Yosi
Hi po mahirap po ba talaga tigilan ang pag yoyosi? Naiinis kasi ako kay hubby matagal ko na sinasabi tigilan na nya kaso hindi naman daw agad mapipigilan yun. ? Malapit na kasi lumabas si LO kaya sabe ko magstop na sya. Hindi naman daw sya lalapit kay LO habang nag yoyosi or after.
di naman po nagyoyosi ako before mabuntis di naman ako naadik LIP ko din usapan namin pag nabuntis ako mag stop na, pero minsan nahuhuli ko naghihits pinagagalitan ko saka hinahabol ko takot naman ipaamoy sakin alam nya bawal narerelieve kasi sakit ng tyan nya ganon din ako non sa pag inhale exhale ko narerelax tyan ko eh lagi ako constipated ngayon walang wala na di ko din naman hinahanap. pag lumabas na wala na talaga as in bawal na talaga kay hubby kawawa naman baby eh kahit third hand smoke galing damit nya masama
Magbasa paMahirap momshie pero if desidido si hubby kayang kaya niya yon. May nicotine patch na available and chewing gums. Mas delikado po ang second and third hand smoke. Kumakapit po yun sa damit tapos bubuhatin niya si baby. Ikaw din momsh while preggy delikado din since for sure expose ka din sa second and third hand smoke ng hubby mo. Better safe than sorry momsh, mas okay ngayon palang simulan na niya. Mas at risk kayo kesa sakanya.
Magbasa paGanyan din hubby ko, napakahirap pakiusapan na tumigil na sa pagyoyosi..sige pa rin.. Ang nakakainis lang sasabihan ako ng mil ko na dapat daw ako ang nagpapatigil sa pagyoyosi ng anak nya kasi ako ang asawa.. Gustung gusto ko sagutin na sila tong magulang, saknla lumaki at nagka-isip ang asawa ko bakit parang lumalabas na kasalanan ko kung bakit di sya tumitigil magyosi..kaka imbyerna
Magbasa paSobrang hirap po lalo na kung di mo talaga gusto at walang dahilan para itigil. Mahirap po kasi nakasanayan. Sabi nga po ng iba mas mahirap pa daw magpigil ng paninigarilyo kaysa sa pag iinom. Ako po ginawa ko nun nag adjust po ako ng pakonti konti. Di ko po binigla. Binawasan ko po tapos may certain events lang po ako nagyoyosi hanggang sa tinamad na po ako
Magbasa paSi husband before din ako manganak sinabihan ko na huwag na magyosi. Pero hindi rin nia natigil agad. Around till 3mos ni baby. Pero after nun nagstop na daw talaga sia. Gastos lang daw at natatakot na baka mapano si baby. Tiyagain at encourage mo lang lagi na para sa inyong lahat naman ang pagtigil nia if ever🧡😊
Magbasa paYong hubby ko sobrang lakas magyosi non. Pero nakayanan nmn nyang itigil nong nangliligaw pa lang sya. At di ko sinabhan na tumigil na sya magyosi kusa nyang ginawa yon. Kaya swerte ko talaga sa hubby ko bait at maasikaso pa lalo na ngayong buntis ako. Sana di nya mabasa to baka lumaki ulo hehehehe
Mahirap siguro talaga mamsh :( yung hubby ko rin di pa niya tinitigil hanggang ngayon. Sati pa namin yan pinag usapan nung buntis pa ako. Sabi niya ititigil nya kapag lumabas na si baby. 3 months na si baby, wala pa rin. Di pa rin niya tinitigil. :(
Ang hubby ko naitigil nya para sa mga anak namin. Paglabas pa lang ng first baby namin 2011. Nag stop na sya. Nag sacrifice sya kasi sabi ko ayoko maamoy ng anak namin. Ngayon 2 na baby namin. Together for 11 years.
Siguro po sa una mahirap, lalo kung nakasanayan na. Pero kung gugustuhin mong istop talaga. I guess, may mga paraan naman lalot kung health ng mga nakapaligid sayo (lalo na baby) yung isasaalang alang. 😊
I think mahirap.... nakakainis lang kc nagging insensitive sila... qng nasan may buntis dun nagpapausok 🤦♀️ qng nasan may bata, dun nagpapausok 🤦♀️ mga walang konsiderasyon kainis....