hubby

Palabas po sama ng loob mga momsh. Naiinis ako kay hubby kasi alam naman nya kung matulog sya daig pa mantika wala.na sya pakealam sa katabi nya natulog sya sa tabi ng anak namin 1year old sabi ko lipat sya kasi hindi po kasi sila talaga pwede magtabi at palagi nadadaganan ni hubby ngayon nalingat lang ako kasi gutom na gutom na ko tapps ihing ihi pa ko biglang nag iiyak anak ko nun pala nakita ko nadaganan nnamn ng asawa ko. Sobrang galit ko mga sis kasi ilang beses ko na sya sinabihan na wag tatabi sa anak namin lalo na kapag pagod sya napakalikot pa naman nya matulog kaya sana imbis na natutulog din ako kasi puyat ako wala dilat mata ko. Ngayon ayaw tumigil ng anak ko kaiiyak gusto nya nakayakap sakin iyak nya iyak ng nasaktan kaya galit na galit ako napamura ako sis tapos binaba ko anak ko iyal ng iyak sabi ko magtitimpla ako ng dede nilakasan ko para marinig ng asawa ko pero imbis na tulungan nya ko nagwala pa sya.. Ayun sira nanaman yung divider ng magulang nya ako nanaman masisisi sasabihin nanamn ako may kasalanan bakit magalit anak nila

29 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

This is why I insisted on my baby to sleep sa bassinet nya. Kasi alam ko sa sarili kong napaka likot ko matulog and for sure madadaganan ko sya. Sya naman alam nya sa sarili nyang ganyan sya dapat sya ang mag adjust. Alangan namang ung baby ang mag adjust sa kanya di ba? Anong klaseng tatay yan sya pa may ganang magwala. Tigas ng mukha.

Magbasa pa

Jusko napaka walangya naman ng asawa mo. Baka sya pa maging dahilan kapag yan anak mo eh natuluyang di na makahinga. Kung ako sayo kayong magina nalang mag adjust lumipat kayo magina ng pwesto n mahihigaan kesehodang sa sahig kayo mahiga maglatag lang kayo ng kutson or banig kesa katabi nyo yan asawa mo na tulog mantika.

Magbasa pa

Jusko,. Wag nya intayin na di na makahinga yang anak nyo dahil nadaganan nya ..pra syang walang sense of responsibility, tatay sya dpat safety ng anak nya ang inaalala nya .. Kung ako sayo ilayo mo n sknya pag mttlog kayo wag nyo itayin na may pagsisihan pa sa huli at in the end mag sisisihan pa kayong dlwa ,

Magbasa pa

ba't ka nagtitiis sa ganyan? hintayin mo pa na mapahamak ang anak mo or worst kayong dalawa? sira ulo yang asawa mo. Walang matinong tao ang ganyan. Depende nalang yan sayo kung ano gagawin mo. For sure, alam mo qng ano ang makakabuti para sa inyo mag ina. ๐Ÿ™ May God give u courage. Stay safe.

Naku wag lang gawin ng asawa ko daganan anak ko kahit tulog sya tatadjakan ko sya. Hrap mag patulog ng bata tapos sya hmbing hmbng ng tulog! ๐Ÿ˜ก๐Ÿ˜ก๐Ÿ˜ 

VIP Member

Nakakagalit..lagi mo nalang ilayo momsh..kung pwede yung mga dulu-dulo kayo as in para di nya mahagip..kakasad..laban lang mommy, nanay tayo ih..kaya yan

Napakagago. Yung pagod at puyat kana sa pag aalaga tapos batugan pa asawa mo. Yung kahit man lang sana yan nalang maitulong nya magwawala pa.

Paghiwalayin mo nalang ng kama or kutson para di na nadadaganan si baby. Kawawa naman, baka ano pa mangyari sa anak niyo. Tsk

VIP Member

Grabe naman! Paghiwalayin mo nalang ng higaan sis or kaya ikaw ang tumabi sa asawa mo tas ilagay mo sa side mo si baby.

Kung Asawa ko Yan , dun siya matuLog sa tabi nang Ina niya. Imbyerna , siya pa galit nasaktan na nga Yung Bata . Tsktsk