Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mommy of a pretty bunchy
Pooping...
Ask ko lang, hindi ko kasi malaman kung normal pa ang pooping ng baby ko. Turning seven months na sya. So nag start na din sya mag eat ng solid foods and at the same time nag transition na din ako ng milk nya from bonna to bonnamil. Sa ngayon 3x to 4x nagppoop si baby sa isang araw at iba iba ang consistency nya, minsan malapot, minsan malabnaw pero hindi naman yung parang tubig na. Dahil kaya yon sa bagong gatas nya o dahil nakaen na sya ng solid foods? Normal ba mga sis sa baby na mag poops ng 3x to 4x a day? Hindi naman sya nananamlay or parang may sakit, napapadalas lang talaga ang pag poops nya.
Libreng income WALANG BAYAD!
FREE BOT✔ WALANG PUHUNAN✔ PAG SIGN IN MO MAY 100 PESOS KA NA AGAD! PM ME HOW..
My Darling @ 2 months ❣️
Nakakalungkot 😤 Habang lumalaki ka ibig sabihin konting panahon nalang na magkakasama tayo araw araw, tapos babalik na naman ako sa work. Iniisip ko palang sobrang nakakalungkot na 😣
Motherhood Journey ❣️
Napaka thankful ko ngayon, 5 weeks na si baby bukas. Hindi nako nakakaramdam ng pagka down or awa sa sarili pero nayayamot padin ako kapag may comment ang nanay ko pag naiyak si baby (feeling ko kasi mema lang, iniignore ko nalang madalas pero minsan nakakaasar padin haha). Kaya ko nadin syang patahanin, nakakapa ko na kung bakit sya nag iiyak at alam ko na ang gagawin. Masaya ko sa improvement namen. Hindi ko padin maisip na dumaan ako sa point na gusto ko na sya sukuan sa sobrang pagsself pity ko. Akala ko talagang lalamunin na ko ng depression pero God is Good padin, pagsubok lang lahat at malalampasan din. Sa mga FTM na kagaya ko na nawawalan ng lakas ng loob, kaya natin yan, wag tayong magpatalo sa depression at anxieties, masarap mahalin at alagaan ang baby natin, sobrang nakakataba ng puso at nakakawala ng problema.
Baby Blues/ PPD
Mga mamsh. Thank you so much sa support. Umokey ang pakiramdam ko kasi alam ko na may nakakaintindi saken, sa nararamdaman ko, sa pinagdadaanan ko. Na hindi to arte lang, na tinoyo lang ako, na nababaliw nako. Hindi ko man nakuha yung suporta na kailangan ko sa asawa ko pero ayos na din kase may nakinig at dumamay saken dito. Right now, I'm establishing my bond sa baby ko, sinisikap ko na intindihin at ibigay yung alagang kailangan nya. Tanggap ko na na hindi man ako maging perpektong ina o hindi man ako makacope up agad sa changes na nangyari saken, hindi ako susuko para maging mabuting mommy sa kanya. I'm trying to be positive at oo kapit lang kay God. Lilipas din to at magiging okey lahat.
Postpartum 3 weeks
Akala ko dati pag andyan na si baby puro saya lang pero andun din pala na para kang masisiraan ng ulo. Bigla kana lang maiiyak, mag iisip ng kung ano ano, feeling mo wala kang kwentang ina. Hindi ko alam kung Baby Blues padin ba to o nagiging depress nako. Tapos ang hirap pa na sasabihin ng nakapaligid sayo naluluka at tinotopak kalang. Sakit lalo sa puso.
Blessing ❣️
1 day old baby girl via CS 3.2 kg, 36 cm ang Head Circumference, 1 tight nuchal cord coil. Thank you Lord nakaraos din. Mabuti nalang at nag decide na kame agad mag pa CS at hindi na naghintay na maglabor.
Asking for prayers.
Scheduled for CS today. ?? Sana makaraos po kami ng walang problema at sana lumabas na healthy si baby. ? Tuloy na tuloy na talaga ?
Sipit sipitan/ Cephalic Oblique
Guys, nagpa pelvimetry ako kanina, Cephalic Oblique si baby, naooblong na ang head nya kasi di talaga sya makababa. Naka tingala din yung posisyon ng ulo nya. Tanong ko lang kung may ganung case dito na nainormal pa? Maliit din ang sipit sipitan ko based sa xray. Medyo halo halo na ang nararamdaman ko e, inisched na kasi ako for CS dapat today pero etong tatay ko nagpipilit na baka kayang inormal daw. Wala naman daw kasi nung panahon nila ng maliit ang sipit sipitan at CS na ganyan. Nagwworry lang ako na baka patagalin ko pa kahihintay na mag labor ako pero ending CS din pala tapos magkacomplication pa ang baby ko baka mapapoops na sya. ??
39 weeks
Closed Cervix. For pelvimetry tomorrow ? Baka daw maliit ang sipit sipitan ko kaya di bumababa si baby. ???