Share ko lang

May napanood akong tiktok video ng isang teenager. Galit na galit sya sa mother nya kasi pinaampon sya tapos nakita nya yung mga old stuff nya. Not saying na tama yung pagpapaampon ng mother nya pero naisip ko na baka may pinagdadaanan yung nanay nya nun. Nalungkot ako kasi recently napaisip din ako ng gantong thoughts. Hirap na hirap ako kasi lagi kaming nagaaway ng asawa ko, hirap ako sa trabaho, hirap kami sa budget, at may depression ako to the point na minsan napapalo ko sya. Naiisip ko na ipaampon ko nalang sya kasi wala namang magulang na gugustuhing masaktan ang anak nya. Hindi ako mabuting magulang kasi napapalo ko sya. Hanggang ngayon naiiyak ako kasi ayokong gawin sa anak ko. So far im getting better. Sana. Sana maging mabuting nanay ako.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ayaw mo sya masaktan pero di mo macontrol emotions mo dahil sa depression, then seek help for your treatment para maalagaan mong mabuti anak mo pag gumaling ka na..ok lang ihabilin mo sya temporarily sa family or trusted relatives habang nagpapagaling ka pero HINDI solusyon na ipaampon mo sya for good.. Keep a positive mindset, surround yourself with positive people, detach from too much social media and negative news on tv..All those contribute to stress and depression.. also eat healthy and stay active.. Get well po, stay strong and good luck

Magbasa pa
VIP Member

Kailangan mo po ng kausap, Social Welfare or Psychologist. Kailangan mo din may kasama, uwi ka muna sa parents mo or relatives mo para may magalaga sa anak mo. Huwag na huwag mo sasaktan ang anak mo, wala syang kalaban laban sayo at wala pa syang alam sa mundo. Ikaw ang gumawa sa kanya, wala sya kasalanan sa pinagdadaanan nyo ngayon. Maawa ka sa anak mo. Will pray for your continuous recovery and clear mind and to be a loving mother.

Magbasa pa