don't know what to choose between treat my UTI but have a risk of having autism ni baby, nabasa ko sa article dito sa app, or saka ko na o treat after panganak pero makaapekto parin kay baby. Please help me po paano makadecide. Wary na ako masyado.

40 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Skl baka makatulong po sayo. 6 months preggy din ako atm. Since 2 months, may UTI ako. Nagtake lang ako ng 2 tablets ng antibiotic na prescribed ni doc then buko juice minsan, pero mahina akong uminom ng tubig (naging maselan kase ung lihi stage ko kaya kahit tubig hirap ako). Nung nag4months saka palang ako nakabalik ng center for 2nd prenatal, at dun mas tumaas ang UTI ko 25-50 pus cells. They gave me another batch of antibiotics (same as last time) and strictly advised me na damihan ang tubig dahil kulang daw ako sa tubig. After a week, ganun pa din ang result ng lab ko, no effect si antibiotics. So they gave me different kind of antibiotic na mas effective ayon sa kanila. Malaki naman ang ibinaba kaya the next week binigyan na lang ako ng amoxicillin. Pero ng magpalaboratory ako after ng 1 week na pag intake ng amox, malaki ang itinaas, from 5-10 naging 15-20. Maintain na ko ng tubig ng mga panahon na un kaya sobrang lungkot ko. Dahil dun lalo akong nawalan ng gana sa paginum ng antibiotics dahil feeling ko, hindi na siya effective sa akin, at kung sakali man kakong maging effective at natreat si UTI ko, once na itigil ko na ang pag-inom sigurado balik na naman ang UTI ko. Ang ginawa ko, nagswitch na ko sa herbal (my MIL inspired me). Nakasanayan ko na ding uminom ng maraming tubig kaya hindi na ako kulang sa tubig. Thanks God, nakita ko ang epekto ng herbal na ininom ko for just 6 days, almost normal na si pus cells ko. Until now, continues ako sa paginom, 3 weeks na. By next week magpapalab ulit ako to check if normal na. Pero confident ako dahil in just 6 days, no synthetic antibiotics, only herbal and water therapy, then boom anlaki ng ibinaba. If i were you sis, switch ka na sa herbal. Safe na safe kay baby. 100% natural.

Magbasa pa
4y ago

Ano po bang herbal medicine nainom mo? Effective ba? Nawala ba uti mo nung nagpalaboratory ka na ulit?

VIP Member

SHARING SOME FACTS AGAIN! ESPECIALLY FOR PREGNANT NA MAY UTI Common question about sa "ANTIBIOTICS" ay kung safe ba ito at walang magiging epekto sa fetus. May mga antibiotics na safe para sa mga buntis. As long as ni-reseta sayo ng Doctor, SAFE po yun. Sundin nyo lang yung instructions kung paano nyo iinumin at sabayan ng disiplina sa sarili. Make sure na iinumin nyo yung gamot sa tamang oras at kung ilang araw dapat inumin. Alam nyo ba na mas delikado ang UTI pag lumala kesa sa kinakatakutan nyo na side effects ng ANTIBIOTICS? Eto ang ilan sa mga komplikasyon na maaring mangyare sa inyo ni baby. Without treatment, UTIs can cause serious complications during pregnancy. Complications may include: - kidney infection - premature birth - sepsis A baby born to a woman with an untreated UTI may also have a low birth weight at delivery. If a UTI spreads to the kidneys, this can cause further complications, such as: - anemia - high blood pressure, or hypertension - preeclampsia - breakdown of red blood cells, or hemolysis - low blood platelet count, or thrombocytopenia - bacteria in the bloodstream, or bacteremia - acute respiratory distress syndrome In some cases, an infection may pass on to the newborn baby, causing a rare but severe complication. Attending screenings for UTIs during pregnancy and getting prompt treatment when one occurs can help prevent these complications.

Magbasa pa

nagka.uti din po ako sa 1st pregnancy ko..3mons.po nun tyan ko, niresetahan din ako ng antibiotics un po iniinum ko and more water and buko juice nagpa.2nd test ulit ako bumaba na sya pero di ganon kababa kea pina.continues pa po sakin ng another 1week ung antibiotics..tas nag test ulit wala na po ako u.t.i..pero bumalik ulit nung nag.7mons. na..pina.antibiotic ulit ako for 3days nalang ata un..tas continues pa rin sa tubig.tubig lng ng tubig..tas nawala na rin naman..hanggang sa naka.panganak ako ok.naman po ung baby ko..wala naman naging epekto sakanya.. at now po na buntis ako nah.iingat na ako kasi ma.uti po ata ako pag buntis..sa awa ng dyos nakapa.lab test na ako at wala naman ako u.t.i ngayong 4mons.preggy ako..more on water and buko juice talaga ginagawa ko..at iwas.iwas muna sa softdrinks..kasi ung sa panganay ko talaga di ko mapigilan magsoftdrinks kea un nagka.utiπŸ˜… safe naman po ang antibiotics..di naman magrereseta ang mga o.b natin ng di safe para sa baby natin..kesa lumala pa at mas baka un pa ung makaapekto sa baby natin..

Magbasa pa

Bumalik k Po sa Dr. Mo sis. Bka taasan Niya dosage Ng gamot mo Kung TNTC kna. Ibig sabihin ninanana na ihi mo at Hindi na nila mabilang sa sobrang dami Kya wla Ng digits Yung result mo, Hindi na Po Kaya Ng buko Ska tubig Lang Yan sis kailngn mo n Ng tulong Ng gamot.. pag lumala pa UTI mo bka mapa aga k Ng anak. Wag Po matigas ulo Kung ano Po nireseta inumin mo Po.. come clean sa OB mo na kaya lumala dahil Hindi mo sinunod Yung antibiotic. Para mabigyan k Nya tamang gamot.. I hope you learned your lesson na.. wag Po Basta Basta makinig Kung kani kanino at the end sa doctor ka pa rin lalapit Hindi nman sa nag advice sayo, Lalo na pag nag ka emergency na. Common pero Hindi normal UTI sa buntis. May gamot na safe sa baby at buntis na Hindi nag cacause Ng complications sa baby. Pwede mo Po tanungin Dr. Or search sa google. Kung Wala ka tiwala..

Magbasa pa

You should have taken your meds nung una palang po. You are risking your life and your baby's life by not taking the meds for the infection. Pag lumala po ang UTI during pregnancy, may mga possibility of complications, pwede ka magka-kidney infection which pwede maging factor na magkaroon ka ng miscarriage. And mommy, may specific brand of antibiotics na talagang hindi pwede itake during pregnancy and surely, hindi yun irereseta sayo ng doctor and ang ibibigay ay ang safe for you and your baby. Hopefully hindi cyst ang nakita sayo and if you want to be sure, hingi po second opinion sa ibang doctor. Of course, stay healthy, drink lots of water and avoid mga salty foods. Good luck and God bless sa inyo ni Baby.

Magbasa pa
VIP Member

May kakilala po ako sis nadetect ng OBgyne ung UTI nya malapit na sya mag 28wks. Mataas pus cells nya. D kc sya nagpacheckup nun 1st trimester. Sb ng OBgyne nya since 1st tri meron na daw sya. Nag early labor sya. Nakapanganak na sya ng 29wks sya, CS and nd pa matured c baby nya. 2months na na NICU baby nya dahil sa UTI nya. Ung nreseta po sayo na antibiotic is safe sa pregnancy. Mas okay po kng before ininom nyo npo ung antibiotics. Good luck sis. Pray lng po lgi.

Magbasa pa

Dapat uminom na kayo, alam na alam pa naman ng mga OB kapag hindi iniinom mga nireseta sa kanila na antibiotics kasi lumalala lang yung condition niyo base sa mga labtest result na lagi nilang pinapagawa. Pag niresetahan na kayo ibig sabihin lang nun hindi na kayang i-water therapy. Alam na ba ng mother mo na lumala lang po yung UTI niyo dahil sa ginawa niya? Isa pa sis, kung nanay mo ang sinunod mo ibig sabihin lang non wala kang tiwala sa OB mo.

Magbasa pa

nag ka UTI din ako before sa panganay ko nireseta ng OB di ko ininom during 4 mos of pregnancy nilagnat ako 2weeks pero di pa din ako uminom until naipanganak ko na si baby dint alaga ako uminom sa sobrang takot winarningan pa ako ng OB ko that time wag daw ako magtaka kung yung anak ko pag labas may infection at mga nana sa mata then ayon naipanganak ko baby ko all in all normal she's already 3 years old na

Magbasa pa
Super Mum

Once na pinag antibiotic na po kayo ni OB momsh, ibig sabihin noon is marami ng pus cells at bacteria sa ihi nyo. Mahirap po kasi pag hindi naagapan ang UTI at pati si baby po maaapektuhan. Safe naman po yan mommy dahil prescribed naman po sya ni OB. Mas maganda na water therapy, iwas sa maalat kasabay na rin po ng pag take ng antibiotics. Hope you get well soon! πŸ’•

Magbasa pa

Kapag po mataas ung pus cell need tlga anti biotic mommy una baby my uti din ako.tapos second my uti n naman ako kaso mababa lng pus cell kaya madala p dw tubig sabi nung midwife. Minsan kasi takot din mga nanay natin kasi una panahon sa bhay lng sila nanganganak pero advice ob sana sunod mo oh kaya second opinion ka sa iba ob. .

Magbasa pa