HALIK NG HALIK KAY BABY!!!
mga momsh okay lang ba na mainis ako? kase yung lola nung hubby ko hinalik halikan yung baby ko, yung halik na may kasama pang parang inaamoy yung pisngi ni baby, kanina kasi umaga ang kinis ng mukha ng baby ko, maya maya nag ka butlig at onting rashes nanaman. kakahalik siguro di naman ako makaangal kasi baka magalit sakin, matampuhin kasi yon, tapos mga momsh kaya ako nag aalala nag yoyosi kasi sya, yung lola nung asawa ko. nag yoyosi sya pero after naman nya nag aalcohol sya tapos iuugoy na niya sa duyan ang baby ko. kaya di din ako makaangal e natutulungan ako sa pag aalaga. kaso momsh ayan o parang may itim tuloy sa face nya naiiyak nlng ako habang nililinisan ko sya sa mukha ? sensitive kasi ang baby ko. sensitive balat nya sabi kasi ng pedia niya pag may history ng skin asthma or hika ang nanay sensitive ang baby. nakakainis talaga pag may humahalik sa baby nyo no? relate po ba kayo? huhu
Nope....sakin kahit sino pa yan even parents ko pinapagalitan ko...wala kase dito yung kamaganak ng hubby ko nasa.province pero more on friends nya and sinasabihan ko talga na no kissing,no holiding of hands and No karga. Laruin lang nila...may isa ako.nasampal na ka.work ng hubby ko pagkapasok na pagkapasok na pagkapasok plng namin.sa work place hahalik na agad yung mokong bigla ko sinampal na mejo light lang...sabat kuha kay baby...si hubby kase may hawak kaya hndi nya agad na pansin eh nakasunod ako sa likod kaya nakatikim sya sakin and sabe ko wag na wag ka hahalik kahit kanino baby ang dumi ng bibig mo. Tapos walk out...hndi masama maging O.A basta para sa anak gagawin ko lahat
Magbasa paSis, sabihan mo si hubby mo na sabihin na lang sa nanay nya na bawal halikan ang baby at maselan talaga ang skin ng bata. Medyo relate ako sayo... May skin asthma baby ko and ung sister ko na tumutulong sakin ang lakas magyosi... Mukhang may asthma din ang baby ko na namana sakin kasi grabe sya pag sinisipon sobrang tagal ng recovery... Binilhan ko ng vape ate ko pero wal pa din nagyoyosi pa din... Simabihan ko na lang na maghugas kamay pero alam mo un kapit sa ilong, hininga, damit at buhok talaga ung smoke.... As much as possible di ko na lang pinapahawak si baby masyado... Pinapatignan tignan ko na lang kapag maliligo lang ako....
Magbasa paIm so proud if u momsh you have great self control! Keep it up! Isa yan sa magandang maituturo mo sa baby mo habang lumalaki. Mahirap ung gnyan pero kung madadaan nga sa pagsasabi kahit palambing baka nmn makuha mo loob ni lola. Like pag kinikiss nya si baby pwedeng malambing ka magsabi na "luv na luv sya ni lola oh.. Pero wawa nmn pisngi ko lola.."sabay tawa.. Try mu lang. Pag hnd p dn, di nmn ganun kalala, makakapag adopt dn ang immunity ni baby plus lalakas pa ung resistance lalo na kung complete vitamins nmn. Lilipas din ung gnyang episode.. Luv u sa inyo ni baby... 😘
Magbasa pasuper mapag pasyensya po talaga ako lalo na pag dating sa pamilya ni hubby haha para bang di ko po kaya magreklamo kasi mababait naman sila, yun nga lng po yung paghalik at pag hawak hawak ng mga pinsan dn ni hubby na bata syempre galing po school nakakailang pag hahawakan nila baby mo
isa talaga yan sa mga problem natin momsh.. ayaw natin ipagdamot si baby pero mas kailangan natin sila protektahan. Yung iba sasabihin pa sayo, maselan/maarte. Keri lang, ang importante wag marisk ang health ni baby. Lalo na mahina pa immune system nila. Buti nalang open minded lahat ng kasama ko dito sa bahay, alam nila ang do's and don'ts pagdating sa baby. Hindi agad sila lumalapit pag galing sila sa labas or pagod sila. Nag aalcohol bago hawakan si baby. Mahirap magsalita kasi baka ma offend sila, but still mas importante parin si baby.
Magbasa paMas maganda mamsh kausapin mo si hubby mo para masabi mo sa kanya Ang concern mo.. sabihin mo Hindi Naman sa nag iinarte kaso dami na talagang sakit ngayon di tulad nung panahon Ng mga nanay natin Kaya mas sensitive mga Bata ngayon.. para timing-an ni mister mo si Lola at sya magsabi. Mahirap talaga Kasi kahit kasal Kayo or nagsasama Hindi ka pa Rin blood related Kaya kaylangan makisama, Kaya maganda na na si hubby mo kumausap sa kanya.. pwede Naman kiss sa ibang parts like binte or paa, wag Lang kamay at mukha..
Magbasa pasalamat po sa mga sagot nyo mga mommy jusko di talaga ako makapag salita eh, di po kasi ako ganon 😭 mahiyain din po pag dating sa pamilya ng hubby ko. eh jusko ako nga dko mapang gigilan ng halik ang anak ko tapos yung lola pa na nag yoyosi pa ha. eto nga sabi nag alcohol na daw sya. eh naamoy ko pa dn syempre dba matindi amoy ng yosi kahit nag alcohol kapa. humalik nanaman jusko gusto ko na sumigaw, nag paparinig na nga ako na sensitive ang skin ng anak ko humalik pa din grabe!!
Magbasa paYes po, baka hindi na tayo papansinin..
Sabihan mo lang mommy, yung di nman nakaka offend na words, kunyari idaan mo sa baby at nakikinig si lola samahan mo ng "Smile". "Sabi ni doc wag ka po muna halik lola, sensitive pa po skin namin..." tapos magkwentuhan kayo about sa condition ng mga babies para alam din nila. Mga ganyang style po. Mauunawaan nman nila yan not now but soon. Sakin ganyan ginagawa ko okay naman. If hindi mo gusto si hubby mo na lang
Magbasa paNako mommy :( delikado po ky baby na makikipag interact ang mga nag yoyosi saknla kahit alcoholan mo pa yan mag sstay pa dn ang amoy jusko! Prone sa pneumonia ang mga baby na eexpose sa yosi. Nkkinis mgs gnyan prang d nla alm na masama yun sa baby grrrr. Gigil ako eh nkkrelate kasi ako. Namatay yung adopted son nmn dhl sa pneumonia kaka yosi sa bahay isang factor
Magbasa paAng rule daw dyan ay, pag relative ni hubby, sya ang dapat ang magsabi. Pag relative mo, ikaw naman. Or use this line, "Sabi po ng Pedia, nya wag muna daw ______". About to deliver our little one soon. Nagstock na ako ng alcohol, para kita nila bawat kanto ng bahay. Tsaka papagawa ng bib. Yung may naka print na "Don't kiss please".
Magbasa painiiwas ko din sis pahalikan si baby kahit 14months na sya lalo yung mga nagsisigarilyo. One time yung kakumare ni mama paglapit halik agad sa anak ko eh amoy sigarilyo jusq kinabukasan andami butlig sa leeg at balikat tapos konting tubig.. Tsaka masama din yung second hand smoke yun isa sa mga reason bat inuubo ang baby lalo kung kasama sa bahay
Magbasa padi ksi nila alam na sensitive ang baby e mga basta halik akala mo sila mahihirapan