hubby

Palabas po sama ng loob mga momsh. Naiinis ako kay hubby kasi alam naman nya kung matulog sya daig pa mantika wala.na sya pakealam sa katabi nya natulog sya sa tabi ng anak namin 1year old sabi ko lipat sya kasi hindi po kasi sila talaga pwede magtabi at palagi nadadaganan ni hubby ngayon nalingat lang ako kasi gutom na gutom na ko tapps ihing ihi pa ko biglang nag iiyak anak ko nun pala nakita ko nadaganan nnamn ng asawa ko. Sobrang galit ko mga sis kasi ilang beses ko na sya sinabihan na wag tatabi sa anak namin lalo na kapag pagod sya napakalikot pa naman nya matulog kaya sana imbis na natutulog din ako kasi puyat ako wala dilat mata ko. Ngayon ayaw tumigil ng anak ko kaiiyak gusto nya nakayakap sakin iyak nya iyak ng nasaktan kaya galit na galit ako napamura ako sis tapos binaba ko anak ko iyal ng iyak sabi ko magtitimpla ako ng dede nilakasan ko para marinig ng asawa ko pero imbis na tulungan nya ko nagwala pa sya.. Ayun sira nanaman yung divider ng magulang nya ako nanaman masisisi sasabihin nanamn ako may kasalanan bakit magalit anak nila

29 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Baliw yang asawa mo. Ako yan basag mukha nya sakin ehm haha jwk. Pag sabihan mo yan sis. Kaka gigil

VIP Member

bili na lng kayo sis ng isa pang bed para ung hubby mo dun sya sa kabila ganun na lnggawin mo

wag mo nalang itabi sa kanya si baby. pag nakasleep na hubby mo, ilipat mo na palayo sa kanya

VIP Member

Walang utak asawa mo sis pxenxa na, alisin mo nlng anak mo s tabi nia pg tinabihan nia..

Nakakainis yung ganyan, sakin namn di naman ganyan ka lala si jowabels. Humihilik lang.

Ang gago naman nyan momshies 🤦🏻di na nga makatulong, magwawala pa, tibay ng muka

VIP Member

Tigas din ng ulo momsh yong hubby q nakikinig naman pag para sa baby na..

eh di kayo na lang po ang bumukod ng higaan kung ganyan siya.

5y ago

Kung mahal niya anak niya hindi nya tatabihan matulog un kasi alam naman nya na nadadaganan niya. Edi sana iniintindi nya yon. Lol. Pwede naman na magtabi sila sa paghiga pero pag matutulog na sya umiba na sya ng higaan.

VIP Member

So sad naman.. dapat priority nya welfare ng baby nyo.

My ex was like that momsh. Kapal ng mukha. Iwan mo