UTI during pregnancy
Hello po mommies! Sino po nakaexperience dito na nagkaron ng UTI or mataas yung pus cells during pregnancy? Mataas kasi pus cells ko. Nakatatlong batch ng inuman ng antibiotic na ako pero TNTC (too numerous to count) parin. 8 months na tummy ko. Takot ako na baka di talaga siya mawala. ππ takot na rin ako uminom ng antibiotic kasi andami ko ng nainom. π may mga alam po ba kayo na herbal medicine for UTI? Yung effective po. I really need your advice and sagot po. Hoho.
nagka uti din ako while pregnant pero hindi ganyan na hindi mawala wala kahit nka pag anti biotic na..naawa ako kay baby paglabas nagka jaundice siya sabi ng doctor dahil daw nagka uti ako while pregnant..ayun 1week din nag take ng antibiotic si baby via hiplock..sakit sa puso na nahihirapan anak ko kung anu anu tinuturok sa kanya ..kaya mommy if possible po iwas2x din po sa mga bawal na nkaka pag cause ng uti satin kasi si baby yung nag susuffer..
Magbasa paMommy ganyan din po ako nung first trimester ko, 3 cycles ng antibiotic ksi ayaw mag normal ung pus/wbc ng urinalysis ko, sabi ng bagong ob ko within limit daw ang 5-8wbc kpag preggy, no need na iantibiotic, basta hydrate lng daw atleast 3-4liters of water per day, ska nag cranberry juice din ako everyday 200ml, and bwas sa salty and sweet food, last urinalysis ko normal na ung uti ko, be healthy mommy π
Magbasa paCause of UTI while preggy: * d nagpapalit ng underwear 2-3times a day kasi sensitive daw yung parts natin specially preggy tayo *d masyado umiinom ng water Advise from my OB before: *change ur undies 2-3times a day and use GYNE PRO feminine wash , d siya mild at advisable talaga siya sa mga preggy *drink more water/coconut water *iwas salty food hope, makatulong to.
Magbasa pamommy pag mabalik balik na po UTI niyo, try ko look for another doctor na lang po baka di na mamanage ng maiigi ng present doctor niyo ang UTI niyo.. pag recurrent UTI at naka ilang round na ng antibiotics at ganun parin, magrerequest na sila ng Urine Culture and Sensitivity para malaman anu ang causative agent ng UTI at sa anong antibiotic ka sensitive.
Magbasa paHello po. Sa umaga po pagka gising uminom ng fresh buko juice kailangan po ubusin ang 1 buko juice sa hindi pa kumain ng breakfast.. Im 4 months preggy po walang UTI taz okay lahat result ng dugo yan lang po ginagawa ko taz kumakain ako sinabawang gulay.
Try buko juice sa umaga, empty stomach.. Tubig lng inumin mo,kung pwede iwasan mo muna gumamit ng mga pampalasa ng mga lutuin. Bkit nman di nawawala yan eh may nka antibiotic kna. Try to sacrifice para kay baby.
Tubig lang ng tubig sis tapos buko juice. Delikado ang uti lalo na pag malapit na manganak baka magkaron din ng infection si baby. Iwas sa salty foods maya't mayain mo ung tubig
Ganyan din po ako mommy. 4x na po ako nagUTI ngyon po pinagUURINE CS po ako sabi po sakin mahal lang po pra daw malaman kung anong antibiotic daw ang babagay sakin
Puss cells ko nung 8months tiyan ko 40-45 kaya hindi ako umabot sa due ko na nov 15 oct 22 nanganak nako agad water therapy and pure buko juice every morning
ganyan din sakin tntc. tyaga lang buko lagi. kahit maya maya balik sa cr. π nung lumabas naman si baby okay naman. more water din.